Drowning
~~~🌸~~~
Kanina pa ako hindi mapakali. Ni hindi ko alam kung ano na ba ang itsura ko, pero hindi ako mapalagay mula pa kanina. Sa ganito kalapit na espasyo namin ni Aidan sa isa't-isa ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina pa parang may nagliliparan na kung ano sa tiyan ko, ang mga paa ko halos ayaw na humakbang dahil sa panghihina. Kahit ang kamay ko na nakasabit sa braso ni Aidan ay hindi na rin mapakali.
Damn it! Maling desisyon talaga ang sumama pa ako rito. Dapat hindi na ako pumayag. Dapat hindi na ako sumama. Pwede pa naman ako umatras, hindi ba? Pwede ko naman sabihin na may mas mahalaga akong gagawin. Siguro naman ay pwede pa akong makakuha ng impormasyon ng hindi na kailangang sumama sa kaniya.
Iyon ang iniisip ko habang palabas na kami ng hotel at papunta sa kabilang gusali kung saan gaganapin ang party. Habang naglalakad kami ay sa amin nakatuon ang tingin ng lahat, kahit ang ilang staff na nagkalat sa paligid. I even look around para makita ang ilan sa Tenebris member na nakita ko kahapon pero wala sila ngayon.
Hindi ko alam kung anong plano ng Duces, pero hindi ako papayag na sirain nila ang mga plano ko. Kaya ng palabas na kami ng hotel, ay doon onti-onting bumagal ang mga hakbang ko. Pero tila masyadong nakatuon sa akin ang pansin ni Aidan dahil agad ito sa aking lumingon ng maramdaman ang pagbagal ko.
"Why? What's the problem?" Tanong niya.
Hindi ako rito makatingin. Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naghahanap ng pwedeng idahilan kung sakali.
"Eya?" Muli niyang tanong ng hindi ako sumagot.
"Can I back out?" I know this is bullshit after all pero sinubukan ko pa rin. Baka naman sakaling pumayag siya. "I realized, I need to do—
"Why? You want to get information, right? This is your chance." Huminto na kami sa paglalakad habang titig na titig siya sa akin.
"I— I know but..."
"Besides, your man is there too." Biglang nagbago ang tono ng kaniyang boses sa huling sinabi kaya agad na nagsalubong ang mga kilay ko.
Ano naman ngayon kung naroon si Kai? Isa pa hindi ko rin alam kung kaya ko bang makita si Kai ngayon dito. May pakiramdam ako na hindi magiging maayos ang takbo ng mga ginagawa ko kung malalaman niya na narito ako. I need to keep him away from this.
Inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso pero mabilis niya itong kinuha at muling ibinalik sa pagkakasabit sa kaniya. Hindi na nawala ang pagkunot ng aking noo.
"Let's go. I am giving you the access to the party, you should be thankful. Huwag ka rin mag-alala dahil hindi kita iistorbohin kapag nandon na tayo."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko na rin nabawi pa ang kamay ko na tila nawalan na ng lakas. Iginaya niya ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sabayan siya sa paglalakad. Ilang hingang malalim rin ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...