Chapter Nine

39 1 0
                                        

TREVHINCY'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TREVHINCY'S POV

Nagising ako sa sari-saring ingay. Agad akong napahawak sa ulo ko nang naramdaman ang pag kirot nito.

Nasaan ba ako?

Napatingin ako sa glass papel at nakita ang medyo madilim ngunit may sari-saring ilaw na halos mapuno ng mga taong nag iinuman at nagsasayawan sa saliw ng musika.

Nakatulog pala ako.

Napatingin ako sa orasan malapit sa pintuan at nakitang mag aalas-syete na pala ng gabi.

Napasandal ako sa sofa at bahagyang pumikit.

Ang sakit ng ulo ko.

"Oh, gising ka na pala." Hindi man lang niya namalayan ang pagpasok ng kanyang pinsan.

" Bakit hindi mo ko ginising? " Tanong niya.

"Kasi ang himbing ng tulog mo, nakakaiyak ba yung panaginip mo? " Biro nito at naramdaman niyang umupo sa tabi niya.

Nakakaiyak?

Dumilat siya at bahagyang umusog papalapit kay Moore bago dahan dahang ibinagsak ang ulo niya sa balikat nito.

Narinig niya ang pag buntong hininga nito bago kinuha ang kanyang kamay.

"I know what happened. We met earlier." Saad nito habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"H-hinanap ba niya ako?" Mahinang tanong niya.

"Trev..."

"H-hinanap ba niya a-ako, Moore? Nag alala b-ba siya? " Puno ng pait ang kanyang boses.

" No. I'm sorry. " Humigpit ang kapit ng kamay ng kanyang pinsan sa kaniya.

Unti-unting kinakain ng pait ang kanyang sistema.

"He's with someone. Kumain sila dito kanina." Mahinang dugtong ng pinsan niya.

Mas lalo siyang napapikit sa narinig.

"Ganoon siguro talaga ako kadaling kalimutan noh?" Mahinang saad din niya na may kasamang tawa.

" Trev.."

" Hindi, okay lang naman eh. Okay lang." Nangangatog na saad niya. "Masakit lang dito oh." Turo niya sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso.

"Trev, let him be happy, too." Saad ng pinsan niya na agad nagpabangon sa kanya.

"Be happy? Samantalang ako, eto..miserable pa rin, parang wala akong karapatang sumaya. Pero siya.."

" You deserve to be happy, too. May kasalanan siya sayo, but it doesn't mean na hindi siya pwedeng sumaya."

Naiiling na sumandal siya sa sofa at pumikit.

Husband For RentWhere stories live. Discover now