Kabanata 27

153 6 0
                                    

Cute


~~~🌸~~~


"Babalik na muna ng Manila sina Sky at Sarah. Hindi ka ba mag papaalam sa kanila?"


Trev manage to find a very comfortable place for us. Isang bahay na malapit sa dalampasigan. Medyo malaki ang kabuuan, kumpleto ang mga gamit at may tatlong kwarto. May malawak na balkonahe sa labas na nakaharap sa dagat habang sa hindi kalayuan sa kaliwa, tanaw ang sandbar na kita tuwing low tide na kumokonekta sa kalapit na isla.


Tatlong araw na rin ang nakalipas. Nakapag-usap na rin kami nina Trevor at Sarah pero si Skyblu ay hindi pa rin ako pinapansin at kinausap ng maayos. Alam ko na galit pa rin siya. Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin ng maayos pero ngayon na pabalik na sila sa Manila, ayoko naman na umalis sila ng hindi pa rin kami maayos sa isa't-isa kaya tumango ako kay Trev.


Tumayo ako mula sa duyan kung saan ako nakapwesto. Nakita ko si Skyblu na malapit sa dagat. May kausap sa cellphone kaya siya ang nilapitan ko. Hindi ko nga lang alam kung kakausapin na ba niya ako pero sa tuwing lalapitan at susubok ako tulad noong mga nakaraang araw, parati siyang umiiwas sa akin.


"Yes, Shainna. We'll be there." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya bago iyon pinatay.


Nakalapit na ako at pumwesto sa kaniyang likuran. Ilang hakbang mula sa kaniya ng lumingon ito sa akin. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa mga sasabihin pero ng makita ko na naman ang matalim niyang mga tingin, umurong muli ang dila ko.


Ang totoo'y, gustong-gusto ko na ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Ilang beses na akong sumubok pero ni minsan ay hindi siya nakinig sa akin. Kung hindi siya iiwas, hindi naman magsasalita hanggang sa mapagod na lang ako.I want her to know that I have no intention of hurting them. Of course, they are my friends. Planado man ang paglapit at pakikipag-kaibigan ko sa kanila sa simula, pero kalaunan lahat ng ipinakita ko sa kanila, lahat ng pag-aalala, pagmamahal at pagmamalasakit, lahat ng iyon ay tunay.


Hindi man siya maniwala, pero para sa akin lahat ng iyon ay tunay.


"Ang ganda ng sunset 'no?" I don't know where to start, so I chose a very stupid topic, I think. But then, from my peripheral vision, I saw her looking at me. Wala siyang imik at nanatili lamang doon na nakatayo.


It was also my first words, iyon pa lang at nag-eexpect na ako na aalis siya at iiwas katulad ng ginagawa niya simula noong nasa hospital ako. Pero ngayon, hindi niya ginawa. Hindi siya umalis sa kaniyang pwesto at nanatili lamang na nakatayo doon habang nakatingin sa akin.


"Whenever I look at sunsets, they serve as a constant reminder to me that no matter how difficult my day has been, I still made it! I am still strong enough to endure the whole day without giving up. And the next thing I know, the night will come, wherein it will give me comfort and allow me to rest para sa pagsikat muli ng umaga, handa na ako muli."


I smile so bitterly. Ayoko man isipin pero, may isang parte sa akin na mula pa noon ay hindi na maalis. Paano kaya kung hindi ako nangako kay Ate Aya? Paano kung hindi ako sumanib sa Tenebris? Paano kung hindi ako nagpalamon sa galit sa puso ko? Haharapin ko kaya ito?

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon