Kabanata 2
Gusto
Lunch ng naglakad ako papunta sa department ni Kuya. Yakap-yakap ang bag habang may mga istudyanteng nakatingin sa akin. Pilit kong kinakalma ang kinakabahang puso. Nasa fourth floor ang room nila Kuya. Nang makarating ako doon, walang tao. Hindi ko alam kung nasaan siya.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang kanyang number. Nakailang ring bago sagutin ng kapatid ko.
"Hello, Kuya?" marahan kong sabi.
Ganito kasi ako sumagot sa kapatid ko. Nasanay siyang malambing ako at gusto niya naman 'yon. Honestly, he spoiled me. Kapag nahuhuli niyang binu-bully ako, nakikipag-away siya. Sa huli, useless rin naman kasi patuloy na ginagawa ng mga kaklase ko 'yon sa akin.
"This is not your brother. May kailangan ka sa kanya?" a very manly voice.
Mabilis akong nagtaka sa nagsalita. Sino 'to? Bakit sinagot niya ang cellphone ni Kuya?
"Ah, Oo. Sabi niya kasi sabay kaming kakain. Nasaan ba siya?" humina ang boses ko.
Huminga ng malalim ang kausap ko sa kabilang linya.
"Nandito kami sa gym. May laro kami ngayon. Ang Kuya mo ay na kasalukuyang naglalaro. Punta ka nalang dito." sagot niya.
Napalunok ako. Gym? Sa kabilang side 'yon ng campus. Medyo malayo pero kaya ko naman puntahan. Basketball player kasi si Kuya. Hanggang ngayon, naglalaro pa rin sila no'n kahit graduating na.
"Ah... sige," marahan kong sabi.
Narinig ko ang paos niyang paghinga. Sino kaya itong kausap ko? Siguro kaibigan ni Kuya Keno?
"Alright. I'll hung up the call now. Punta ka nalang dito." he said.
I nodded.
"Sige-"
"And wait, can you buy me a water? Wala kasing tubig dito. I'm thirsty." pahabol niya.
"Ah sige, Oo... Kuya," mahina kong sagot.
Narinig ko ang mahina niyang tawa sa akin. Binaba niya ang tawag kaya napatingin ako sa screen ng phone ko. Sino 'yon? Bakit hindi manlang nagpakilala sa akin?
Huminga ako ng malalim at naglakad nalang papunta sa cafeteria upang bumili ng tubig. Nang makabili ng tubig, naglakad naman ako papunta sa gym. Mabuti nalang at kaunti ang istudyante dito kasi nasa cafeteria ang iba. Lunch time kasi at nagugutom na ako pero naglalaro pala si Kuya Keno ngayon ng basketball.
Pumasok ako sa loob ng gym. Naglalaro pa rin ang mga kalalakihan habang maingay kasi may mga nagchi-cheer na babae sa players. Tahimik akong umakyat sa bleachers at nanood. Hindi ko naman alam kung paano laruin itong basketball. Hinanap ko si Kuya sa mga naglalaro, agad ko siyang nakita, pawisin at nakatukod ang kamay sa tuhod.
May nahagip ang mata ko. May lumapit na isang lalaki kay Kuya at hinaplos ang likod nito. Nang tumalikod ang lalaki, agad kong nakita ang nakasulat sa jersey niya.
Costiño
14
Hindi ko siya kilala pero naririnig ko ang kanyang apelyido sa buong campus. Hindi naman kasi mahilig mangialam sa mga tao. Naririnig ko lang ang mga pinag-uusapan ng kaklase ko sa pangalan niya.
Napatingin si Kuya sa banda ko kaya mabilis akong ngumiti sa kanya. Tumingin na rin ang lalaking kausap niya kanina. Tumayo ako ng makitang naglakad si Kuya palapit sa akin. Nakasunod ang kaibigan niya sa kanya habang nakatitig ito sa akin.
Tumigil si Kuya sa harap ko. Tinignan niya ang tubig na dala ko. Ngumiti ako.
"Bakit may dala kang tubig?" tanong niya.
"May nagpapabili kasi sa akin kanina nung tumawag ako sayo." inosente kong sagot.
Kumunot ang kanyang noo.
"Ah, it was me. Akin na yung tubig." nakangising sabi ng lalaking nasa likod ni Kuya.
Bumaling si Kuya Keno sa kanya at kunot-noo itong tinignan. Inabot ko ang tubig sa lalaking nagpabili sa akin. Tinanggap niya 'yon na nakatitig sa akin ng marahan.
"You answered my phone, Costiño?" tanong ni Kuya sa kanyang kaibigan.
Ngumisi ito at kinindatan ang kapatid ko.
"Yup! I answered your phone. Kapatid mo pala. Maganda ha." sagot ng kanyang kaibigan.
Napalunok ako. Yumuko ako kasi unti-unti akong nakakaramdam ng hiya. Bakit ganoon ang sinabi ng kaibigan ni Kuya.
"Back off, Costiño!" mariing sagot ni Kuya.
Humalakhak ang lalaki at tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba dito sa tiyan ko habang nakatitig siya sa akin.
"What? I'm just complimenting her." kibit-balikat na sabi ng kaibigan ni Kuya.
Hindi ako makatingin sa kanya kasi ramdam na ramdam ko ang hiya.
"Cy, doon ka na maghintay sa akin sa labas. Magpapalit lang ako ng damit." si Kuya.
Mabilis akong tumango. Nang tumingin ako sa kaibigan niya, ngumiti ito sa akin kaya nahihiya akong ngumiti rin bago naglakad pababa sa bleacher. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang sabi ng kaibigan ni Kuya.
"Cyrish right? I'm Amadeus, by the way." habol niya sa akin.
Huminto ako at bumaling sa kanya. Naglalakad na si Kuya Keno palayo kaya hindi niya nakita na kinausap ako ng kaibigan niya.
"A-ah... hello po, K-kuya." utal kong sabi.
He smirked.
"Thanks sa water. Sabay akong kakain sainyo." aniya sabay talikod sa akin.
Napalunok ako at hindi nakasagot kasi lumakad na siya palayo. Napahinga ako at ramdam ang mabilis na kabog sa dibdib ko. Umiling nalang ako at naglakad palabas ng gym. Napatingin ako sa paligid, may mga istudyanteng naglalakad habang busy sa mga ginagawa nila. May mga nakaupo sa bermuda grass kasi malawak naman itong field sa labas ng gym.
Ilang minuto akong naghintay kay Kuya bago ko siya nakitang palabas ng gym kasama ang kaibigan niya. Nakasimangot pa ang mukha ni Kuya habang kinakausap siya ni Kuya Amadeus ba 'yon?
Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kaibigan ni Kuya kasi nahihiya na ako. Nang huminto si Kuya sa harap ko, tsaka palang ako umangat ng tingin sa kanila.
"Tara na. May ilang oras nalang para kumain kasi magsisimula ang klase sa hapon." si Kuya.
Tumango ako. Sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Ramdam ko ang tensyon sa dalawa kong kasama kaya hindi rin ako mapakali. Nang makarating sa cafeteria, mabilis kaming nakahanap ng uupuan.
"Anong gusto mong kainin, Rish?" tanong ng kaibigan ni Kuya sa akin.
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kuya cursed.
"What the fuck are you doing, Costiño?" my brother cursed.
"Kuya, bakit ka nagmumura?" saway ko sa kapatid.
Father taught us to avoid cursing. It's not proper to say. Sa bahay, kapag naririnig ni Papa na nagmumura si Kuya, pinapagalitan niya talaga.
"I'm sorry, Cy." paumanhin ni Kuya sa akin.
Tumango ako at agad naman siyang pinatawad.
"What do you want to eat, Rish? Libre ko kasi binilhan mo ako ng tubig." si Kuya Amadeus.
Napahinga ako at sinabi nalang ang gustong kainin upang makabili na sila.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...