Kabanata 1
Tahimik
Nakanguso kong tinignan ang orasan sa tabi ng higaan ko. Ilang minuto nalang at magsi-six na. Kailangan ko pang maligo at ayusin ang sarili bago pumasok sa school. Nakakainis pa naman dahil traffic kapag lunes. Gusto kong palaging sabado at linggo nalang upang nandito lang sa bahay. Kapag nasa school kasi ako, bully palagi ang inaabot ko.
Tumayo ako at walang nagawa kundi pumasok sa banyo. Naligo ako, sinabon ang katawan at nagbanlaw. Pagkatapos ay lumabas ako upang suotin ang uniform namin. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Walang pagbabago. Pangit pa rin talaga. Nerd na nga, pangit pa!
Kaya palagi akong nabu-bully kasi sa itsura ko. Ang mga kababaihan sa school ay masyadong sosyal at fashionable tapos ako, parang sinaunang babae ang itsura. Well, ganito naman talaga ang mukha ko. Kahit ano naman siguro ang gawin ko, magmumukhang pangit pa rin.
Wala naman akong pimples. Sa katunayan, makinis ang balat ko. Ngunit palagi kong suot-suot ang makapal na salamin sa mata kasi malabo ang mga mata ko. Hindi rin ako attractive kaya siguro pangit ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.
Nilagay ko ang necktie at ID kasi dapat complete uniform kundi hindi talaga makakapasok sa school. Lumabas ako at hinarap ang magulang ko. Nagsisimula na si Kuya kumain samantalang nagbabasa naman si Papa ng dyaryo. Umupo ako sa tabi ni Kuya at kumuha ng sariling pagkain.
"Cy, kunin mo nga yung hotdog." utos ni Kuya.
Dahil sa mabait akong kapatid, kinuha ko ang hotdog at binigay sa kanya. Dalawa lang kaming magkapatid. Fourth year college na si Kuya Keno samantalang second year palang ako.
"Bilisan mong kumain kasi aalis na ako. Baka mahuli pa tayo sa flag ceremony." si Kuya Keno.
Napahinga ako at sandwich nalang ang kinain kasi ganito siya palagi. Gusto niyang mabilis kaming kumain kasi baka mahuli kami. Sa kanya kasi ako sumasakay, scooter ang gamit namin at siya ang driver ko. Parehong school lang kami.
Nang makita kong tapos na siyang uminom ng gatas, mabilis akong tumayo at kinuha ang bag. Napatingin si Papa sa akin. Maagang umalis si Mommy kasi may duty pa siya sa hospital ngayon.
"Sandwich lang kinain mo, Cyrish?" si Papa.
Napatingin sa akin si Kuya Keno, sumimangot siya.
"Nagmamadali kasi kami ni Kuya, Pa." sagot ko.
Bumuntonghininga si Papa at umiling-iling sa kapatid ko.
"Wala ka na ngang laman, hindi ka pa kumakain ng maayos." tugon ni Papa.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. Nag-iisang anak na babae lang ako. Tatlong taon lang ang agwat ni Kuya Keno sa akin. Panganay siya at sumunod lang ako. Karamihan na sinasabi ng mga kaklase ko ay hindi kami magkamukha ni Kuya.
Gwapo ang kapatid ko at attractive. Samantalang nerd at wala akong karisma na katulad ng sa kapatid ko. Hindi ko nalang 'yon pinapansin kasi ang alam ko, magkapatid naman talaga kami. Sadyang maporma lang si Kuya at marunong dalhin ang sarili niya.
"I love you, Papa." paglalambing ko sa kanya.
Alam kong mabait akong anak at kaibigan. Hindi ako marunong magalit. Nginingitian ko lang ang mga taong nangbu-bully sa akin. Kaya siguro palaging nagagalit sa akin si Kuya kasi hindi ako lumalaban sa mga bully kong kaklase.
Reason why I didn't fight back for myself is that, kapag lumaban ako, alam kong matatalo pa rin ako. Kasi mahina nga ako. Kasi hindi ko sila kayang labanan. Kaya ano pang kwenta ng paglaban ko kung sa huli, matatalo pa rin ako? So to make it stop, I just let them bully me. Magsasawa naman siguro silang gawin 'yon sa akin.
Taliwas sa unattractive kong mukha at makapal na salamin, I'm good at academics. Ganoon rin naman si Kuya, pero mas magaling daw ako sabi ng mga teachers ko.
Nang makarating kami sa campus, binigay ko sa kanya ang helmet na suot at hinalikan siya sa pisnge.
"Alis na ako, Kuya!" sabi ko sa kanya.
He sighed.
"Baon mo? Sa lunch, punta ka nalang sa room para sabay tayong kumain." he said calmly.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Graduating student si Kuya Keno sa kursong Geodetic Engineer. Minsan na akong pumupunta sa department nila pero palagi akong nabu-bully doon kaya umiiwas akong pumunta. But now, he wants me to visit him in his room, kaya pupunta ako para sabay kami sa lunch.
Tahimik akong umupo sa likod ng upuan. Nilabas ko ang libro at nagbasa ng tahimik. Nagbabasa ako ng Human Anatomy kasi hilig kong pag-aralan ang mga tungkol sa katawan ng tao. My mother is a doctor, she inspired me to be like her. Kaya ngayon, medicine rin ang kinuha kong course sa college kasi gusto ko ring mag-doctor.
"Uy si nerd nagbabasa na naman. Gusto talaga maging summa cum laude nito e!" si Hydilyn, isa sa mga nangbu-bully sa akin.
Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Akala ko tatahimik na sila pero nagulat ako ng kunin ni Hydilyn ang libro ko at pinunit ang ibang pages doon. Nanlambot ako ng makita ang mga napunit na nahulog sa sahig. Tumawa lang ang mga kaklase ko habang nagpapatuloy si Hydilyn sa pagpunit ng libro ko.
Binili ko 'yon sa perang naipon ko sa allowance ko. Tapos pupunitin lang ni Hydilyn. Gusto kong umiyak kasi mahalaga sa akin ang libro na 'yon. She continue ripping my book. Nang magsawa, lumapit siya sa trashcan at doon tinapon ang libro ko. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko habang nanghihinang lumapit sa basurahan.
Kinuha ko ang libro at niyakap. Awang-awa ako sa nangyari sa paborito kong libro. Tahimik kong pinahid ang luha at bumalik sa upuan na walang ingay. Pinulot ko na rin ang mga pages na nahulog sa sahig. Baka magalit ang professor namin kapag makita 'yon.
Tumawa lang ang mga kaklase ko sa ginawa ni Hydilyn. Buong akala ko talaga na kapag sa college, wala ng ganito pa pero mas masahol pala kaysa high school. Dito kasi physical at emotional ang ipaparamdam nila sayo.
Wala naman akong magawa kundi hayaan sila kasi mahina ako at walang laban. Kahit naman pinagsasabihan na sila ni Kuya, patuloy pa rin naman silang nangbu-bully sa akin. Tahimik nalang ako sa upuan at nalungkot dahil nawala ang paborito kong libro.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...