Sorry
~~~🌸~~~
"W-What?" Nanigas ako sa narinig. Onti-onting humigpit ang hawak ko sa cellphone pero nanatili ang masiglang boses ng Duces sa kabilang linya. Tila ba tuwang-tuwa ito sa balitang hatid.
"Naisip ko lang that this is too much for you to handle, Xena. So I decided to take part of it, just to help you." Aniya pero mabilis akong kumontra.
"This is my mission, Duces. I should be the one doing it-
"And yet you can't, right?" Natigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko alam kung paano pa sasagot.
Lalo akong nagngitngit sa galit. This is my mission at sa simula pa lang, malinaw na sa amin na ako ang gagawa at tatapos nito. And them, interfering was against our protocol. Hindi ako papayag!
"Tonight, some of my men will make a move. It's up to you if you wanna be part of it or make your own. But you are very welcome to lend a hand."
Hindi na ako nakasagot dahil pagkatapos noon ay pinatay na niya ang tawag. Walang ibang impormasyon na sinabi. But for me, it is enough.
Kaya kahit nag-uumapaw pa rin ang galit kong nararamdaman, wala akong sinayang na panahon. Mabilis akong umalis not really sure on where to go kaya agad kong dinial ang numero ni Trevor.
"Hello?" He answered from the other line.
Nakatutok ang mga mata ko sa daan pero hati ang atensyon dahil ang iba ay na kay Trevor na nasa kabilang linya.
"Where are you?" Diretso kong tanong.
I am not sure if he has any idea of Aidan's whereabouts, but I need to try at least.
"Ahava's twin tower, why?"
Agad na naningkit ang mga mata ko. Anong ginagawa niya roon?
"What are you doing there? Who's with you?"
"I'll accompany, Uno. Pinapunta ako ni Third for something urgent. Hindi ko rin sure dahil wala pa si Aidan at hindi ko pa nakakausap. Pero mamaya pagkatapos dito, narinig ko na pupunta rin kami ng Antipolo."
Hindi ko alam na marami pala siyang lakad ngayong araw kaya paano pa siya nagkaroon ng oras kanina na puntahan ako sa condo? Damn that man! But I need to be updated about him, sa mga lugar na pupuntahan niya at kung sino ang mga makakasama niya. If Duces will make a move and interfere on my mission, kailangan kong mag-ingat.
"Why? Do you need anything?"
Hindi na ako sumagot. Sapat na ang narinig ko kaya pinatay ko na ang tawag. Hindi rin naman malayo rito ang lugar niya kaya doon na ako didiretso. I am not sure what the Duces is planning pero hindi ako makakapayag sa gagawin niya.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...