Kabanata 20

2.3K 72 9
                                    

Kabanata 20

Pinakamamahal

Naka ilang rounds kami kagabi. Iyon ang hindi ko makalimutan at kung bakit masakit ang katawan ko nung gumising. Naabutan ko na lang si Amadeus na naghahanda ng pagkain namin. It was really painful. But I enjoyed it. Hindi ko rin naman kasi maitanggi na gusto rin ng katawan ko. Kaya hinayaan ko ang sarili na bumigay.

Tsaka siya lang ang lalaking binigyan ko ng pagkakataon na makuha ang kabirhenan ko. Kahit nung nasa Austria ako, may mga manliligaw naman ngunit hindi ko napapansin kasi wala naman ako sa mood upang bigyan sila ng pansin.

Ngayong araw ay may mission sila Amadeus. Na-locate ng team nila ang kinaroroonan ng mga terorista. Kaya maaga siyang nagising at naghanda kasi sasabak sila sa laban. Sabi niya sa akin kagabi na kailangan kong maghanda na rin kasi possible magkaroon na kami ng gagamutin ngayon.

"Paano nalaman ng team niyo ang hide out ng mga terorista?" tanong ko habang kumakain kami.

Uminom muna siya ng kape niya bago sumagot.

"May pinahuli kaming isang bata na siyang nabitag nila. Hindi alam ng mga terorista na iyon ang pa-in namin sa kanila." sagot niya.

Tumango ako. Kaya pala nalaman nila ang hideout ng mga hayop na 'yon.

"Kasama kami sa field diba?" tanong ko sa kanya.

He sighed heavily.

"Ayokong sumama ka. Pwede ka namang dito lang."

Ngumuso ako.

"No. I want to be there. Baka may mga bata pa silang bihag at kailangan magamot." sagot ko.

"Babe, ayokong may mangyaring masama sayo. Magpapakasal pa tayo." aniya bago tumingin sa daliri ko.

My heart beat for his smile. Kagabi rin pagkatapos ng matinding pag-iisa namin, nag-propose siya. Sa katunayan, sinuot niya lang ang singsing sa daliri ko at sinabing magpapakasal kami. Pumayag naman ako kasi doon rin naman patungo ang relasyon namin.

"Alam kong magpapakasal pa tayo. Pero ito ang mission namin bilang volunteer doctor dito, Amadeus." marahan kong sabi.

Bumuga siya ng malalim na hangin bago tumango ng dahan-dahan. Wala siyang magagawa kundi pumayag. Kaya ngayon, nandito ako at sakay ng truck nila. Tatlo lang kaming sumama na mga doctor at ang iba ay naiwan para sa headquarters. Kinakabahan ako pero matapang ako upang harapin ang hamon na ito.

Huminto ang truck kaya tinulungan ako ni Amadeus na bumaba. May tent doon para sa medical use. Ang kaharap ng tent ay kagubatan na ang gitna no'n ay hideout ng mga terorista. Dito palang may mga naririnig na kaming ingay. May narinig din akong iyak ng mga bata kaya mabilis akong kinain ng awa.

Mga walanghiya talaga sila. Pati mga bata ay dinamay pa! Hinawakan ni Amadeus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag na huwag kang aalis dito, Cyrish. Hintayin mo akong bumalik." aniya bago sila umalis at magsimula sa misyon.

Inayos ko ang mga kagamitan namin. Panay ang tingin ko sa labas ng tent. Nag-uusap ang mga kasama kong doctor ngunit hindi ako mapakali. Alam kong babalik siya. Maghihintay ako dito.

Makalipas ang ilang minuto, sunod-sunod na putukan ng baril ang narinig namin. Matinding kaba ang naramdaman ko habang nakatingin sa kagubatan.

"Grabe talaga ang sakripisyo ng mga sundalo." ani ng isang doctor.

Hindi na ako mapakali. Gusto kong sumunod doon at tignan ang labanan ngunit ayokong sawayin si Amadeus. Pumayag siya na sumama ako dito kasi pinilit ko pero may condition kaming dalawa na bawal akong tumungo doon.

Nakarinig pa kami ng mga baril kaya mas lalong tumindi ang kaba ko. May lumabas na mga sundalo bitbit ang mga batang nakuha ng mga terorista. Sugatan ang iba kaya agad naming inasikaso. Umiiyak ang mga bata kaya matinding pagka-awa ang nararamdaman ko.

Grabe talaga ang mga teroristang ito! Bakit nila nagawa sa mga bata ang ganito! Mga inosente sila!

"Gagamutin ka ni ate. Nandito lang ako." pag-aalo ko sa batang babae na umiiyak.

May sugat siya sa noo kaya mabilis kong binigyan ng first aid. She cried. Awang-awa ako habang pinagmamasdan sila. Sunod na dumating ay mga sundalong sugatan na rin. Shit, kulang pa yata kami dito! Dapat pala dinala nalang lahat ng mga doctor dito!

Pagkatapos sa mga bata, inasikaso ko naman ang sundalong may mga sugat. Pawis na pawis sila habang ginagamot ko ang sugat nila. Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang mga sundalo. Nakita ko si General Mathias at iba pang mga batang nakuha nila.

Wala na rin akong narinig na mga putok ng baril. Siguro ay tapos na ang bakbakan. Hinanap ko sa mga sundalo si Amadeus at mabilis kinain ng kaba ng hindi siya nakita.

Where's Amadeus?

Lumabas ako ng tent at hinarap ang mga sundalo. My heart started to feel uneasy and scared.

"S-si Major Amadeus?" tanong ko kay Aljo.

Bumuntonghininga siya at yumuko kaya nanghina agad ako. Shit! Wala pa siyang sinasabi kaya mabilis akong tumakbo papunta sa hideout ng mga terorista upang hanapin si Amadeus.

"Doc! Huwag kang pumunta doon! Doc! Shit!" sabay habol ni Aljo.

Mabilis akong tumakbo habang umiiyak dahil kay Amadeus. Hindi ko na inalintana ang mga puno at kahoy na tinatakbuhan ko. Nang makarating, nawindang ako sa mga nakita habang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at ilan sa mga bala ay tumama sa akin.

***

Amadeus POV

Nahuli akong umalis sa hideout ng mga terorista dahil tinignan ko pa kung may mga batang naiwan. Mabuti nalang at mabilis naming napuksa ang mga kalaban. Gusto ko na rin bumalik dahil nag-aalala ako kay Cyrish.

Bitbit ang baril na ginamit ko, nakarating ako sa tent kung saan nilagay ang mga doctor. Nagtaka ako kung bakit nagkakagulo ang mga kasamahan ko. Humihingos na lumapit sa akin si General Mathias at Aljo.

"Nakita mo si Dr. Merro doon?" tanong ni General Mathias.

Nalaglag ang panga ko habang naguguluhan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Si Dr. Merro ay sumunod sa hideout ng mga terorista upang hanapin ka. Hindi namin nasabi na nahuli ka lang kaya-"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Aljo at kumaripas ako ng takbo pabalik sa hideout. Nanginginig sa takot ang puso ko habang punong-puno ng pag-aalala ang nararamdaman ko. Tangina! Sabi kong huwag siyang pumunta doon!

I run as fast as I can. Halos hindi ko na makontrol ang sarili dahil gustong-gusto ko siyang maabutan doon. Shit! Nang makarating sa hideout, hinanap ko siya. Hindi na ako mapakali habang tinitignan ang bawat paligid.

Napahinto ako sa paghahanap ng makita ang katawan ng isang babae, duguan at nakahandusay sa lupa. Nayanig ang puso ko ng makitang si Cyrish 'yon. Hinang-hina ng lumapit, hindi ko na alam kung paano siya hahawakan gayong halos wala na siyang buhay.

Kinuha ko siya habang tumutulo ang luha ko dahil nakapikit na ang kanyang mata. I tried to slap her cheeks, but fuck, maputla na siya at maraming dugo ang naubos sa kanya.

"B-babe..." I tried to wake her up.

Hindi siya sumagot kaya niyugyog ko ang katawan niya habang takot na takot. Narinig ko ang putok ng baril at alam kong sinundan ako ni General Mathias at Aljo. Natumba ang dalawang teroristang natira sa pagbaril ng dalawa.

"C-cyrish! Gumising ka!" tumutulo ang luha ko.

She didn't move. I started to CPR her, ngunit wala talagang nangyayari. Duguan na rin ako ngunit wala na akong pakialam pa. Binuhat ko siya at tumakbo ako papunta sa mga doctor na nandoon sa tent. Hindi ko na alam ang gagawin. Blangko ang isipan ko at nanghihina na rin ako.

Oh God, not my girl, please! Don't take her from me! Please, God. I love her so much. Please, huwag ang pinakamamahal kong babae.





---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon