Interfere
~~~🌸~~~
"Oh! Ano ba naman yan, Eya. Kakarating mo lang pero aalis ka na naman?" Masyadong mabilis ang mga kamay ni Trevor. Patayo pa lamang ako pero mabilis kaagad itong nakahawak sa akin. Pilit niya akong hinihila pabalik sa aking upuan pero mabilis akong umiling.
"Pupunta lang akong rest room."I gave him the assurance pero hindi niya iyon kaagad tinanggap. Akala niya ata ay aalis na ako at iiwan sila.
Mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay at pilit akong hinila pabalik sa aking upuan. Tsk! Hindi talaga madali ang tumakas kapag siya ang kasama. Hindi niya ako kailanman pinakawalan ng ganun kadali. Kaya nakailang hanap pa ako ng dahilan. I even gave him the exact time na babalik ako at alam ko na kapag hindi ako bumalik sa sinabing oras ay susundan niya ako kahit saan pa ako pumunta.
"I'll be back, Trev. Just give me 5 minutes." Of course, it's not just 5 minutes. But I need to get out of here first. I need to make sure that Kai is okay.
Hindi pa rin siya pumayag kaya naman bumalik ako sa upuan at may ibinulong sa kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad na kumislap ang kaniyang mga mata at saka tumingin sa pwesto ni Aidan.
I knew it! Kahit kailan talaga siya. Hindi ko na kailangan pang umisip ng ibang dahilan. Kailangan ko lang isali sa usapan si Uno na hindi niya maaaring iwan dito sa pwesto namin dahil baka magtampo ito sa kaniya na siya ang nag-aya, pagkatapos ay iiwan niya ng ganun ganun lang.
Mabilis na akong tumayo. Hindi ko na siya hinintay pang kumontra kaya naman hindi na rin niya naagapan kung sakaling gusto man niya akong pigilan pa.
Oo, gusto ko na umalis. Mas gusto ko ang umuwi na lang at magpahinga pero hindi ko na iyon magagawa pa ngayon lalo na matapos ang natanggap kong mensahe mula sa kung kanino. Hindi ko maaaring ipagsawalang bahala iyon. This is a threat, a very clear threat for Kai's life kaya hindi pwedeng wala akong gawin.
"Bumalik ka ha!" Tanging iyon na lang ang naging sigaw ni Trevor ng makaalis ako sa mesa. Hindi na rin niya sinubukang tumayo dahil mukhang effective ang sinabi ko na hindi niya pwedeng iwan si Aidan sa mesa dahil siya ang nag-aya rito.
Hinanap ko ang lugar kung saan ko huling nakita ang grupo nila Kai. Masyadong maraming tao at ang karamihan sa kanila ay lasing na, lasing sa alak at sa saliw ng maingay na musika. May ilan na ring nakabangga sa akin dahil ang ilan ay hindi na makapaglakad ng maayos at tuwid, ang iba naman ay dahil sa mga biruan nila na nauuwi sa pisikalan.
Ngunit ang lahat ng humarang sa akin ay halos itulak ko palayo. Ang ilan na dumikit na sa akin ay marahas kong inilayo. May ilan pang sinigawan ko dahil halos maipit na ako sa gitna nila. Hindi ko nga lang alam kung naririnig ba nila dahil sa lakas ng electronic music na siyang bumabalot at lumalasing sa lahat.
Narating ko ang lugar ng ilan sa Hades kanina pero wala na sila roon. Nagpalinga-linga ako para mahanap ang mga ito pero sa dami ng mga tao ay hindi ko makita.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...