Chapter Eighteen

16 1 0
                                    

AIZEN'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


AIZEN'S POV

Pabagsak akong umupo sa isang upuan dito sa maliit na convenience store na matatagpuan sa 1st floor ng building ng condo niya. Tinignan ko ang orasan. 11:30 pm. Mariin akong napapikit at yumuko, halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko alam kung bakit ko muntik na siyang halikan kanina. It's just.... Shit. What the hell. ano na lang ang iisipin niya sa akin ngayon? at anong isasagot ko kung sakaling tanungin niya ako? Ni hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. I kissed her a lot...but not on the lips. This is the first time I almost kiss her there. Shit. Bakit ba kasi ang tahimik at nakatitig lang siya sa akin? Hindi ko man lang din namalayan na lumalapit na ako sa kanya. Bakit ba kasi pumikit din siya? Is she anticipating for that?

Ang hirap mag pigil ng sarili! Kung hindi ako agad nakakilos at nakontrol ang sarili ko ay malamang na may magbabago sa amin. Damn. Meron talaga!

Nanatili muna ako dito at nagpalipas ng oras. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa kami sa baguio mamaya. Baka hindi na siya sumama sa akin?

Naputol ang pag iisip ko noong biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at kumunot ang aking noo nang makita ang numerong nakarehistro sa tawag.

"Alam ko namang mayaman ka, pero ang mahal ng tawag mula dyan, Ma!" Panimula ko pagkatapos kong sagutin ang tawag.

Narinig ko naman ang munting halakhak niya na siyang nagpangiti sa akin.

My parents are both in abroad for a business trip. Sanay na rin naman ako kaya nga pabalik-balik na lang ako sa states at dito sa pilipinas. I also have my condo but I often stayed there. I'm still comfortable living with my parents and they don't see any problem with that. Mas malapit din ito sa trabaho ko kaya naman mas madalas ako doon.

"Sweetie, would you lend your time to fetch us here in the airport?" Malambing na wika nito na agad nakapag palaki ng mga mata ko.

"You're back?!"

"Why does it sound na ayaw mo pang bumalik kami?" Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya kaya naman mahina akong natawa.

Tumayo na ako at agad lumabas ng convenience store. Magpapaalam muna ako kay Trev.

"I didn't say that!" Depensa ko naman.

"So, we'll wait you here?" Mas lalo akong napangiti noong marinig ang boses ni Dad.

" Of course, oldies. See yah!" Agad kong pinatay ang tawag at pumasok ng elevator. Doon ko napagtanto na kailangan ko talagang harapin si Trev, but at least I have a reason not to be with her for the meantime.

Naglalakad na ako papunta sa kwarto noong matigilan ako sa paglalakad. What if she asks me about what happened earlier? Anong isasagot ko? Why does it looks like it's my fault if she has a kissable lips?

Husband For RentWhere stories live. Discover now