Kabanata 10
Biniyayaan
“O-oo naman. Bakit hindi, Kuya?” utal kong sagot.
Ngumisi siya at tumango-tango. Tinapos niya ang ginagawa at nagsimula ng magluto. Totoo naman kasing bagay sila ni Chelsea. Tiyak na maganda at gwapo ang magiging baby nila kung sila ang magkatuluyan. Tsaka magiging masaya talaga ako para sa kanya. Simula kasi ng maging magkalapit kami, hindi ko nalang siya tinuring na kaibigan ng kapatid ko, mas lalo ngang lumapit itong puso ko sa kanya. At hindi ko alam kung paano hahawakan ang nararamdaman para sa kanya.
I’m new to this. And honestly, I’m afraid. I don’t know how to act like a normal one because I know, mukha akong tanga na babaeng humaharap sa kanya ngayon. My tears are about to fall. Mas lalo akong yumuko kasi patulo na nga ang luha ko. Pinigilan kong suminghot kahit hindi ko naman kaya kasi masyado akong halata kapag umiiyak.
“A-alis muna ako—”
I didn’t able to finish my word. Mabilis akong tumalikod upang hindi niya makita na umiiyak ako. Halos takbuhin ko ang pintuan upang makalabas ngunit mabilis kong naramdaman ang bakal na humawak sa aking palapulsuhan. Mas lalo akong kinain ng takot kasi makikita niyang umiiyak nga ako. Umiling-iling ako upang pagtakpan ang luha ngunit sadyang traydor ang pag-iyak ko at kahit ang hikbi ay naririnig.
“You started talking about it and now you’re crying. Really, Cyrish?” madilim niyang sabi.
I shook my head. Tears fell in my eyes.
“Binibigay mo ako sa ibang babae na parang laruan lang. Tapos iiyak ka ngayon kasi nasasaktan ka.” dagdag niya.
I try to pull out my wrist but he holds it tightly.
“I never want anyone, Rish. It’s sound crazy but babe… I fall for you! You see? Palagi kitang gustong kasama. Palagi kong gustong kumain na kasabay ka. Palagi kong tinatanong ang Kuya mo tungkol sayo! Hindi ko gusto ang ibang babae, Cyrish! Kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin na bagay ako sa ibang babae kasi ayokong naririnig ‘yon.” rumahan ang kanyang boses.
Ako naman ngayon ang natulala sa kanyang sinabi. He likes me? He fall for me? But how? I’m just nerd and nothing! Paano niya nagustuhan ang isang katulad ko? Hindi ako maganda. Hindi ako sexy na katulad ng iba. May salamin ako sa mata. Simple lang ako. Siya ay may dugong Costiño at Equipaje!
Kilalang-kilala ang kanilang pamilya kaya paano ang isang katulad niya na nagkagusto sa akin?
“K-kuya, imposible yang sinasabi mo. Hindi ako maganda at simple—”
“Wala akong pakialam sa status mo at sa kasimplehan mo. Iyon nga ang nagustuhan ko. Stop thinking about it, Rish. Hindi mo alam kung gaano ako nagalit nung hindi tayo nagkita ng ilang araw.” he said to stop me.
I sighed. Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ko akalain na sasabihin niya ‘yon sa akin. Pero at least, kahit papaano’y nawala ang kaunti ang awkwardness sa aming dalawa. Ngayon na nalaman kong pareho pala kami ng nararamdaman, hindi na ako naiilang sa kanya. I feel comfortable and relax now.
“Come on, I will finish cooking. Kanina pa tawag ng tawag ang kapatid mo sa akin. Hindi pa naman kita aasawahin e.” aniya habang nakangisi.
Napahinga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Hawak-hawak niya ang kamay ko ng lumakad kami papunta sa kusina. Muli akong umupo sa high chair at siya naman ay nagpatuloy sa pagluluto. Nakita ko ang kanyang cellphone sa ibabaw ng counter.
Umilaw ‘yon na hindi niya nakita. Nagtaka ako kaya inabot ko at tinignan ang screen. Nakita ko ang pangalan ni Kuya Keno, text galing sa kanya.
Kumunot ang noo ko. Bakit nag-text si Kuya Keno sa kanya?
“The password is your birthday, babe.” sabi ni Kuya Amadeus.
What? Ang kanyang password ay birthday ko? To prove, I open his phone. May password nga kaya nilagay ko ang birthday ko. Bumukas ang phone at nagulat ako. Talaga ngang birthday ko ang kanyang password! Ang weird naman no’n. Binasa ko ang text ni Kuya Keno.
Keno:
Subukan mo lang saktan ang kapatid ko, kahit may dugo kang Costiño hindi ako matatakot na bugbugin ka!
Hala si Kuya Keno! Bakit ganito ang kanyang text sa kaibigan niya? Ang harsh naman masyado. Nagbasa pa ako sa conversation nila.
Keno:
Stop hitting my sister, fuck you! Alam ko ang dugo niyo!
Amadeus:
What? My blood type is B. How did you know my blood?
Keno:
Asshole! Stop pissing me! Manakit ka nalang ng ibang babae huwag lang ang kapatid ko, Costiño!
Amadeus:
Stop over acting. You know that I like your sister. Come on, trust me on her.
Keno:
No!
Iyon ang latest conversation nila. Hindi na ako nagbasa pa sa unahan kasi privacy niya ‘to. Pero sobra talaga akong nagulat sa sinasabi nila. Si Kuya Keno sobrang protective talaga sa akin. Kahit ang kaibigan niya ay pinagbabawalan sa akin. Sabagay, nag-iisang kapatid niya lang ako. Kaya siguro ganoon si Kuya kasi ayaw niya lang masaktan ako.
Napahinga ako ng malalim at tinignan ang gallery niya. May mga album doon at una kong nakita ang album niya para sa kapatid. Laman no’n ang iba’t-ibang kuha niya kasama ang kapatid na babae. Sobrang ganda rin naman talaga ng kapatid niya. Ang puti at makinis. Parang Hollywood ang mukha at anghel.
Tumigil ako sa picture ng kanyang Mama. Siya talaga yung sikat na artista noon.Kilalang-kilala ang kanyang Mama noon sa showbiz. Kaya pala gwapo at maganda sila kasi ganoon rin ang kanilang magulang. Napatingin ako sa larawan ng kanyang Papa, nakasuot pa ito ng pang-sundalo na uniform at kahit may edad na, gwapo pa rin. Talaga namang biniyayaan sila ng magandang pamilya.
Kaya pala ang gwapo at ganda ng mga anak nila. Tinignan ko ang picture ng kapatid niyang babae. Napakaganda talaga nito. Kung maganda si Ma'am Salvacion, mas kinaganda ng kanyang anak kasi gwapo rin ang Papa nila. I wonder kung may boyfriend na ba si Adah? Siguro meron na kasi walang lalaki ang hindi mapapa-ibig no'n. Katulad nitong si Kuya Amadeus, maraming babae ang nagkakagusto. Pati ako ay nagkagusto na rin sa kanya. Ngayon tuloy, hindi ko alam ang mangyayari sa aming dalawa.
---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...