Chapter Twenty

13 0 0
                                    

TREVHINCY'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


TREVHINCY'S POV

Nagising ako dahil sa pakiramdam na may mainit na tumatama sa kaliwang bahagi ng mukha ko, pati na rin ang isang mabangong amoy na bumabalot sa pang-amoy ko na siyang dahilan kung bakit agad akong napabangon.

Agad kong inilibot ang paningin ko. Paanong nasa kwarto ko ako? Ang huling naaalala ko ay sinundo namin ang mga magulang ni Aizen sa airport, pagkatapos ay kumain kami at inihatid sila pauwi. Anong nangyari pagkatapos?

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kama ko kung saan naroon ang malaking sliding glass door papunta sa aking veranda. Nakasiwang na ng kaunti ang itim na kurtinang nakatabing sa pintuan kaya naman sumisiwang na rin ang kaunting araw dito.

Dali dali akong bumangon para bumaba ngunit tumigil ako sa harap ng salamin. Hindi naman nagbago ang damit ko. Agad na akong bumaba at dumiretso sa kusina ngunit pababa pa lang ako ay kaagad na akong nakarinig ng mahinang musika na nang gagaling sa kusina. Nakabukas ang sliding door doon at kitang kita ko ang hubad na pang-itaas na katawan ni Aizen habang nagluluto. He was slightly banging his head in the rhythm of the music.

Humilig ako sa hamba ng pintuan, trying not to make any noise para hindi siya maistorbo sa niluluto niya. He was smiling all the way and seems enjoying on what he's doing. Aizen is very fond of cooking ever since. Kaya nga dati ay mas gusto kong dumidiretso sa condo niya after work dahil talagang nagluluto siya ng kinakain niya. While on the other, my cooking skill is....well, nevermind.

Inaabot niya ang isang mangkok sa mesa pero hindi niya ito maabot kaya naman humarap na siya para makuha niya ito. His eyes slowly met mine and he almost dropped his jaw from the shock.

Hindi ko rin alam ang gagawin ko so I slightly smiled at him bago umayos ng tayo at dahan dahang lumakad papasok ng kusina.

"Kanina ka pa?" He asked, but his cheeks are turning red as he turns around at itinuloy ang pagluluto.

Oo, kanina pa.

"Hindi, ngayon lang din. Akala ko kanina tayo aalis pa-baguio?" Tanging isinagot ko na lang at umupo sa isang stool.

" Change plan. After breakfast tayo aalis. You can double check your things at mag ready bago tayo kumain. Nagluluto na rin naman akong lunch na babaunin natin. " Sagot naman niya habang hinihiwa ang piraso ng mga baboy.

Manghang-mangha talaga ako tuwing pinapanood ko siya magluto. I tried once to cook but it turns to disaster kaya hindi ko na inulit pa. Andyan naman si Aizen kaya hindi ko na rin kailangan pang matuto. Mahina akong natawa dahil sa naisip ko.

"Sige, maliligo na rin ako at mag aayos." Muli pa akong sumilip sa niluluto niya bago tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Balak ko pang dumiretso sa sala ngunit agad na akong umakyat sa aking kwarto para mag ayos, nang sa gayon ay hindi na ako aantayin mamaya.

Mabilisan na rin ang kilos ko. Muli kong chineck ang mga damit ko noong mapagtantong may kulang kaya agad akong dumiretso sa cabinet ko. sino bang tangang babae ang magdadala ng swim suit sa baguio? Like hello? Syempre, ako 'yon. Agad akong kumuha ng 4 na pares ng bikini ay napangiti na lang habang isinisiksik ito sa maleta ko.

I wore a black cropped top polo, a white short and a white sneakers. Pinaresan ko ito ng isang black na LV shoulder bag. I doubled check again my belongings, at noong satisfied na ako ay bumaba na rin. Buhat buhat ang maleta at dumiretso ako sa sala at inilapag muna ang mga bag na dala ko, bago ako sumilip sa kusina para sana tignan si Aizen ngunit tanging malinis na kusina at mga pagkaing nakahain na lang ang dinatnan ko.

Nagkibit balikat ako at lumabas na sa kusina noong mapatingin ako sa bumababa mula sa hagdanan.

"Saan ka galing?" Nagtatakang tanong ko sa isang Aizen na nakapuring shirt, black shorts at white sneakers habang nagpupunas ng tuwalya sa kanyang buhok.

" Guestroom. " saad nito at nagpatuloy na sa kusina kaya naman sumunod na rin ako.

"Nagluto ako ng paborito mo. Lunch natin, bumili na lang din tayo incase na may gusto ka pang kainin." Ani nito bago ako ipaghila ng upuan. Matapos kong umupo ay umupo na rin siya sa tabi ko at nagsimulang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.

"Ilang oras ba ang biyahe natin papuntang Baguio?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nilalagay niya sa aking plato.

"Baguio?"

"Oo? You said we're going to Baguio di'ba?"

"Oh? Did I say Baguio?" Nagtatakang tanong niya.

Ha? Hindi ba kami sa Baguio pupunta?

" We're going somewhere." Aniya at nagsimula na ring kumain.

I shrugged and started to eat. We eat in silence but peaceful. Paano ba naman kasi, palagi niya akong pinapagalitan kapag nag kukwento ako habang kumakain. Aizen is so strict when it comes to manners talaga. Naalala ko pa noong sinabihan niya akong walang manners matapos tumalsik ang ilang butil ng kanin sa kanyang mukha dahil hindi ko napigilan ang pag tawa habang kumakain.

Napahagikhik ako sa naalala ko. It remind me how long I've been with Aizen kaya naman tumingin ako sa kanya at inantay na lumingon siya sa akin.

He raised his brow asking me.

"Bakit di na lang tayo magpakasal?" I suddenly asked.

Nabigla naman ako nung bigla siyang nasamid kaya dali-dali rin akong nag abot ng tubig sa kanya. Panay ang himas ko sa kanyang likod habang naiiling na natatawa.

"Kung ano-ano na ang naiisip mo." Nauubo pa rin nitong sabi.

"Kasi di'ba? Matagal naman na tayong magkakilala at magkasama, I think I can handle you naman, you can handle me for sure at....masarap kang magluto." I almost whisper the last words at bumaling muli sa pagkain.

" Ayan, dyan ka magaling!" Ani nito at pinitik ang noo ko. "Kaya mo lang ako kailangan para may taga-luto ka. Tsk."

" So, ayaw mo akong pakasalan?" I raised my brow while looking at him.

" Ayos lang naman, pero kasi... Ako na 'to eh. Parang ang baba naman na ng standard ko kung papakasalan kita." Bumuntong hininga ito at umiling-iling pa.

" You're such a jerk!" Nanlalaki ang mga mata kong hinampas siya. Siya pa ang may ganang magsabi no'n?

AIZEN'S POV

Natatawa pa rin ako habang sinasangga ang mga hampas ni Trev.

"How dare you! Nakakainis ka!" Inis na sigaw nito habang patuloh akong hinahampas.

Natatawang hinuli ko ang mga kamay niya at marahang hinila siya palapit sa akin na agad naman ikinalaki ng mga mata niya.

Yeah, almost all the time I followed her, but there's a time that I'll still lead.

"Trev, you are talking about me. Marrying me is not a joke an it's so profitable for you." Naiiling na wika dito.

Agad naman niyang hinablot ang mga kamay niya sa pagkakahawak ako at tinignan ako ng masama. "Jerk!"

Natatawang pinitik ko ang noo niya bago nagpatuloy sa pagkain. Hagip pa rin ng paningin ko ang pag nguso niya habang kumakain.

I still remember how I almost die in choking because of what she said.

I thought she's serious about it.

I almost consider the thought.

I always consider that thought. The thought of marrying her.

Husband For RentWhere stories live. Discover now