Kabanata 9
Bakit
May humintong motor sa harap ko. Mabilis kong nakita si Kuya Amadeus. Seryoso ang kanyang mga mata ng tumingin sa akin. Binigay niya ang helmet sa akin. Nahihiya kong tinanggap ang helmet. Nagkatitigan kami. Sobrang seryoso ng kanyang mga tingin sa akin. Nahihirapan akong tumingin sa kanya kasi ilang na ilang ako at ramdam na ramdam ko ang awkward sa aming dalawa.
“Sumakay ka na.” he said seriously.
Tumango ako at sinuot ang helmet sa ulo. Sumakay ako sa kanyang likod at gaya nung una, yumakap ako sa kanyang baywang. Hindi kasi kami aalis kung hindi ako yayakap sa kanya.
“Tatlong araw tayong hindi nagkausap. Bakit umiiwas ka sa akin ha?” aniya habang nagda-drive.
Napalunok ako. Bakit nagtatanong pa siya sa akin ng ganoon? Sobra na kaming awkward tapos ganito pa ang kanyang mga tanong sa akin.
“Hindi ko alam ang rason kung bakit umiiwas ka sa akin. Bakit nga ba?” dagdag niya.
I sighed heavily. It’s really hard for me to answer his question. The moment we shared a kiss, I felt in my heart that something is about to aroused. I’m afraid and I don’t know how to react.
“Is it about the kiss?” he said.
Bumuntong-hininga ako. Shit!
“K-kuya…”
“What? I’m really confuse and I hate when we didn’t talk. Hindi ako makatulog ng maayos sa tuwing iniisip kong may mali sa ating dalawa.”
He continue driving. Mabagal lang ang pagmamaneho niya.
“N-nahihiya kasi ako, Kuya. Tsaka hindi dapat nangyari ang kiss na ‘yon. Nagagalit si Kuya Keno sa akin at ayokong malaman niyang nagawa natin ‘yon. Siguradong pagbabawalan niya akong makipagkita sayo kapag malaman niya iyon.” sagot ko.
“Was it your first kiss?” he asked.
Napalunok ako. This question is very hard.
“Y-yes… Kuya,” marahan kong sagot.He nodded. Nakita ko ang pagngiti niya sa side mirror ng kanyang motor. Nakangiti pa siya ng malaman na first kiss ko ‘yon? Bakit naman kaya siya nakangiti?
Tahimik kaming nakarating sa basement ng CLT. Medyo madilim na rin at baka nasa bahay na si Kuya kaya minabuti kong mag-text at magpaalam kay Papa para alam nilang nandito ako.
Ako:
Kuya, hindi pa pala ako uuwi. May gagawin pa kasi ako kaya baka mali-late akong umuwi sa bahay.
I send it. Nagulat ako ng tinanggal ni Kuya Amadeus ang helmet ko kaya napatingin ako sa kanya. Pungay ang kanyang mga mata ng nakatitig sa akin. Akala ko hanggang doon lang matatapos ang gagawin niya ngunit mabilis na lumapit ang kanyang mukha at dampi ng halik ang naramdaman sa labi. Napaatras ako at muling nanlaki ang mata. He sighed and smiled drunkenly.
“That was your second kiss.” he said huskily.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang hiyang-hiya na umiwas ng tingin sa kanya. Bakit niya ako hinalikan? Para saan ang halik niyang ‘yon? Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at naglakad kami papunta sa elevator. Wala akong ingay na ginawa kasi hiyang-hiya talaga ako. Pakiramdam ko’y sasabog ang puso at pisnge sa nararamdaman.
Nang makarating kami sa kanyang penthouse, binitawan niya ang kamay ko at naunang naglakad papunta sa living room. Hindi ako makatingin sa kanya.
“Put your things on the couch. Doon tayo sa kusina kasi magluluto ako at gusto kong nanonood ka.” aniya sa marahang boses.
Tumango ako at sinunod ang kanyang sinabi. Nilagay ko sa couch ang bag. Nagulat ako ng tinapon niya ang suot na damit sa mukha ko. He chuckled when he saw my reaction. Amoy na amoy ko ang bango sa kanyang damit.
“Hindi ako nagdadamit kapag nagluluto kasi mas comfortable akong walang suot.” sabi niya.
Napalunok ako at tumango. Tumalikod siya kaya naiwan ako sa living room. Hawak-hawak ko ang kanyang damit na hinagis sa akin. Tumingin ako sa pinto at mabilis na inamoy ang damit niya. I feel so guilty because I did it.
Shit! Am I crazy? Bakit inamoy ko pa ang kanyang damit? Bakit ginawa ko ‘yon? And goodness, ang bango-bango ng kanyang damit! Kahit sinuot niya na, mabango pa rin! Hindi ko tuloy maiwasan na magkaroon ng malalim na pag-iisip sa kanyang katawan.
“Babe, come here now.” he shouted.
I swallowed. Binitawan ko ang kanyang damit sa couch at mabilis na naglakad papunta sa kusina. Naabutan ko siyang nakasuot ng apron at kitang-kita ko ang sexy niyang likod. Walang tattoo, makinis at neat tignan.“Upo ka sa high chair.” aniya ng malibang ako sa kanyang likod.
Muli akong napalunok. Mukhang mauubos ang laway ko nito kakalunok sa kanya.
“I will cook sweet adobo. Kulang ako sa ingredients kaya iyon nalang muna ang lulutuin ko.”
Tumango lang ako at walang ingay na nanood. He was busy while I scan the whole kitchen. Maluwag rin pala pati ang kanyang kusina. Parang buong bahay namin ay nandito na. Tapos mag-isa lang siya dito at hindi ko pa nakikita ang kanyang pamilya.
“Bagay pala kayo ni Chelsea, Kuya. Nililigawan mo?” I asked in the middle of nowhere.
He stop slicing the onions and garlic. Bumaling siya sa akin, nakanguso at halatang pinipigilan ang ngisi.
“Bakit mo naman ‘yon nasabi?” he asked innocently.
I sighed. Honestly, nung makita ko sila, I feel something in my heart. I just couldn’t name it because I’m afraid. Wala kasi akong alam sa mga ganoong bagay at takot akong mas lalo pa ‘yong lumalim.
“Kasi nakita ko kayo kanina, bagay kayong dalawa. Tsaka pareho na kayong graduating kaya mas lalong fit sa isa’t-isa.” I said happily.
Mas lalo pa siyang ngumuso at pinipigilan na tumawa.
“Talaga ba? Kung ganoon nga, bagay kami. Siguro ko maganda ang lahi ng anak namin kung kami ang magkakatuluyan? What do you think, Rish?” he said playfully.
My heart started to feel pain. Yumuko ako at pinigilan ang sarili na magsalita kasi baka manginig lang ang boses ko kapag ginawa ko pang magsalita.
“Kapag maging asawa ko siya, pwede ba kitang gawing abay?” he added.
Kumirot ng malala ang puso ko. Napalunok na rin ako at unti-unting namuo ang luha sa mata. Shit! Bakit ko ba ito nararamdaman? Bakit ang sakit isipin na mag-a-asawa siya ng ibang babae? Bakit parang gusto kong makita ang sarili na siyang kanyang pinakasalan? Bakit ganito? Bakit ang bilis kong magmahal? At bakit kay Kuya Amadeus pa?
---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...