Panimula
"Doc, ano pong gagawin sa mga pinamili mong gulay?"
Napatingin ako sa assistant kong si Amara, nagta-trabaho kasama ko dito sa hospital. Binigay siya bilang assistant ko dahil hindi ko makaya-kayang gawin ang mga dapat gawin sa loob ng hospital. Kahit ang mga gulay na kailangang lutuin para sa mga pasyente, hindi ko magawang maluto dahil busy ako.
This hospital is not really that big. Province hospital lang siya, two building. Hindi kasing laki ng mga hospital sa Manila pero ang nagustuhan ko dito ay magalang ang mga tao, mabait at may respeto. Sa Manila kasi kapag hindi mo agad nabibigyan ng lunas, ang doctor ang sinisisi ng mga taong namatayan.
Ang hirap maging doctor. Ang hirap magpagaling ng mga tao. Pero dahil mahal ko ang propesyon kong ito, ginagawa ko. Ayoko lang na masayang ang mga paghihirap ko sa pag-aaral kung hindi ko gagamitin ngayon.
Since ang hospital na ito ay nagbibigay ng libreng pagkain sa mga pasyente, rasyon nga sabi ng karamihan kaya bago ako pumunta dito, dumaan muna ako sa palengke upang mamili ng mga gulay. Sariling pera ko pa ang gamit dahil wala pa namang binibigay na fund ang hospital para sa rasyon. But, they will refund it in my salary.
Gusto ni Mommy na sa Manila ako magtrabaho. She can make me work in prestigious hospital in Manila. Pero mas pinili ko itong maliit na hospital dahil mas kailangan ako dito. My family are based in Manila. But my work is here, sa probinsya ng Sta. Rita.
Nagkakaroon rin kami ng Field Operation kapag may mga kailangang gawin sa mga barangay dito. Ang Municipal Mayor ay palaging nakaantabay sa hospital kaya kung may hihingiin itong tulong, agad na nagbibigay ang hospital ng doctor para itugon.
Hindi naman maluwag ang Sta. Rita. Pero ito daw ang hometown ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Makikita daw ang own village nito na puro pamilya ang nakatira doon. Hindi ko lang alam kung sino sila.
"Dr. Merro, may meeting daw kayo ngayon. Urgent meeting sabi ng director." si Amara.
Napatingin ako sa kanya. Pinikit ko ang mga mata at pagod na nilagay ang ball pen sa lamesa at tumayo. Hindi pa nga ako tapos sa pagsusulat ng information ng mga pasyente, may meeting pa! Para saan naman kaya ang pag-uusapan?
Sinuot ko ang coat at naglakad papunta sa maliit na conference room. Bumati sa akin ang mga pasyenteng nadadaanan ko sa pasilyo. Ngumi-ngiti lang ako at tumatango. Pagkarating sa room, binuksan ko ang pinto at pumasok. Natigilan ako ng makita si Mayor, tatlong sundalo at ang director ng hospital. Anong meron?
"Good morning, Dr. Merro." bati nila.
Tumango ako at naglakad papunta sa bakanteng upuan. Sa harap ko ang tatlong sundalo na nakasuot pa ng kanilang uniform. Ramdam na ramdam ko ang matagal na titig sa akin ng kaharap kong sundalo. Tinignan ko siya, hindi naman ako nagulat sa gwapo niyang mukha.
Well, common na sa akin ang mga gwapo. When I studied medicine, marami akong kaklaseng gwapo. May ibang nangliligaw pero hindi ko naman sinasagot dahil focus ako sa pag-aaral. My mother and father work hard for my study so I shouldn't waste it.
Umiwas ako ng tingin sa sundalo at tumingin naman sa director. Ngumiti sa akin si Mayor kaya tumango ako.
"This meeting is about you, Dr. Merro." paunang sabi ng director.
Kumunot ang noo ko. Oh, why about me?
"Mayor Tiu came here to ask your help. Since, ikaw ang may magandang performance sa panggagamot, ikaw ang napili kong ipapadala sa Field Operation kasama ng mga sundalo. Ibig sabihin, magiging volunteer doctor ka nila for the meantime." the director said.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...