Final chapter
~~~🌸~~~
Ilang sandali akong hindi nakagalaw. Bumaba ang mga tingin ko sa braso ni Kai na nakayakap sa akin habang pilit kong hinahanap ang sariling boses.
Kanina, habang papunta ako rito ay nabuo na sa utak ko ang mga salita na dapat kong sabihin sa kaniya. Pero bakit ngayon na nandito na siya sa harapan ko ay tila nilipad na ng hangin ang lahat. Hindi ko mahanap kahit ang sarili kong boses kaya ng lumuwag ang yakap niya sa akin at hapitin ako paharap sa kaniya, lalo akong nabato.
"I miss you." Ulit niya sa sinabi pero ngayon ay nakaharap na sa akin.
Pinagmasdan ko siya ng diretso. Pilit kong hinanap ang lakas ng loob para tingnan siya ng diretso sa kaniyang mga mata. I can see the sincerity on his eyes, I can even see how happy he was that we are here, on this same spot, at our place. Pero hindi ko magawang ibalik ang katulad ng saya sa mga mata niya.
I am forcing myself deep inside. I was even begging myself to at least show some courage pero wala akong magawa. Nararamdaman ko sa loob ko na paonti-onti akong nadudurog just by thinking that I will hurt the man who once showed me love, caring, and the color of life.
I was drowning in the dark before I met Kai. I was in such a cage of darkness that I didn't even have the courage to differentiate between the good and bad things around me. Wala akong alam. Wala akong kaalam-alam not until he came. Si Kai ang isa sa mga taong naging karamay ko noon. Bukod sa mga kaibigan ko, sa kaniya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Sa kaniya ko naramdaman na may puwang ako sa mundo ito, na mahalaga ako. Pinaramdam niya sa akin ang halaga ko ng walang hinihinging kapalit. Ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal na matagal ng nawala sa akin.
Isa siya sa mga naging dahilan ng mga ngiti ko noon na taon na mula ng ibaon ko sa limot kasama ng pagkawala ng huling miyembro ng aming pamilya. Kai was very patient with me in all aspects. Kahit ang desisyon ko ng pumasok ako sa Underground ay iginalang niya. Kahit nalaman niya na hindi ang relasyon naming dalawa ang una sa naging prioridad ko noon, hindi niya ako pinigilan. At sa halip, sinuportahan pa.
He even promised to wait for me at pinaasa ko lang siya. Walang ipinakitang hindi maganda sa akin si Kai, hindi siya naging masama sa akin, hindi siya naging hadlang sa lahat. Kahit na noon, na palagi kong nararamdaman na may kulang, hindi siya napagod na punan iyon. Pero ngayon...
"K-kai," Even calling his name was so hard for me.
Pumiyok ang boses ko at agad na naubig ang mga mata kaya agad akong yumuko. Natatakot ako na makita niya ako. Natatakot na makita ang mga luha ko. Lahat ng mga salitang pinag-aralan ko bago ako pumunta rito, lahat iyon nawala kaya hindi ko na alam kung saan pa ba ako dapat na magsimula.
"K-Kai, I'm sorry..." Hinawakan ko ang kamay niya. Doon lang ako nakatingin dahil hindi naman siya nagsalita. Pilit kong nilunok ang lumalaking bara sa lalamunan ko para lang makapag patuloy pero sobrang hirap. Napakahirap.
Kaya ng iangat niya ang baba ko para tingnan ako ng diretso, doon na bumagsak ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )
RomanceNangako ako... Sa loob ng mahabang panahon ay iyon lamang ang nasa utak ni Eya. Isang misyon na magpapalaya sa kaniya, isang misyon kapalit ng matagal na utang na loob, isang misyon na mag-aalis ng kaniyang mga gapos. She only have one mission and t...