Run away
~~~🌸~~~
"Alam mo sa totoo lang, ako na ang napapagod sa ginagawa mo Eya." Trevor popped up out of nowhere behind me.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Nilingon ko siya at masamang tiningnan. Natapon din ng kaunti ang alak sa basong iniinom ko kaya't ibinaba ko ito at kumuha ng tissue sa mesa.
"Will you please stop, Trev? Hindi ka nakakatuwa!" Sabi ko habang tinutuyo ang natapon na alak sa suot kong dress.
Today is Cassie and Lance's wedding. It's been what? I don't know, but maybe more than months have passed since that day in the hospital. Marami na ang nangyari and it was a rough and tough time for all of us.
We all witnessed how Lukas proposed to Alia. Tulala pa ako sa kanila habang naluluha na makitang ngayong gabi, masaya ang dalawa sa matalik naming kaibigan. Masayang-masaya ako para sa kanila.
"You are being too hard on yourself kasi, Eya. Look, Cassie and Alia have found their true happiness. At alam mo ba kung paano nila nagawa 'yon?" He sipped from his wine glass at saka ako tinitigan pero hindi ko siya ginawang lingunin kahit na saglit.
"Because they chose to be honest. Iyong walang tinatago, nagpakatotoo and they also decide to tell the man they love the truth about everything."
Natigil ako sa pagpunas ng natapong alak sa aking damit at bahagyang napahigpit ang hawak sa tissue.
I know what he meant by that. It's been months since that day in the hospital. At simula rin noon ay hindi na niya ako tinigilan sa bagay na ito. Dahil matapos ang araw na iyon, umiwas na ako kay Aidan. I told him that we could no longer be together. Umiwas ako at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang tungkol sa kambal. With the help of Sky and Sarah, I was able to hide them this far.
Inangat ko ang tingin ko para muling makita si Alia na nasa gitna kasama si Lukas. Alia was now crying habang yakap-yakap ni Lukas. After seeing Cassie earlier say her vows to Lance, masaya ako na isa na naman sa mga kaibigan namin ang masaya at natagpuan ang totoong pagmamahal sa gitna ng magulong mundo na ito.
Hindi ako magpapaka-plastik. I also want to feel the same. Iyong masaya kasama ng lalaking pinili ko. Pero sa sitwasyon ko ngayon? Hindi ko alam kung paano iyon gagawin.
Hindi ako nabigyan ng anumang parusa pagkatapos ng lahat ng nangyari. I was not given any punishment, and I know that is because of Aidan. He used his power to make it possible at nakokonsensya ako. It was not fair, yes. At alam ko na ganun din ang tingin sa akin ng iba. Lahat sila. They are thinking that I am using Aidan to run away from my sins. I tried to convince Aidan, pero matigas siya. Pinilit niya ang bagay na iyon, na iiwas ako sa anumang kabayaran na dapat kong harapin kapalit ng mga ginawa ko noon.
Sinira niya ang kaniyang sariling prinsipyo, paniniwala, at maging ang sariling batas na siya mismo ang may panukala at gumawa. At dahil doon, ilan sa kaniyang mga tagasunod ang nabawasan ang tiwala sa kaniya. At lahat ng iyon, ay dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...