Kabanata 12
Kabog
Tahimik akong nakayuko habang nakaharap sa magulang namin. Nakaupo si Mama at Papa sa couch habang nakatayo naman si Kuya sa gilid nila. Katabi ko naman si Kuya Amadeus habang seryoso ang paligid. Hindi ko alam ang sasabihin kasi natatakot ako. Hindi ko masabi ang sasabihin dahil pinapangunahan ako ng kaba.
“What is this all about, Costiño?” malamig na sabi ni Kuya.
“Magandang gabi, Ma’am and Sir, nandito po ako upang umakyat ng ligaw sa anak niyo. Pasensya na po kung ngayong gabi ako pumunta dito.” punong-puno ng respetong sabi ni Kuya Amadeus.
Napabungtong-hininga si Papa. Si Kuya naman ay hindi mapakali.
“Hindi. Bawal pa magkaroon ng boyfriend si Cyrish.” mariing sabi ni Kuya Keno.
“Alam kong mayaman kayo at sobra akong nagtataka kung bakit ang anak ko pa, Amadeus. Talaga bang nangliligaw? O, baka gawin mo lang past time ang anak ko?” malamig na sabi ni Papa.
Mas lalo akong kinabahan.
“Hindi past time ang nararamdaman ko kay Cyrish, sir. I’m here to formally ask your permission to let me courting your daughter.” matapang na sagot ni Kuya Amadeus.
“Paano kung masaktan si Cyrish, Papa? Huwag muna nating hayaan na magkaroon ng relasyon ang kapatid ko. Nag-aaral pa siya at ayokong masira ang kinabukasan niya.” tutol ni Kuya Keno.
“Matagal na akong nagsasabi ng damdamin ko para sa kapatid mo, Keno. Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? I’m your friend.” malamig na sagot ni Kuya Amadeus.
Natigilan si Kuya Keno at napabuntong-hininga. Rinig na rinig ko ang paghinga ng malalim ni Papa.
“I know your family. Well, they are kind. Pero sana huwag mong sasaktan ang anak namin, hijo. Cyrish is a precious gift that we want to keep. Hindi naman siya sinasaktan at ayaw namin siyang saktan.” seryosong sabi ni Papa.
“I know, sir. I will never hurt your daughter. I promise that.” si Amadeus.
Napahinga si Papa. Umiling naman ang kuya ko at halatang hindi pa rin sang-ayon sa gustong mangyari ni Amadeus at Papa.
“Kung ayaw mo na sa kanya at hindi mo na siya mahal, ibalik mo nalang sa amin, basta huwag mo lang sasaktan. That’s my condition, hijo.” dugtong ni Papa.
Tumango si Amadeus at nagbigay ng paggalang sa magulang ko.
“It won’t happen, sir. I will take care of your daughter. I promise that.” sagot niya.
“Come on, Papa. Talaga bang hahayaan mo siyang mangligaw kay Cyrish?” habol ni Kuya Keno.
Tumango si Papa at ngumiti sa akin.“Anak, hindi naman kami ang makakasama ni Amadeus kundi ang kapatid mo. Hindi ako hahadlang, basta ipangako niyang hindi sasaktan si Cyrish.” sagot ni Papa.
Dahil sa galit at pagtutol ni Kuya, nag-walk out siya at padabog na umakyat sa taas. Alam kong nababahala lang sa akin ang Kuya ko kaya ganoon ang kanyang reaksyon. Tsaka totoo naman na nag-aaral ako at masyado pang maaga para sa akin ito pero susubukan ko. Susubukan kong magmahal at hayaan ang sarili na maka-experience kung paano mahalin. Iyon lang sana ang gusto kong hilingin kay Kuya, na sana maintindihan niya.
Marahan ang titig ni Amadeus sa akin habang nasa labas kami ng bahay. Tapos na silang mag-usap ni Papa. Kaya ngayon ay hinatid ko siya palabas ng bahay. Bagama’t nahihiya pa rin ako, pero hinarap ko pa rin siya kasi ang tapang niyang harapin ang pamilya ko. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya kasi ginawa niya ‘yon para sa akin. Ibig sabihin, seryoso siya sa akin.
“Nahihiya ka pa rin ba sa akin hanggang ngayon?” tanong niya.
I sighed. Honestly, hindi naman masyado. Hindi lang ako makapaniwala na magugustuhan niya ako. Hindi ko naisip na darating kami sa puntong ito.
“Medyo nalang.” nakangiti kong sagot.
Ngumuso siya. Sobra talaga akong nagwa-gwapuhan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko para sa lalaking ito.
“Huwag ka ng mahiya sa akin. Magsasama tayong dalawa at gusto kong legal tayo sa parents natin. Kaya huwag ka ng mahiya pa. Masanay ka na sa akin.” aniya habang hinahaplos-haplos ang kamay ko.
My heart pounding like I’m in a roller coaster. I never really imagine this. Sobrang nakakagulat.
“Susunduin kita bukas. Sabay tayo sa school. Pagkatapos magdi-date tayo sa hapon.”
Ngumiti ako at marahang tumango.
“Sige…”
Doon natapos ang pag-uusap namin. Umuwi siya at pumasok ako sa bahay. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kabog ng puso habang iniisip ang lahat ng nangyari ngayong araw. Nililigawan na ako ni Amadeus. Pumunta siya dito upang opisyal na humingi ng permiso sa magulang ko. It was very traditional. Iyon ang hinahanap ko sa lalaki.
Kinabukasan, maagang dumating si Amadeus sa bahay. Sumabay siyang kumain sa amin ng agahan kasi ayaw ni Papa na umalis kaming hindi kumakain. Nauna lang si Kuya Keno na umalis kasi mabilis siyang kumain. Alam kong masama ang nararamdaman niya kay Amadeus at sa akin. Ayaw niya akong kausapin kaya siguro gumawa ako ng paraan upang magkausap kami ni Kuya Keno.
Sa biyahe, nakayakap ako kay Amadeus habang nagmamaneho siya. Malalim ang iniisip ko at alam kong nararamdaman ‘yon ni Amadeus. Nang makarating sa school, binigay ko ang helmet sa kanya at tumingin sa mga mata niya.
“May problema ba?” tanong niya.
Ngumiti ako at huminga ng malalim.
“Si Kuya kasi…”Nakasakay pa siya sa motor habang nakatitig sa akin.
“Don’t worry, I’ll talk to him. Upset lang ang Kuya mo kasi ayaw niya sa akin. But I will fix this, Rish.” aniya sabay ngiti.
Gumaan ang loob ko sa kanyang sinabi. Hinaplos niya ang pisnge ko at ngumiti ng marahan sa akin. Pungay na pungay ang kanyang mga mata.“Pupunta ako sa room mo, sabay tayong kakain ng lunch. And don’t forget, may date tayo mamaya pagkatapos ng klase.” marahan niyang sabi.
Tumango ako at ngumiti. Hindi ko ‘yon nakalimutan. Sa katunayan, buong gabi kong inisip ang pwede naming gawin sa date mamaya. Siguro manonood na lang kami ng movie?
“I’ll go now.” sabi ko.
He nodded. Akala ko aalis na siya at pupunta sa parking area niya ngunit lumapit siya at hinalikan ako sa labi. Smack kiss lang pero boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa kanyang halik. Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko bago umalis at mag-park ng motor niya. Napahawak nalang ako sa dibdib at pinakiramdaman ang kabog ng puso ko.---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...