Kabanata 17
Manigas
Alam kong ganap na siyang sundalo pero nagulat talaga ako kung bakit dito siya sa Municipal ng Sta. Rita na-assign. Really? Ano 'to, destiny namin magtrabaho dito? Hindi ko tuloy alam kung ano ang mga dapat gawin gayong ako pa naman ang kinuha ng hospital para sa medical volunteer sa mga sundalo.
Kung pwede lang na tanggihan ang director ng hospital ginawa ko na kasi ayoko talagang magkita kami. After what happened years ago, ayoko na ulit maisip 'yon. I forget him. Hindi na masakit ang puso ko. Kaya ang gusto ko lang ay hindi siya makita kasi kapag magtagal kami dito, muli kong maaalala ang ginawa niya noon sa akin.
Nung nakita ko siya sa conference room kanina, pinakita ko talaga sa kanya na hindi ko siya kilala kaya umakto akong hindi talaga siya kilala. He cheated. Hindi pa nga kami nagtatagal, nangloko na siya. And worst, si Hydilyn pa na mahilig mang-bully sa akin. Hindi ko 'yon nakalimutan ng ilang taon, pero nung naging mahirap ang pag-aaral ko sa ibang bansa, halos hindi ko na maisip pa ang mga pangyayaring nakita noon.
Isa na ring geodetic engineer si Kuya Keno. Nasa Manila siya pero umaalis ng bansa dahil may mga ginagawa rin siya doon. May asawa na rin siya at may dalawang anak. Si Papa, tumanda na rin katulad ni Mommy.
After how many years, ngayong ko lang talaga nakita si Amadeus. Hindi naman kasi ako dumadalo sa mga gatherings ng Costiño dito sa Samar. Kapag nasa Manila naman ako, may mga invitation na binibigay sa bahay ngunit hindi ko 'yon pinapaunlakan. Ayokong pumunta at makita siya. Ayokong makita ang mukha ng lalaking nangloko sa akin.
Sabi ni Papa, makakahanap naman ako ng ibang lalaki na mas mamahalin ako at papahalagahan. Pero ngayon, palagi kaming magkikita kasi isa akong volunteer doctor sa kanila. Mahihirapan akong magtrabaho ngayon pero hindi ako magpapa-apekto sa kanya. Hindi ko ipapakita na sinaktan niya ako noon. At iiwas ako upang hindi na magkaroon pa ng connection ang landas namin.
Bukas magsisimula ang trabaho ko sa kanila. Ang sabi sa akin ni Mayor, may mga tent naman daw doon at nagpagawa rin ng mini house para sa mga doctor. Lahat ng masusugatan na mga sundalo ay dadalhin sa tent kasi doon gagamutin. Nagkaroon ng operation ang mga sundalo dito kasi may mga terorista daw na nandito sa Sta. Rita at dumadakip ng mga bata.
Totoo 'yon. Last month, limang bata ang nawawala sa barangay ng Cadaragan. Ang sinasabi ng mga investigator, posibleng mga terorista ang kumukuha sa mga bata at kinukuha ang mga organs nito. Kaya nga, nandito ang mga sundalo upang puksain ang kasamaang ginagawa ng mga terorista.
Isang gym bag ang dala ko, kaunting damit lang naman kasi may uniform naman kami. Nagpaalam na ako sa assistant ko at sa director. Diretso na kasi ako sa assigned room na binigay sa akin ni General Mathias.
Napahinga ako ng malalim ng makita ang magiging mini room ko. Para siyang cargo na ginawang room lang. Magkakatabi ang room ng mga doctor na kinuha nila. Nasa gilid ang kwarto ko.
Hawak-hawak ang susi, binuksan ko ang pinto. Nilapag ko muna sa baba ang bag dahil kailangan kong akyatin ang limang hagdanan para makapunta sa pinto. Nang mabuksan, napahinga ako ng malalim. Bumaling ako sa baba upang tignan ang bag ngunit hawak-hawak na 'yon ni Amadeus.
Napatiim-bagang ako sa nakikita. Bakit siya nandito? Hindi ko naman kailangan ng tulong niya. Tsaka kung pwede sana, hindi kami magkikita palagi kasi nagagalit pa rin ako sa kanya.
Seryoso ang mga mata niya habang humahakbang sa hagdanan. Kinagat ko ang ibabang labi at tinulak pabukas ang pinto. Nang nasa baba ko na siya, muli akong napatingin sa kanya.
"Pakilagay nalang diyan. Salamat." malamig kong sabi.
He sighed. Nilagay niya ang bag sa gilid ko. Titig na titig pa rin siya at hindi binibitawan ng pagtingin ang mukha ko.
"Maraming nagbago." sa marahan niyang boses.
Inabot ko ang bag at lumakad na papasok sa kwarto ko. Humarap ako sa kanya at pinakita ang plastic kong ngiti.
"You act like you didn't know me earlier. Ganoon mo talaga kaayaw sa akin."
I smirked.
"Hindi magbabago ang panloloko mo sa akin." sagot ko sabay sarado ng pinto.
Napaatras ako ng kumatok siya sa pinto at pilit binubuksan. Umiling-iling ako.
"I didn't cheat on you! I tried to explain many times, Cyrish! Pero hindi mo pinapakinggan ang mga paliwanag ko! Instead, you run away from me! Kasi takot kang harapin ang mga explanation ko!" he shouted at the door.
Umiling ako at lumayo pa sa pinto. Hindi ako makikinig kasi mga mata ko mismo ang nakakita sa ginawa niya. Sinabi niya sa akin noon na marami na siyang karanasan sa mga babae, at isa 'yon sa mga nakita ko sa gabing iyon. Kaya mahirap paniwalaan ang kanyang sinasabi ngayon. Kahit ilang ulit kong narinig kay Kuya Keno na wala namang nangyari sa kanila ni Hydilyn, hindi ko pa rin matanggap.
"Open this door. Mag-usap tayo. Pakinggan mo ako. Totoo ang sinasabi ko, Cyrish. I didn't cheat on you!" he said again, pleading.
"Stop wasting your time. Hindi na ako madadala sa mga sasabihin mo." sagot ko.
Napaatras ako ng malakas niyang pagsusuntukin ang pinto.
"Open this damn door!" he demanded.
I smirked. Sabi na e! Dapat talaga hindi ko na lang tinanggap ang pagiging volunteer doctor dito! Dapat ni-reject ko kasi ito talaga ang mangyayari! Hindi ako titigilan ng lalaking ito hangga't hindi ulit ako nasasaktan sa kanya. Paulit-ulit niyang sasaktan ang damdamin ko.
"Go away. Nandito ako para sa trabaho." sagot ko.
"Buksan mo 'tong pinto at mag-usap tayo. Kung matapang ka, harapin mo ako! Kausapin mo ako! Huwag kang tumakbo at magtago ng magtago sa akin kasi ganoon pa rin, connected pa rin tayong dalawa sa isa't-isa." aniya habang pilit binubuksan ang pinto.
I shook my head. Hindi ko 'yan gagawin. Sige, kung ayaw niyang umalis, manatili siya doon. Wala akong pakialam sa kanya. Kailangan kong magpahinga dahil magsisimula ako sa duty bukas.
"Open this door!"
Manigas ka dyan sa labas!
---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...