Chapter Eleven

32 1 0
                                        

TREVHINCY'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TREVHINCY'S POV

Agad kong tinakpan ang mukha ko noong marinig ko na ang alarm.

Monday.

The worst day of the week.

Inis na bumangon ako bago patayin ang alarm. Wala pa akong matinong tulog dahil sa nangyari kanina.

Halos mag aalas-kwatro na ako natulog, at nakalimutan kong may pasok pa ako ngayon.

Antok na antok akong tumayo at dumiretso sa pintuan, ngunit napabalik ako sa may salamin noong makita ang maputlang mukha ko at nangingitim na mga mata.

Damn.

Naiinis na bumaba ako at nagtungo sa kusina upang maghanda ng almusal. 8:30 am pa naman ang pasok ko, at 7:00 am pa lang kaya may oras pa akong kumain.

Kadalasan kasi ay late na ako nagigising at sa opisina na ako kumakain dahil late na rin naman ako.

Agad dumako ang tingin ko sa bulaklak na nasa vase..

Kailan kaya siya uuwi?

Napailing na lang ako bago nagsimulang magluto at mag timpla ng kape.

Simpleng umagahan lang naman ito pero kadalasan ay heavy breakfast ang kinakain ko dahil minsan ay nakakalimutan o late na akong kumain ng lunch.

Habang kumakain ay nag desisyon akong buksan ang facebook ko, dahil ilang linggo ko na rin itong hindi nabubuksan.

Nagulat ako sa dami ng notifications, kadalasan ay minemention ako o tina-tag sa kasalukuyang issue.

Napailing na lang ako.

Dom Mendiola sent you a friend request

Halos mabuga ko ang iniinom ko dahil sa biglaang notification na lumabas.

Si Dominic?

May facebook?!

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pero agad kong pinindot ang accept bago pasyalan ang kanyang timeline.

Ngunit laking gulat ko na kakagawa lang din nito makalipas ang ilang minuto.

Paano niya kaya nahanap ang facebook ko?

Well, hindi naman kasi ganoon kahirap hanapin ang facebook ng mga sikat na tulad ko.

Halos mabilaukan ako sa pag tawa dahil sa naisip ko.

Ilalapag ko na sana sa lababo ang mga pinagkainan ko at maghuhugas noong muling tumunog ang cellphone ko.

Agad kong binuksan ito at nakita ang isang message.

"I already missed you." Basa ko sa mensahe.

Hindi ko alam pero isang ngiti agad ang namuo sa aking labi matapos mabasa ito.

Husband For RentWhere stories live. Discover now