Kabanata 15
Cried
Bagama’t nangangamba, hindi ko na lang ‘yon inisip pa. Ayokong masira ang pagtitiwala ko kay Amadeus. Ayokong mabahiran ng kung ano ang iniisip ko sa kanya. I trust him. Kaya hindi na ako mag-iisip pa. Ngayong araw ang laro niya sa basketball. Kasama si Kuya Keno kaya manonood ako upang suportahan ang kapatid ko.
Bumili ako ng tubig at dinala sa gym. Ang kalaban nila ay taga ibang university. Umupo ako medyo malayo sa court. Ramdam ko ang iringan ng dalawang grupo. Ang nasa kabilang bench ay taga ibang university. Maraming nanonood. Humihiyaw ang mga manonood at excited sa mangyayaring laro. Nakita ko si Amadeus, kausap ang coach nila. Si Kuya Keno ay seryosong nakatayo habang nag-e-exercises.
Ilang sandali pa na paghihintay at magsisimula na ang laro. Kinabahan ako at nag-cheer sa kanila ng mag-umpisa ang game. Mabilis na naka-score ang team nila Amadeus at Kuya. Sunod-sunod ang shoot at points sa team nila. Humiyaw kami at ganadong nanood ng laro.
Ilang oras na paglalaro, nakuha ng team nila Amadeus at Kuya ang championship. Sila ang panalo. Tumayo ako at sobrang saya sa nagawa nila. Hinanap ako ni Amadeus sa audience, kunot ang noo niya ng hindi ako nakita ngunit ng bumaling sa direksyon ko, mabilis na nagbago ang expression ng kanyang mukha. Ngumiti ako at bumaba sa inuupuan.
Lumapit ako sa kanya. Hinanda ko ang towel para sa pawis niya. Nang makalapit, niyakap niya ako ng mahigpit kaya napatawa ako. Rinig ko ang hiyaw ng mga tao ng makita kami. Nahiya ako pero hindi ko nalang ‘yon pinansin. Nang matapos niya akong yakapin, binigay ko sa kanya ang tubig. Binigyan ko rin si Kuya Keno ng tubig kasi alam kong nauuhaw sila. Pinunasan ko ang pawis ni Amadeus habang titig na titig siya sa akin.
“Thank you.” marahan niyang sabi.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagpupunas ng kanyang pawis. Hinapit niya ang baywang ko habang titig na titig sa akin.
“I love you.” he whispered.
I smiled again. Hinalikan niya ang pisnge ko.
“May party mamaya, gusto kong pumunta ka. Sa penthouse ko ang venue.” aniya habang hinahalik-halikan ang pisnge ko.
Nandito na kami sa garden at magkatabi ng upuan. Nababagabag talaga ako sa sinabi ni Hydilyn.
“Sige, pupunta ako.”
Doon natapos ang laro. Hinatid niya ako sa bahay. Si Kuya at ibang teammates nila ay nandoon na daw sa kanyang penthouse. Niyakap niya ang baywang ko habang magkaharap kami.
“Hihintayin kita sa penthouse, babe.” he said softly.
Ngumiti ako at hinaplos ang pisnge niya. Lumapit ako sa kanyang mukha at dinampian ng halik ang kanyang labi. Tumugon siya at tumagal ng ilang sandali ang halikan namin. Humiwalay ako at huminga ng malalim.
“Mag-iingat ka pauwi.” sabi ko.
Ngumiti siya at muli akong hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa party nila. Honestly, simula ng sabihin ‘yon ni Hydilyn sa akin, hindi na ako natahimik pa. Pero ayokong maghintay sa akin si Amadeus kaya pupunta nalang ako. Magdadala nalang ako ng cake para sa kanila.
May ilang oras pa naman. Tsaka kailangan ko pang tapusin ang assignment ko bago umalis. Kumain muna ako at nagsimula sa paggawa ng takdang-aralin ko. Pagkatapos ng ilang oras, natapos rin ako. Tinignan ko ang orasan, alas-syete na pala kaya pwede na akong umalis.
Nagsuot ako ng simpleng damit. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko akalain na mamahalin ako ni Amadeus. I’m just a simple girl. Wala nga akong binatbat sa mga naging flings niya. Pero minahal niya ako. And I am his first girlfriend. Kaya wala namang masama kong gawin ko ang tungkulin ko bilang girlfriend niya.
Sumakay ako ng taxi papunta sa bilihan ng cake. Iyon nalang ang dadalhin ko sa kanila. Ngumiti ako at tinignan ang lettering sa ibabaw ng cake.
Congratulations, babe!
Iyon ang nakasulat. Ngumiti sa akin ang cashier.
“Swerte ng boyfriend mo, Ma’am.” aniya habang nakangiti.
I sighed.
“He deserved it.” sagot ko.
Tumango ito at binigay na sa akin ang binili kong cake. Umalis na ako ng bakeshop at sumakay muli ng taxi papunta sa penthouse ni Amadeus. Excited ako sa magiging reaksyon niya pero medyo kinakabahan rin. Tumagal ng ilang minuto ang biyahe kasi traffic pero nakausad naman. 7:30 ng gabi dumating ako sa building. Bitbit ang cake na pumasok ako at sumakay ng elevator.
Napahinga ako ng malalim at ngumiti pa rin. Hindi naman takot na humarap sa mga kaibigan niya. Pero bakit kinakabahan ako ng ganito? Bumukas ang pinto ng elevator at diretso ‘yon sa penthouse ni Amadeus. Bumungad sa akin ang nagkakasiyahang mga teammates niya. Si Kuya Keno ay umiinom na rin at hindi ako napansin. Tumingin sa akin si Ronnie, ang isa sa teammates ni Amadeus.
Nagtaka ako kung bakit may mga babae dito. Akala ko mga teammates lang niya ang pupunta dito. May mga babae rin pala. Hinanap ko si Amadeus ngunit hindi ko siya nakita. Lumapit si Ronnie sa akin.
“Oh, hi! Dumating ka na.” bungad niya sa akin.
Napahinga ako.
“Nasaan si Amadeus?” tanong ko.
Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Kinabahan ako.
“Nasa kwarto niya yata.” aniya habang umiwas ng tingin sa akin.
Tumango ako at naglakad papunta sa kwarto ni Amadeus. Binitbit ko lang ang cake dahil isu-surprise ko siya. Pinigilan ako ni Ronnie kaya napatingin ako sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
He sighed.
“Baka may ginagawa si Deus, mamaya mo nalang puntahan.” nahihirapan niyang sabi.
Umiling ako dahil gusto kong sorpresahin si Amadeus.
“Okay lang, hinihintay ako no’n.” sagot ko.
Binawi ko ang braso sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Maingay dahil sa mga teammates niyang nagsasaya. Huminto ako sa harap ng pinto at pinihit ang doorknob. Binuksan ko ang pinto at pumasok na nakangiti ngunit mabilis akong natigilan ng makita si Amadeus na nakahiga habang nakahubad at katabi si Hydilyn na wala ring saplot.
Nalaglag ang panga ko ng makita ang posisyon nila. Nakayakap si Hydilyn sa kanya habang tulog sila. Umatras ako dahil nanginginig ang tuhod ko sa nakikita. Hindi ko nakita ang likod kaya bumagsak ang baso na nasa counter sa gilid ng pinto. Nabasag ‘yon kasabay ng mga luha kong sunod-sunod na pumatak. Nagising si Amadeus at napatingin sa akin. Kunot ang noo niya ng makita akong umiiyak.
Umiling-iling ako at nabitawan ang cake na dala ko. Tumingin siya sa tabi niya at nanlaki ang mata ng makita na si Hydilyn ang nasa tabi niya. Mabilis siyang tumayo ngunit tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto. Nabunggo ko ang mga nagsasayaw sa sala ngunit wala na akong maisip pa. Sumakay ako ng elevator at nakita kong nagmamadali si Amadeus na tumakbo palapit sa akin.
My tears fall while I cried silently in the elevator. Tinakpan ko ang bibig at mabilis na lumabas ng makarating sa ground floor. Lumabas ako at sumakay ng taxi habang umiiyak.---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomansaAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...