Kabanata 4

1.5K 62 2
                                    

Kabanata 4

Madilim

Hindi ko alam kung paano ako naka survive sa comfort room na iyon. Nung nawalan ako ng malay, nagising akong nasa isang kwarto na. I was not feeling well because of nervous, fear and all. Pero nung bumalik ang ulirat ko, doon ko lang napansin na hindi ako nasa bahay. The room motif design was black and gray. Maluwag. May sariling living area sa loob. May TV. The bed was king size.

I didn't expect this one. Where am I? Bakit ramdam na ramdam kong nasa ibang kwarto ako? Nasaan ako? That was my question over the time. I scan the room properly. Malinis talaga. Spacious and very unique design. Well, my room at our house wasn't like this. Mas maluwag 'to at maganda ang interior design.

Maingat akong tumayo sa kama at lumapit sa bintana. Sumilip ako upang makita ang labas. Napasinghap ng makita ang nagtataasang mga building. Oh my God! Nasaan ako? Bakit may mga ganitong gusali dito?

Nasa Makati City ba ako? Or BGC? Saan ba ito? I don't know where am I! I was very shock with the view outside the window. Ilang sandali na pagtitingin sa labas ng bintana ay bumukas ang pinto. Mabilis akong tumingin doon at mas lalong nanlaki ang mata ng makita si Kuya Amadeus.

Walang suot na damit pang-itaas at tanging sweat pants lang ang suot sa ibaba. Magulo ang buhok, basa at amoy na amoy ko ang bango niya kahit malayo pa sa akin. Bakit nandito siya?

He smiled.

"Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" he said gently.

Napalunok ako. Mabilis kong naramdaman ang kaba sa dibdib. He is my brother friend. They were classmates since then. Pero hindi pa siya dinala ni Kuya sa bahay namin ever since. Actually, nakita ko lang siya nung pumunta ako sa gym nung araw na tumawag ako sa kapatid ko.

But, his surname was famous. Filthy rich. Well, hindi naman kami ako nanonood ng mga news regarding sa mga mayayaman na pamilya dito sa bansa. Basta naririnig ko lang ang pangalan nila, minsan sa bahay, minsan kay Mommy, minsan kay Kuya.

Kaya ngayon, malaking katanungan sa akin kung bakit nandito siya at kaharap ko. O, baka naman mali ako ng iniisip? Baka ako ang nandito sa lugar niya at nagtataka siya kung paano ako napunta dito? Oh my gosh! Did I teleport from the comfort room to here?

"D-did I teleport here, K-kuya Amadeus?" I said unbelievably.

Natigilan siya at napaawang ang labi. He looks hot and handsome. Marunong naman akong pumuri ng mga lalaki lalo na kung gwapo at malakas ang appeal. Kaya ngayon nasasabi ko 'to kay Kuya Amadeus kasi totoo naman talaga. He was smoking hot.

"What? Teleport here? No." natawa niyang sagot.

Ako naman ngayon ang napasinghap. Kung hindi ako nag-teleport dito, paano ako napunta sa kwarto niya? Don't tell me, I was play by a bad spirit in our campus? Usap-usapan rin kasi sa school na may ligaw na kaluluwa daw doon. Mga multong hindi matahimik. Kaya minsan kapag mag-isa ako sa library, nakakaramdam ako ng kaba at takot.

"P-paano ako napunta dito?" tanong ko, nauutal.

He sighed. Naglakad siya palapit sa isang lamesa at nilagyan ng wine ang basong naroon. Nang malagyan ng wine, kinuha niya 'yon at dinala sa kanyang labi. Sumimsim siya bago muling tumingin sa akin.

"I found you in the comfort room, walang malay at nakahiga sa sahig. Hydilyn was sent to the guidance office and they give her two week suspension." he said directly.

Really? Si Hydilyn binigyan ng suspension dahil sa ginawa sa akin? Well, it serve her right. I have some trauma in a close place. Nung bata kasi ako, naiwan ako ni Mommy at Papa sa isang mall. May kumuha sa aking isang lalaki at dinala ako sa masikip na lugar. Takot na takot ako kasi hindi ko naman kilala ang lalaking kumuha sa akin.

Muntik na akong ma-rape sa edad kong anim na taon kung hindi lang ako nahanap ni Papa sa lugar na 'yon. I was really scared and it traumatized me. Kaya nung kinulong nila ako sa masikip na cubicle na 'yon, I was scared. Para akong nauubusan ng hininga at dumidilim ang paligid ko.

"P-paano mo ako nahanap sa comfort room, Kuya?" tanong ko.

Muli siyang huminga ng malalim bago uminom sa kanyang wine.

"Pinuntahan kita sa classroom niyo, wala ka doon. I ask your brother about you, ang alam niya nasa room ka lang. I waited you in the cafeteria kasi baka may ginawa ka lang, but heck, I wait for about two hours but you didn't show up. Kaya naghanap na ako." he paused.

Marahan ang kanyang tingin sa akin. Muli siyang uminom ng wine at huminga ng malalim.

"Good thing, inuna ko ang banyo at nahanap kita sa cubicle. Mabuti nalang din at may CCTV ang hall at nakita doon ang grupo ni Hydilyn." aniya bago uminom sa kanyang wine.

Napahinga ako at tumango-tango. Mabuti nalang din at nahanap niya ako. Kung nandoon pa ako, baka nung nagising ay mas lalo akong matakot. Natuwa ako sa kanyang ginawa kaya lumapit ako at niyakap siya.

Ganito ako sa mga taong mababait sa akin. Kapag nakakagawa sila ng kabutihan sa akin, hindi ko talaga napipigilan na yumakap tugon sa pasasalamat. Kaya ngayon, masayang-masaya akong yumakap kay Kuya Amadeus.

Nagulat pa yata siya sa ginawa ko at mabilis na nailagay ang baso ng wine sa lamesa. Humigpit ang yakap ko sa kanya at binaon ko ang mukha sa gilid ng kanyang kili-kili. I was really really happy. Kaya nakalimutan kong lalaki siya at wala pang suot na damit. Tumagal ng ilang sandali ang yakap ko bago humiwalay at ngumiti sa kanya. Mas lalong rumahan ang kanyang mga tingin sa akin.

"Maraming salamat, Kuya Amadeus. Kung hindi mo ako nahanap, baka hanggang ngayon nasa cubicle pa rin ako at takot na takot." I said happily.

He sighed. Napaawang ang kanyang labi habang titig na titig sa akin. Hindi ako nakaramdam ng hiya sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Ngayon tuloy, nagtataka ako kung bakit gusto ni Kuya Keno na umiwas sa kanya. Mabait naman siya.

"You hug me." he said softly.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nakalimutan kong suotin ang salamin sa mata pero maayos naman ang tingin ko sa kanya.

"Ah, ganoon kasi ako kapag nagpapasalamat sa kabutihang nagawa sa akin. Salamat talaga, Kuya Amadeus." masaya kong sagot.

He sighed.

"Pati sa ibang lalaki kapag tinulungan ka ay niyayakap mo?" may bahid ng kakaiba ang kanyang boses.

Oo. May mga niyakap na rin akong ibang lalaki noon nung tinutulungan ako.

"Opo, Kuya. Bakit? Actually, mannerism ko na siya kapag may tumutulong sa akin na tao, niyayakap ko talaga." sagot ko.

He sighed deeply. Hindi ko narinig ang binulong niya sa kanyang sarili. Pero ngayon ko lang napansin ang madilim niyang mukha.

"Kumain muna tayo bago kita iuwi sainyo." aniya bago ako talikuran.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Lumabas siya at naiwan ako sa kanyang kwarto.





---
© Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon