Disguise
~~~🌸~~~
Dahil sa traffic, we arrived at our location around 11 PM. Sa sobrang pagod naming lahat, bagsak kami pare-pareho ng makauwi. Kaya umaga na ng makapaglibot ako sa buong unit. Tulog pa ang kambal sa kwarto. Bumaba ako at tumungo sa kusina ng maabutan ko si Skyblu na abala sa pagluluto ng agahan. It's almost 7 AM, at sa tingin ko'y late na rin siya nagising dahil anong oras na kami nakarating kagabi.
"Good morning!" I greeted her.
"Good morning!"
Dumiretso ako sa coffee maker to brewed a coffee.
"Sorry I woke up late. Pero matatapos na rin ito." Sabi ni Skyblu habang tinutukoy ang niluluto niya.
There was already an egg, bacon, and pancake on the table, but she is still cooking the fried rice.
Tumango naman ako at tumungo sa counter top after I made my coffee. Nilibot ko ang paningin sa buong lugar. Malaki ang unit, malawak at maaliwalas ang paligid. Kumpleto na rin ang mga gamit pero malaki pa rin ang space na tila ba marami pang pwedeng ilagay. Despite my lack of artistic talent, I really like the interior of the whole unit.
When you entered, on the left side, that's where the living room is. There was a 55-inch smart TV facing the gray sectional sofa. On the right side, the wall was made of glass, facing the skyscraper. Tanaw ang buong syudad ng Makati. The unit was consist of two floors, nasa itaas ang limang kwarto. Isa pa, wala pa akong nakikitang maid pero malinis at maayos ang buong lugar. Tila ba ay hindi napapabayaan.
Kagabi ay halos hindi ko ma-appreciate ang buong unit dala marahil ng pagod. Pero ngayon? Halos malula ako sa laki ng buong paligid.
"Is this yours?" Tanong ko kay Sky pero hindi mawala sa paligid ang tingin.
Nakatalikod na ako sa kaniya. Pinagmamasdan ang buong unit.
"Nope. This is Trev's penthouse."
"Trevor?" Agad akong napalingon sa kaniya.
Alam ko na galing sa mayamang pamilya si Trevor. Hindi na iyon katakataka dahil halos lahat naman sila, pero hindi ko alam na may ganito siyang property. I mean, I used to go to his condo before pero hindi dito.
"Yes. Kakabili lang niya last year."
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...