Kabanata 6
Namumutawi
Kinalas ko ang helmet ni Kuya Amadeus ng makarating kami sa harap ng bahay namin. Titig na titig lang siya sa akin habang binigay ko ang kanyang helmet. Nailang pa ako kasi sobrang lalim ng kanyang mga mata. Tinanggap niya naman ang binibigay ko bago bumuntonghininga.
"Gusto mo bang lumabas bukas?" he asked me.
Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Lumabas bukas? Bakit? Saan naman ako pupunta? Tuwing weekends hindi naman ako lumalabas ng bahay kasi mas gustong manatili sa kwarto at magkulong. Minsan nakikinig ako sa mga old songs and romantic songs. Depende sa mood ko kaya baka ganoon rin ang gawin ko bukas.
"Sa bahay lang naman ako, Kuya. Bakit po?" magalang kong sagot.
Napapansin ko, sa tuwing sinasabi ko ang kuya o pagbibigay pormal sa kanya, napapabuntong-hininga siya ng malalim. May epekto ba 'yon sa kanya?
"Gusto mong manood ng sine? May magandang showing kasi na movie bukas. Wanna try it?" aniya habang nakatitig sa akin.
Sine? Kami manonood ng sine? Parang date ba 'to? Hindi kasi ako familiar sa mga ganoon kasi tubong bahay lang naman ako. Pero nakakatuwa naman kung manonood nga kami ng sine. Hindi ko pa 'yon naranasan sa buhay kong ito.
"Tayong dalawa lang ba, Kuya Amadeus?" tanong ko.
He nodded attentively.
"Yup. I want to watch the movie with us together."
Okay rin naman siguro 'yon diba? Hindi naman masama kung papayag ako kasi kaibigan siya ni Kuya Keno. Classmates pa sila at kilala ang pamilya nila kaya wala naman sigurong problema?
"Sige ba. Pero wala akong pera Kuya Amadeus. Baka maghintay lang ako sa labas kasi wala naman akong pambili ng ticket." malungkot kong sabi.
"Heck." he cursed whispered.
"Ano po 'yon, Kuya?" tanong ko sa kanya.
He sighed heavily.
"Nothing. We will watch the movie together. I will pay for the ticket. We will eat in a fancy restaurant. Wala kang gagastusin na pera bukas. It's all on me." sagot niya.
Napatango ako at dahan-dahang ngumiti.
"Ah, sige libre mo pala. Sa susunod ako naman manglilibre sayo, Kuya Amadeus." nahihiya kong sabi.
Ngumisi lang siya at umiling-iling. Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago siya huminga ng malalim at hinaplos ng marahan ang pisnge ko. Medyo nagulat ako pero hindi naman umatras kasi buo naman ang tiwala ko sa kanya. Tsaka hindi naman ako natatakot kay Kuya Amadeus ngayon. I just want to ask my brother why he really wants me to avoid Kuya Amadeus.
Siguro may malalim pang rason si Kuya Keno kaya niya gustong gawin ko 'yon. But I cannot turn down Kuya Amadeus like that. Mabait siya sa akin. Hinatid niya ako dito. Bukas lalabas kami at manonood ng sine. Wala naman akong nakikitang problema do'n.
Kuya Keno must be protected to me. Kaya niya 'yon nasabi kasi gusto niyang protektahan ako. I am his little sister. Kaming dalawa lang ang magkapatid at spoiled niya ako. Pero hindi naman masama kung magiging mabuti rin ako kay Kuya Amadeus gayong maayos naman ang pakikitungo sa akin.
"Good night, Rish." marahan niyang sabi.
I smiled genuinely.
"Good night rin po, Kuya Amadeus." sagot ko.
He sighed and smiled eventually. Iyon ang naging eksena kinabukasan. Alas-dyes palang nasa labas na ng bahay si Kuya Amadeus at naghihintay sa akin. Kanina pa kami nagtatalo ni Kuya Keno dito sa kwarto ko.
"You didn't listen to me, Cyrish!" he shouted at me.
Natigilan ako sa pagsasalita ng sumigaw siya. Nakabihis na ako ng simpleng damit. Sa katunayan, ready na akong umalis ngunit hinaharap ko pa itong si Kuya.
"Kuya Keno, mabait naman siya sa akin. Kahapon nga tinulungan niya ako sa cubicle. Dinala niya pa ako sa kanyang penthouse upang doon makapagpahinga. Mabuti siyang lalaki, kaya bakit ganito ang ginagawa mo sa kaibigan mo?" mahinahon kong sagot sa kapatid.
He sighed problematically.
"Amadeus is a playboy, Cy. Maraming babae na ang napaiyak niyan. Hindi man pinapansin, umiiyak kasi hindi nagugustuhan. Ayokong mangyari 'yon sayo. You are my precious sister." rumahan ang kanyang boses.
Ngumiti ako at nangilid ang luha dahil sa sinabi ni Kuya. He's protecting me. Kaya niya nagagawa ito kasi ayaw niyang masaktan ako. He wants me to be happy and safe. Pero hindi naman siguro ako nanganganib kay Kuya Amadeus diba?
"Kuya, trust me, hindi ako masasaktan kasi kaibigan lang naman ang tingin ni Kuya Amadeus sa akin. I think, he treated me as his younger sister too. Kaya huwag ka ng mabahala pa." pagbibigay ko ng assurance sa kapatid.
Napalunok siya bago yumuko. Iyon ang nagbigay paraan upang makaalis ako sa bahay at lumabas kasama si Kuya Amadeus. Luckily, wala si Papa at Mommy sa bahay ngayon. Nasa hospital yata silang dalawa. Kaya wala naging problema sa pag-alis ko aside kay Kuya Keno.
Dumating kami sa mall bandang eleven. Maraming tao kasi sabado. May mga family ang nandito, yung iba couples yata. Hinawakan ni Kuya Amadeus ang kamay ko at naglakad kami papunta sa second floor. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakasunod lang ako sa kanya.
Nang nasa second floor na, huminto kami sa isang restaurant. Binitawan niya ang kamay ko at tumingin sa akin.
"Kumain muna tayo bago pumunta sa sinehan." aniya bago pumasok sa loob ng restaurant.
Tumango ako. Nakakahiya naman kasi libre niya pa talaga ako ngayon. Baka malaking halaga ng pera ang magastos niya ngayon. Mag-iipon nalang ako para kapag manood ulit kami ng sine, ako ang magbabayad ng ticket.
Umupo kami sa pangdalawahang upuan. May lumapit na waiter sa amin at binigay ang menu. Mabilis na naghanap ng pagkain si Kuya Amadeus sa menu habang nahihiya naman akong tumingin rin doon. Ano kaya ang kakainin ko?
May nahanap akong pagkain na pwede kong kainin. Carbonara iyon ngunit ng mapatingin ako sa price no'n halos mabitawan ko ang menu. It cost 500 per plate. What? Ang mahal naman nito! Dapat nagluto nalang ako sa bahay at dinala dito.
"Anong gusto mo?" tanong ni Kuya Amadeus.
Napahinga ako at nilapag ang menu sa lamesa.
"Pwede bang juice nalang-"
"No. Order a food, Rish." utos niya.
Napalunok ako. Nakakahiya naman kasi kung ganitong price ang o-orderin ko. Baka maubos ang pera ni Kuya Amadeus sa akin.
"M-medyo mahal kasi nitong carbonara..." sabi ko.
He sighed. Tumingin siya sa waiter at binigay ang menu.
"Dalawang carbonara, juice and pizza." sabi ni Kuya sa waiter.
Mabilis naman na tumugon ang waiter at umalis sa harap namin. Tumingin sa akin si Kuya Amadeus at ngumiti. Dumating ang pagkain namin at nagsimula kaming kumain. Masarap ang carbonara at pizza. Naubos namin ang pagkain at sulit naman ang binayad ni Kuya Amadeus.
Pagkatapos kumain, dumiretso na kami sa sinehan. Medyo kaunti lang ang tao kaya nakabili kami ng ticket. Isang Hollywood movie ang papanoorin namin. Pumasok kami sa sinehan at naghanap ng uupuan namin.
Sa gitnang row kami umupo. Kaunti nga lang ang tao kaya ramdam na ramdam ko ang lamig sa loob. Naghintay kami ng ilang sandali bago magsimula ang palabas. Tahimik lang sa loob habang ang buong atensyon ay nasa pinapanood.
Napatingin ako kay Kuya Amadeus, tahimik rin siya at nanonood ng seryoso sa screen. Tinignan ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Mula sa leeg, kanyang labi at mapupungay na mga mata. Matangos na ilong at mataas, talaga namang maraming nagkakagusto sa kanya.
Hindi ko rin alam kung totoo nga bang kaibigan lang ang nararamdaman ko sa kanya. Paunti-unti, nararamdaman kong may namumutawi sa puso ko na mahirap bigyan ng pansin. Baka kapag hinayaan ko ang puso, lubusan akong masaktan.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
Storie d'amoreAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...