Perfect shot
~~~🌸~~~
"I don't want you to think that I am going against the line. But I want to remind you again, Eya. You are here for a mission. Not for something like this."
Noon, sa tuwing ganito siya na pinakikialaman ang mga desisyon ko ay nagagalit ako husto. I don't even want him to say something or provide his opinion dahil wala akong pakialam sa kaniya. Pero ngayon na sinasabi niya sa akin ito, hindi ako maka kontra. Usually, sisigawan ko na siya, pagbabantaan at mumurahin dahil pakiramdam ko pinangungunahan niya ako sa mga desisyon ko sa buhay. Pero bakit ngayon tila nabahag na ang buntot at naputol na ang sungay ko?
Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuga ulit ng hangin matapos kong umiwas sa kaniya ng tingin.
Somehow, nakukuha ko ang punto niya. I can't help but being distracted. Hindi ko rin alam. Hindi ako kokontra sa sinasabi niya. Siguro kung may kokontrahin lang ako, iyon ay sa parte na mali ang taong iniisip niya na humahadlang sa akin para gawin ng maayos ang trabaho. As days goes by, nagiging malinaw sa akin ang ilang bagay pero hindi ko gusto. Ayoko ng ganito.
Muli akong napabuga ng hangin. Hindi ko alam kung pang-ilan na ba ito pero sana, sana sa bawat pagbuga ko ng hangin isama noon palabas ang lahat ng pangamba na gumugulo sa akin. This is more complicated than I imagined before.
But at the back of my head, something is telling me that this is somehow familiar, or at least, I was able to tell why I am feeling this based on my past. Pasimple akong napangiti ng maisip ang mga iyon.
Is this the reason? Is this the reason why I cannot do it? Kahit noon, kahit noon na sinubukan ko na ay hindi ko maituloy at hindi ako magtagumpay?
Ganito rin ba maglaro ang tadhana?
Napapailing na lang ako sa mga iniisip ko. I hope this is not too late. May pag-asa pa naman ata ako na itama ang lahat. I want this to be fixed. I don't want a complicated things.
"Huwag kang mag-alala, Aidan. I will finish what I started. I will accomplish this mission." Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa akin kaya hindi ko malaman kung kanina pa ba siya nakatingin sa akin ng ganito pero agad na noong kinalabog ang puso ko. Humugot lang ako ng lakas ng loob sa kaloob-looban ko para matingnan siya ng mas matagal.
"I'll do it right, Aidan. Don't worry. This will be my last mission under this organization so I will put my everything on it."
"At talagang aalis ka na? I thought you are just joking."
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. I wasn't expecting that. Matagal ko na itong iniisip, kaya paano niya nasabi na nagbibiro lang ako?
"I am not a fun of jokes, Aidan. Please remember that." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na dinadala ng hangin. Itinago ko ang iba sa likod ng tenga ko ng muli akong tumingin sa malawak na dagat sa harapan naming dalawa. Malamig na ang hangin pero sa dami ng iniisip ko, hindi ko na maisingit pa rito ang lamig na bumabalot sa akin.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
Storie d'amoreNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...