Being a famous 29-year-old successful lady CEO like Trevhincy Salvedda is what every girl dreams of being. At a very young age, she built her name in the business world and modelling, and after years, it all paid off.
Being her means being successfu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TREVHINCY'S POV
"How did Tito Travis reacted? "
"Ano pa nga ba? Edi pumayag din siya. " pairap na wika ko dito.
Humalakhak siya bago ako inakbayan. "Blessing in disguise pala yung pagsabi ko sayo ng company na 'yon. "
"Yeah, thanks to you. " I sarcastically said na muling nag patawa sa kanya.
"So , siya itong nasa picture? " aniya at kinuha ang kanyang cellphone. Tumango na lamang ako at tinignan ang reaksyon niya. "Anong itsura naman nito? Patingin nga ako! At anong pangalan? "
"Dominic Mendiola, gwapo at wala akong picture niya. "
"Hmm sounds familiar.. " wika niya at tila napaisip ito sandali.
"Baka nabasa mo somewhere, o kaya sa kumpanya nila mismo. " sagot ko naman.
"Well siguro nga." She shrugged .
"I'll let you meet him soon." She nodded and smile.
Marami pa kaming napag-usapan at halos wala na akong nagawang trabaho sa opisina.
Nagpahatid na rin ako ng meryenda dahil hindi na namin namalayan na mag aalas-kwatro na ng hapon. Dumating si Brandon dala dala ang fast food na inorder namin, ngunit hindi niya tinapunan man lang ng tingin si Kylen sa tabi ko na nakatitig naman sa kanya.
Nagtaka naman ako, dati ko pa ito napapansin pero hindi ako nagtatanong dahil ayoko namang mangielam sa buhay ng iba.
But this is Kylen, my best girl friend.
"What's with you and Brandon?" Saad ko matapos lumabas ng silid si Brandon.
" Hmm? Wala naman. " sagot niya at umiwas ng tingin sa'kin.
"Do you like him?" Diretsang tanong ko na nagpasamid sa kanya. Dali dali kong inabot ang tissue sa kanya.
" Hindi ah! " she defended.
"Ahh.."
" You sounded like hindi ka naniniwala sa'kin. " Halos mapairap siya na ikinatawa ko na lang.
"Do you still like Jasper?"
Umiling siya at dahan dahang binaba ang kanyang inumin. "I-i....like someone else.." Aniya at umiwas ng tingin.
" Really? Who is it then? " Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
Nanatili siyang nakaiwas sa akin at nakatingij lamang sa kanyang inumin.
"Kylen..."
" I'll tell you next week. " umangat ang tingin niya sa akin at sinabayan niya ng isang pekeng ngiti.