HINDI HALOS nakatulog si Ezra nang gabing 'yon. Ilang oras lang ang naging tulog niya dahil binabagabag siya ng salitang narinig niya mula kay Roi.
Totoo ba 'yon o dala lang ng kalasingan? Bakit ba kasi sinabi 'yon ni Roi sa kaniya? Paano niya haharapin ang binata ngayon?
Hindi na siya sumama kay Manager Ree nang inihatid nito ang mga lalaki sa kanilang condo. Nagdahilan siya na medyo masama ang pakiramdam niya kaya hindi na rin siya pinilit.
Nang makaramdam ng guton, tumayo si Ezra at lumabas ng kwarto niya. Akala niya ay nakaalis na ang mga kaibigan niya pero, halos mapasigaw siya nang bumungad ang mga ito sa kaniya pagbukas niya ng pinto.
"Santisima! Anong ginagawa niyo d'yan?" gulat na tanong niya sa mga kaibigan na naroon.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Liezel sa kaniya habang nakahalukipkip pa.
"Wala akong trabaho ngayon. Their schedules ended. Pahinga nila kaya hindi na muna ako kailangan," sagot niya. Totoo din naman 'yon. Pahinga ng grupo kaya walang masyadong kailangang asikasuhin.
Kung tatawagan siya... edi, pupunta siya.
"May trabaho ako mamaya. Itong si Liezel, tinawagan din tapos, si Alyssa, may pasok din. Maiiwan kang mag-isa dito, ayos lang sa 'yo?" tanong ni Crisalyn sa kaniya.
Walang pagdadalawang-isip na tumango si Ezra. "Ayos lang, kaya ko naman. Dadalaw na lang ako do'n para malibang ako," sagot niya. Napatango ang mga kaibigan niya at inaya na siyang mag-almusal.
Nagpaalam na ang mga kaibigan niya na papasok na sa trabaho. Si Ezra naman ay tumungo sa kwarto niya para makaligo at makapagbihis.
Tumingin siya sa orasan at nakitang maaga pa. Pagkabihis niya ay agad siyang umakis dsla ang wallet at cellphone niya. Sumakay siya sa tricycle patungo sa malapit na mall sa lugar.
Bibili siya ng mga damit at laruan para sa bibisitahin niya. May pera naman siya dahil nasahuran na siya ng manager ng grupo kagabi bago ito umalis. Miss na miss na rin kasi niya ang pagpunta doon. Ilang taon na ang nakalipas mula nang huli siyang dumalaw doon. Wala rin naman siyang ginagawa kaya pupunta na lang siya.
Halos dalawang oras ding namili si Ezra. Napangiwi siya nang mapansin na marami yata ang napamili niya.
Sinubukan niyang buhatin ang mga 'yon pero, hindi pa man siya nakakahakbang ay sumuko na kaagad ang braso niya sa bigat ng dala. Malalaking plastic kasi 'yon at may lamang damit at mga laruan.
Napalingon siya sa paligid. "Paano ko ito mabibitbit?" bulong niya sa sarili niya. Ilang sandali siyang natulala doon hanggang sa may tumabi sa kaniya.
"Need help?" tanong ng lalaking tumabi sa kaniya. Napalingon naman siya at nagulat nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. Agad siyang napangiti nang magtama ang mata nila ng lalaking matagal-tagal din niyang hindi nakita.
"Lexus! Ikaw pala 'yan!" masayang aniya.
Ngumiti ang lalaking nagngangalang Lexus at bahagyang ginulo ang buhok niya.
"Hindi ko inasahan na makikita kita dito," nakangiting sabi ng binata at bumaba amg tingin sa dalawang mabigat na plastic na sinubukan niyang bitbitin kanina.
"Kailangan mo ng tulong? Naroon lang sa labas 'yong kotse ko. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo..." bahagyang natigilan ang lalaki at napatingin sa kaniya. May gumuhit na ngiti sa labi ng binata.
"Tama ba ang nasa isip ko? Pupunta ka ba do'n?"
Nakangiting tumango si Ezra. "Tama ang nasa isip mo."
Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Lexus para bitbitin ang mga pinamili ni Ezra. Nasa magkabilang kamay nito ang mga pinamili at talagang namangha si Ezra dahil sa lakas nito.
BINABASA MO ANG
Boundless
Romance[SOON TO BE PUBLISHED] Everyone deserves a second chance however, are you willing to give one to the person who already wounded you? To the one who abandoned you? Roi Niccolo Kingston had aspirations of being a singer, and Ezra Marie Crisanto did no...