Potential
~~~🌸~~~
Malamig, madilim at tahimik. Iyon ang bumungad sa akin ng buksan ko ang mga mata ko. Wala akong makita, na kahit na ilang minuto na ang nakalipas at kahit nakapag-adjust na ang mata ko sa dilim ay hindi ko pa rin makita ang paligid.
I tried to move, but that's when I felt my hands tied at the back. Hindi ko makita ang paligid pero alam ko na nasa isang upuan ako. Nakatali sa likod ang mga kamay at ganun din ang mga paa na hindi ko maigalaw. Nakatali ang mga ito sa paa ng upuan.
Where am I?
I tried to move. Sinubukan kong alisin ang kamay sa likod pero mahigpit iyon. Hindi ko halos maigalaw pero nagpilit ako. Wala akong ideya kung gaano na ba ako katagal dito but from what I can feel, my hands are starting to feel numb. I also felt tired, at unti-unti ng hinihila ang lakas ko ng kawalan. But I still tried to pull my hands from the ties na kahit alam kong imposible ay pinilit ko pa rin hanggang sa bumukas ang pinto kasunod ng pagbukas ng ilaw.
Binalot ng liwanag ang buong paligid na halos bumulag sa akin. Napapikit ako at pinilit ang sarili na mag-adjust muli sa muling pag liwanag. Hindi ganun kadali kaya nanlalabo ang mga mata ko ng tingnan ang bulto ng taong papalapit sa akin.
Hindi ko siya makita ng malinaw pero nababanaag ko ang mahaba niyang buhok na sumasayaw at sumasabay sa bawat galaw niya.
Nang mabawi ko ang maayos at malinaw na paningin, doon ko ito nakilala.
"E-Eda?"
It was Eda Sacramento.
Dire-diretso siyang lumapit sa akin pagkatapos ay huminto sa aking harapan. She kneeled in front of me and smiled. Kaya naman agad na nagpakita ang malalim na dimple sa kanan niyang pisngi.
Anong ginagawa niya rito?
Ito ang pagkakataon na muli ko siyang nakita pagkatapos ng mahabang panahon. So it was them, huh?
Ang akala ko ba sabi ni Aidan ay hindi nila mahanap ang grupong ito? Bakit siya narito at ano ang ginagawa niya? Sila ba ang kumuha sa akin? Is it Duces again? Well, sana nga ay siya ang nasa likod nito dahil kung hindi man ay hahanapin ko pa rin siya. I have a lot of things I need to clarify, questions that needs an answer. At ang lahat ng iyon ay siya lamang ang makapagbibigay.
"Long time no see, Xena." Nakangiting bati ni Eda na siya ko namang inirapan.
Nanliit ang mga mata ko, "What do you want?"
I was actually expecting Duces. I want to see him right now, right here. Hindi siya ang kailangan ko. Wala akong panahon para sa walang kwentang bagay ngayon. At kung narito lamang siya para painitin ang ulo ko, wala akong oras para sa kaniya.
"Nangangamusta lang. Bakit masama ba?"
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...