Chapter Seventeen

20 1 0
                                    

TREVHINCY'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TREVHINCY'S POV

Nasa sasakyan na ako ni Dad habang nakasunod naman si Aizen sa'min. Sinabi ko namang hindi na niya ako kailangang ihatid pa dahil may sasakyan naman si Aizen pero gusto niyang makasiguradong makauwi ako ng maayos at sa condo talaga ako tutuloy. I wanna roll my eyes, saan pa ba ako tutuloy? Wala naman akong ibang pupuntahan.

"How.... How are you?" Kunot-noo akong napatingin noong magsalita si Daddy.

" I'm fine now, Dad. Napagod lang ako-"

" That's not it. How are you? "

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. I know what he mean but I just can't let myself talk. Masama pa rin ang loob ko sa kanya pero ano nga bang mangyayari doon? Wala pa rin.

Sumandal na lamang ako at tumingin sa labas bago nakuhang sumagot sa kanya. "I'm fine, Dad."

"I'm sorry, anak.."

Hindi na ako muling sumagot. Pigil hininga ang naging biyahe dahil doon. Unti-unting nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Tahimik ang biyahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng building na tinitirahan ko. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang bukasan ng pinto ngunit agad akong natigil noong marinig muli si Daddy.

"I know you're Mom's so proud of you." And I am, too. " Mabilis kong binuksan ang pintuan at agad lumabas. Nakita ko rin ang nagtatakang si Aizen na papalapit na sa akin kaya dali dali kong sinara ang pinto na agad namang bumaba ang bintana.

" You okay? " Agaw pansin sa akin ni Aizen na siyang ikinatango ko na lang. He seems to notice the truth kaya agad niyang binalingan si Daddy na nakasilip lang sa'min mula sa bintana ng sasakyan niya.

"We'll leave tomorrow, Tito."

"You both take care and update me if you can." Sagot naman niya kay Aizen. Ako naman ay nakatingin lamang sa kanya habang nag uusap sila. Ngayon ko na lang ulit malayang natitigan ang aking ama. Medyo nagka-edad na ang hitsura niya pero hindi nawawala ang kagwapuhan at kakisigang taglay nito. Maybe I shouldn't be too hard on him now? Alam ko naman na una pa lang, hindi talaga si Mommy ang mahal niya. It was just an arranged marriage but my Mom loves him so much that until she fell ill and learned about my Dad's cheating issue, she never leaves him. She stayed with him until her final breath. Eventually, I know that Daddy somehow loved her, but not as much as Helia. Hanggang ngayon, hindi ko iyon matanggap that's why I still have this hatred inside me.

"Trevhincy, mauuna na ako. Mag pahinga ka." Muling bumalik ang atensyon ko noong narinig ang pagtawag niya sa akin.

Hindi ko magawang humakbang papalapit sa kanyang sasakyan kaya naman nakatayo lang ako doon, ilang dipa ang layo sa sasakyan niya at tumango. "T-take care,too...D-dad."

Husband For RentWhere stories live. Discover now