Narra
~~~🌸~~~
I don't want to be rude but I cannot declined the phone call kaya kahit punong-puno ako nag pag-aalangan, nag paalam ako kay Aidan pati sa tatlo pa niyang kaharap para sagutin ang tawag.
I saw the hesitation on Aidan's eyes when I told him it is a very important call pero wala rin itong nagawa. Umalis ako at lumayo to answer the call. At dahil wala pang masyadong guest na nagkalat sa paligid, lumapit ako sa dalampasigan para doon sagutin ang tawag. Walang tao malapit sa lugar. Ang pinakamalapit ay iyong ibang nagsa-sunbathing sa hindi kalayuan at ang iba ay naliligo na sa dagat. Pinili ko ang hindi mataong lugar bago sinagot ang tawag.
"Hello?" I was so nervous but I cannot let it slide on my voice kaya pinilit ko ang sarili na itago iyon using my neutral voice.
I heard that the Duces was laughing with someone, but he suddenly stopped when he heard my voice.
"Xena! It's nice hearing your voice again!"
I cannot say the same thing. Ang totoo ay ayoko sanang sagutin ang tawag pero alam ko ang pwede niyang gawin kung iiwas lang ako ng iiwas.
"I hope you are doing great?"
Hindi ako sumagot at tinanaw lang ang restaurant kung asan sina Aidan. Hindi iyon kalayuan mula sa pwesto ko pero hindi ko na tanaw mula rito ang mesa nila.
Tumingin din ako sa paligid, nagbabakasali na makakita ng ilan sa mga tauhan ng Duces na madalas kong makita na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. I never had a chance to talk to them or even ask why they were after me dahil sa tuwing tatangkain ko na lumapit, lumalayo sila. Tila ba, nasa paligid lang sila para magmasid.
Pero mukhang nadala ako ng paglilibot ng paningin sa buong lugar dahil bahagya kong nakalimutan mula sa kabilang linya si Duces.
"Xena!" He called my name again but still, I did not respond pero alam ko na naririnig niya ang ilang pag buntong hininga ko.
"I heard an interesting news about you and Uno." Iyon ang idinugtong niya sa sinabi na agad kong ikinatigil. Nahimigan ko rin ang tuwa sa kaniyang boses.
"I hope it is part of your plans, Xena. I hope you are only doing that to get to Uno and get him killed later on." Kulang na lang ay pumalakpak siya sa tuwa matapos ang mga sinabi.
Kaya naman automatikong napakuyom nang napakahigpit ang isa kong kamao. Gusto kong kontrahin ang sinabi niya, gusto kong sirain ang anumang imagination niya. Napakarami ko sanang gustong sabihin. Gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ko na ito gagawin.
Alam ko na hindi ganun kadali pero gusto kong sabihin sa kanila, sa kaniya, na wala na akong balak ituloy ang walang kwentang misyon na ito pero hindi ko magawa. Umatras ang dila ko na tila ba, may pumipigil sa akin.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...