22.

154 12 0
                                    

NO, OF COURSE NOT!

Roi wanted to shout those words so bad after hearing her ask. Alam niya sa sarili niya na kailanman, hindi naging hadlang si Ezra sa pagtupad niya sa pangarap niya. Kailanman, hindi naging distraksyon si Ezra. Siya pa nga ang maging motibasyon at inspurasyon ni Roi sa pagpapatuloy.

Gustong-gusto ni Ezra na matupad niya ang pangarap kaya ginawa rin niya ang lahat dahil nangarap si Ezra kasama siya. Naniwala sa kaniya si Ezra at kailanman ay hindi siya sinukuan.

Hindi kailanman naging hadlang si Ezra. Hinding hindi siya magiging hadlang.

When Roi didn't answer, Ezra felt a punch on her chest but, she just flashed a bitter smile. Agad niyang pinahid ang luha at napaiwas ng tingin sa binata.

"M-maybe, I really became one. Naging hadlang nga siguro ako..." sabi nito at ngumiti bago siya nilingon. "Naiintindihan ko na, Roi. A-akala ko kasi hindi mo lang sinasadya ang sinabi mo no'n pero, n-naiintindihan ko na ngayon. Pasensya na kung nagtanong pa ako at nasira ko ang gabi mo. Muntik ko nang makalimutan na nandito nga pala ako para magtrabaho para sa 'yo at hindi ang balikan ang nakaraan nating dalawa," Ezra stood up and faced him, even with her heart throbbing in pain.

"Pasensya na, sir. Lalabas muna ako."

Mabilis na tumalikod si Ezra at lumabas ng silid. Dumiretso siya sa labas ng unit dahil hindi siya makahinga nang maayos. Gusto niyang ilabas ang bigat na nararamdaman kaya bumaba siya ng building para magpahangin.

Minumura niya ang sarili niya dahil sa ginawa niya. Bakit siya umakto ng gano'n kanina? Bakit pa siya nagtanong kay Roi kung malinaw naman na ang sagot nito noon pa? Bakit hinayaan niyang manalo na naman ang emosyon niya?

"Tanga ka, Ezra! Tanga-tanga ka!" aniya habang nagpapapadyak sa inis sa sarili. "Napakatanga mo! Bakit mo inungkat pa 'yon? Nandoon ka para magtrabaho, napakabobo mo!" patuloy ang pagsermon niya sa sarili hanggang sa makarating siya sa isang malawak na parke.

Tumawid siya ng kalsada at tumungo sa parke na 'yon. Naupo siya sa upuang kahoy na naroon at napasandal.

Ngayon, paano ako babalik doon?

Napabuntonghininga na lang siya at napatitig sa kalangitan. Ilang sandali siyang nakatulala doon hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Wala nang tao sa labas at pakiramdam niya ay nahimasmasan na siya.

Babalik siya do'n para magtrabaho. Babalik siya para ipakita kay Roi na maayos siya. Babalik siya doon sa unit nito para gawin ang trabaho niya.

Pagpasok niya sa unit ay katahimikan kaagad ang bumungad sa kaniya. Tumungo siya sa kwarto ni Roi at naabutan ang binata na nakahiga doon at nakatalukbong ng kumot. Napaiwas naman ng tingin si Ezra at naupo sa sofa na lagi niyang tinutulugan.

She wants to sleep but her thoughts isn't letting her.

"I'm sorry."

Two words from Roi and her heart's already beating fast again. Nilingon niya ang lalaki at nakitang hindi na ito nakatalukbong ng kumot. Nakatingin lang ito sa kaniya.

"I'm sorry for not answering your question earlier, Ezra. I'm sorry for those negative thoughts that's flooding your mind all because of me. I'm sorry that you're hurting because of me. I'm sorry—"

"Stop. Kalimutan na lang natin na nagtanong ako," pagpuputol ni Ezra sa sinasabi ng binata dahil hindi niya kayang makita ang lungkot sa mata nito.

She took a deep breath and tried to smile at him. "Kalimutan na natin 'yon, sir! Matulog na tayo," aniya at nahiga na. Nagtalukbong siya ng kumot at pinilit ang sariling matulog.

BoundlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon