Chapter Six

50 1 0
                                    

TREVHINCY'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


TREVHINCY'S POV

"Here.." nabalik ang ulirat ko noong kinuha niya ang pinggan kong may steak at inilapag ang kanya, kung saan hiwa-hiwa na ang steak.

"Eat...masarap yan." Saad niya, kaya agad kong kinuha ang tinidor bago tinikman ang pagkain.

Naalala ko kasi si Craige, he used to cut my steak- uhh...

Napailing na lang ako at nagsimulang kumain.

Napapasulyap ako sa tuwing kumukuha siya ng lobster o kaya ng mussels.

Kinakamay niya ito pero hindi maduming tignan. Tila gusto ko na lang magpasubo sa kanya ng pagkain especially when it is seafood, because of how elegant he eats.

Agad akong nabilaukan sa naisip ko. Anong mag pasubo?!

Dali-dali niya naman akong inabutan ng tubig.

"You okay?"

"Yeah, thank you!" Pakiramdam ko ay pulang pula ako kaya naman hindi ko na tinaas ang paningin ko.

Tahimik lang kami noong biglang may lumitaw na tinidor sa harap ko.

"I thought you want to taste it..so.." He pushed his fork with mussel on it sa harap ko. I was about to get his fork but he pushed it towards my mouth kaya wala na akong choice kung hindi kainin ito kahit pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kahihiyan.

Kailan pa ako gumamit ng tinidor ng iba?

"Masarap?" Napatingin ako sa kanya at nasaktuhan kong kakain siya kaya napatingin ako sa tinidor na lumapat sa labi niya.

Agad akong umiwas ng tingin at kulang na lang ay tumakbo na sa CR para maghilamos dahil sa pag-init ng mukha ko.

Is that an indirect kiss?!

Hindi ko alam kung ako lang pero kasi parang double meaning yung tanong niya.

Ano bang masarap? Yung mussel ba? O yung tinidor na gamit niya?!

Halos mapapikit ako sa naisip ko. Ang harot!

"You want more?" Napatingin ako sa kanya nung magtanong siya.

Susubuan niya ulit ako?!

"Here..." Itinulak niya palapit sa'kin ang plate ng mussels.

" Thank you.. " I don't know why I sounded disappointed.

I also pushed the other plates towards him.
"Here, have this, too." Ngumiti naman siya at nagpasalamat.

Tahimik lang pagkain namin pero napaka-komportable. With this ambiance, silence is not awkward. It's actually soothing. Idagdag pa ang magandang lapat ng musika.

" Buti kumakain ka niyan?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong niya.

"Oo naman, seafoods are my favorite foods, though I love everything." Natatawang sagot ko. " Why? "

Husband For RentWhere stories live. Discover now