23.

152 14 1
                                    

IT'S ALREADY LUNCH TIME. Nakapagluto na si Ezra ng tanghalian nila at hinihintay na lang na magising si Roi. Nakatulog kasi ito sa sobrang pag-iyak nito kanina. Hindi niya alam kung bakit umiyak ang lalaki.

Pinuntahan niya ang binata na nakahiga sa sofa sa sala at pinagmasdan. Mahimbing na itong natutulog pero, bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

Umangat ang kamay ni Ezra at hinaplos ang nakakunot na noo ni Roi. Hinaplos 'yon ng daliri niya at napangiti na lang siya nang makitang unti-unting nawawala ang pagkunot ng noo nito. Sunod niyang hinaplos ang pisngi nito na may bahid pa ng luha.

"Bakit ka umiyak? May problema ka ba?" bulong niya kahit alam niyang hindi siya masasagot ng binata dahil tulog ito.

Nagpatuloy siya sa paghaplos sa mukha ng binata at sa pagkakataong 'yon, lahat ng pagpapanggap niya ay naalis. Ang pagpapanggap niya na wala na siyang nararamdaman para sa binata. Ang pagpapanggap niyang hindi na siya apektado. Ang pagpapanggap niyang wala lang ang lahat sa kaniya. Lahat 'yon ay nawala.

Habang nakatitig sa mukha ni Roi, isa lang ang mapagtanto niya.

Mahal pa rin niya si Roi.

Tanga na kung tanga. Marupok na kung marupok pero, anong magagawa niya? Hindi tumigil ang puso niya sa pagmamahal sa binata.

Iniiwasan lang niya noon na makarinig ng tungkol sa binata pero, sa loob-looban niya ay alam niyang nangungulila siya sa binata.

"Kung hindi ako naging hadlang sa 'yo... bakit mo ako iniwan no'n? Hmm? Bawal ba sa agency niyo na magka-girlfriend ka? Pakiramdam mo ba, mawawalan ka ng oras sa akin? Maiintindihan ko naman 'yon, Roi," bulong niya at naramdaman niya ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Nanatili siyang nakaupo doon at nakatingin sa binata hanggang sa marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Agad pinahid ni Ezra ang naluluhang mata at tumayo.

Lumapit siya sa may pinto at sumilip sa peephole. Nakita niya doon si Winna at Brylie kaya mabilis siyang kumilos para buksan ang pinto.

"Ezra!" Brylie exclaimed when she opened the door. Napayakap sa kaniya ang kapatid ni Roi kaya napayakap din siya pabalik.

"Hello, mga ate! Pasok kayo kaso, natutulog si Roi," sabi niya.

"Aww, ayos lang. Bumisita lang kami para kumustahin ang lagay ni Roi. Maayos na ba ang injury niya? Hindi kami nakadalaw nitong nakaraang araw dahil pinapadalhan kami ni papa ng trabaho," sabi ni Winna at ngumiti sa kaniya.

Ezra nodded at her. "Maayos na si Roi. Medyo nailalakad na niya ang paa niya. Baka hindi na abutin ng isa pang linggo bago siya gumaling," sagot niya.

"Poor little bro," ani Brylie at nilapitan ang natutulog na kapatid sa sofa. "Bakit dito siya natutulog?" tanong ni Brylie at tumuon ang tingin kay Ezra.

Napakamot naman sa ulo si Ezra. "Nakatulog siya d'yan. Kakagaling lang sa pag-iyak, hindi ko nga po alam kung bakit siya umiyak eh. Hinayaan ko na d'yan dahil mukhang kailangan niya ng pahinga," paliwanag niya at napansin niyang natigilan ang dalawa.

"Roi c-cried?" tanong ni Winna.

"Opo, ate. Nag-alala nga ako kasi humagulgol siya kanina," sabi niya at muling naalala ang pag-iyak ni Roi kanina.

Winna sighs and seriously looks at her. "Can I talk to you, Ezra?"

Nagtataka man, pumayag na lang si Ezra at natagpuan na lang nila ang sarili sa kwarto ni Roi. Naupo sila sa sofa na tinutulugan ni Ezra.

"You sleep here?" tanong ni Winna.

"Dito ako sa sofa natutulog, ate. Si Roi naman doon sa kama niya," sagot niya.

Napasimangot naman si Winna. "Bakit hindi kayo nagtatabi? Malaki naman ang kama ni Roi, kasya kayong dalawa. Hindi kayo mahuhulog."

Napaiwas ng tingin si Ezra at napasandal na lang sa sandalan. "Roi told me to tell him if something makes me uncomfortable..." she trailed. "I told him that I don't want to sleep beside him and he respects it. Hiniram niya muna kay Ruiz nitong sofa bed tapos, dito na ako natutulog," sagot niya.

Winna smiled at what she heard. "My brother is really a gentleman. I'm glad, he's still like that despite the pains and sufferings he went through," sabi nito at lumingon sa kaniya.

"Ezra, didiretsuhin na kita..." ani Winna. Kinabahan si Ezra dahil sa ekspresyon ng mukha ni Winna. Seryoso at halatang maraming gustong sabihin.

"Aalis na kami ni Brylie dahil pinapauwi na kami ni papa. Maiiwan ulit si Roi dito. Alam namin na hindi naman siya mag-iisa dahil nandiyan ang mga kamyembro niya at nandiyan ka na rin kaya kampante kami pero, p'wede bang humiling sa 'yo?"

Ezra nodded immediately. "Ano 'yon, ate?"

"P'wede bang samahan mo si Roi dito? Alam kong trabaho lang ang dahilan kaya ka nandito pero, p'wede bang samahan mo siya sa tuwing mag-isa siya? Ayos lang ba sa 'yo na damayan si Roi kung sakaling iiyak na naman siya katulad ng nakita mo kanina?"

Hindi maipaliwanag ni Ezra ang nararamdaman niya pero, tumango siya. Tumango siya at ngumiti sa kapatid ng binatang minsan niyang minahal at minamahal pa rin niya.

"Pangako, Ate Winna. Hindi ko iiwan si Roi," sabi niya at napahinto nang may maisip. Nilingon niyang muli ang kapatid ni Roi. "Ate Winna..." tawag niya.

"Hmm?"

"May problema ba si Roi? Bakit siya umiyak nang gano'n kanina? Baka alam mo kung anong dahilan, nag-alala kasi ako," nakatungong sabi niya na tila nahihiya sa pag-amin na nag-aalala siya.

Winna couldn't help but smile. She pats Ezra's shoulder. "Roi should be the one to tell you the reason. Alam kong hindi magtatagal ay magsasabi rin si Roi sa 'yo. Hindi ka matitiis no'n," sabi nito sa kaniya bago tumayo.

"Salamat sa oras, Ezra at salamat din kasi nangako kang mananatili sa tabi ni Roi. Kailangan na naming umalis ni Brylie at baka mahuli pa kami sa flight namin," sabi nito at yumakap sa kaniya.

"Mag-iingat kayo ni Roi, ha? Sana piliin niyo ang kasiyahan niyo. Sana piliin niyo nang maging masaya nang magkasama," makahulugang sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napailing na lang si Ezra bago sumunod.

Naabutan niyang gising na si Roi habang katabi nito ang Ate Brylie niya. Nakaakbay si Brylie kay Roi na siyang napatingin sa kaniya nang lumabas siya sa kwarto.

"Alis na tayo, 'te?" tanong ni Brylie na siyang tinanguan ni Winna. Tinapik naman ni Brylie ang balikat ni Roi. "Bro, alis na kami. Mag-iingat kayo rito, ha? Ipahinga mo pa 'yang binti mo para tuluyan nang gumaling at makabalik ka na sa rehearsal niyo. Manonood kami ni Ate Winna ng concert niyo kaya magpagaling ka na," sabi ni Brylie at si Ezra naman ang nilingon.

"Ingat kayo, Ezra ha? Sana 'wag kang maubusan ng pasensya sa kapatid ko. Kapag napikon ka, sipain mo na lang sa bayag para manahimik," nakangising sabi ni Brylie.

"Ate naman!" Roi protested.

Muling nagpaalam ang dalawa sa kanila at tuluyan nang lumabas ng unit. Naiwan silang dalawa doon. Nang lingunin niya si Roi, laking gulat niya nang makitang nakatingin sa kaniya ang binata.

"Uhm, kain na tayo. Nakapagluto na ako ng tanghalian," sabi nito saka tumalikod at handa na sanang humakbang nang marinig niyang nagsalita si Roi.

"Anong ulam?" tanong nito kaya napaharap siya at napangiti na lang.

"Sinigang na bangus," sagot niya at nagulat siya nang basta na lang tumalon si Roi patayo at hinila siya.

"Uy, 'yong binti mo! 'Wag ka nang tumakbo!" saway niya pero, tinawanan lang siya ni Roi.

"Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain lalo na kung Sinigang na Bangus na niluto mo ang nakahain," sabi nito at tumingin sa kaniya bago kumindat.

BoundlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon