Kabanata 18
Beg
Pagkatapos ng ginawa ni Amadeus sa labas ng pinto, nagkaroon ako ng pagkakataon na magpahinga. Mamayang gabi ay lalabas ako dahil kakain. Base sa binigay na information sa akin, sabay-sabay kakain ang lahat. May maluwag na dining naman sila at doon kumakain ang lahat. May chef naman at wala kaming ibang gagawin kundi gamutin ang mga sundalong nasusugatan.
Nakapagbihis ako ng bagong damit. Simula ng tumira ako sa Austria noon, maraming nagbago sa akin. Natuto talaga akong mag-ayos ng sarili kasi iyon ang labanan sa bansang 'yon. Talamak din ang mga bully doon. Mas matindi sa Pilipinas. Kaya kahit alam kong mahina ako, lumalaban pa rin ako kasi kapag hinayaan ko lang, patuloy akong ibu-bully doon.
I've learned a lot. Siguro iyon ang nagpabago sa akin. May mga naging kaibigan naman ako ngunit hindi ko naman nakakasama ngayon dahil nasa Austria sila. When I finished my college, nag-self review lang ako bago mag-take ng license examination.
It was hard. Hindi naman ako kasing talino ni Kuya Keno. But thanks to God, I passed! Maraming hospital ang kumukuha sa akin doon ngunit tinanggihan ko. I choose this place. Pero ngayon, unti-unti akong nagsisisi kung bakit dito ko ginustong magtrabaho. He's here!
I don't want to rude or act like unprofessional but I can't stop myself hating him. Masakit ang nagawa niya sa akin noon. He was my first love. I was really in love with him but he ruined it. He choose to cheat and try another girl. Kasi hindi satisfied sa isang babae. Kasi kulang pa. Kaya sumubok ng iba.
Lumabas ako ng room upang kumain. May intercom pala sa bawat kwarto at doon nagsasalita ang General Mathias kung may kailangan o kung kakain. Pagdating ko sa kainan, nandoon na lahat ng mga doctor na kinuha. Agad kong nakita si Amadeus, nakikipagtawanan sa isang doctor na babae.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. See? Ang bilis niya talagang makakuha ng babae. Kahit sino kaya niyang mabihag. Kaya hindi na ako magtataka na sa loob ng mga taong walang ako dito, marami siyang babae na pinalit sa akin. Tsaka bakit pa nga ba ako magtatanong kung bakit dito siya na-assign, taga dito pala ang pamilya niya.
"Doc, dito ka nalang." ang kaibigan ni Amadeus na sundalo.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. May space pa ang inuupuan niya kaya in-offer niya sa akin. Tumango ako at kumuha ng sariling pagkain sa buffet. Kaunti lang kakainin ko kasi hindi naman talaga ako gutom. Nang matapos kumuha ng pagkain, naglakad na ako papunta sa sundalo na naglahad ng upuan sa akin.
Umusog pa siya upang bigyan ako ng maluwag na space. Ngumiti ako at umupo sa kanyang tabi. Nakalimutan ko ang pangalan niya.
"Salamat." nakangiti kong sabi.
He sighed.
"Okay lang. Naaalala mo pa ako?" tanong niya.
Nahihiya akong umiling sa kanya. Ngumiti siya at uminom ng tubig.
"I'm Aljo Avestruz, isa sa mga sundalo na nakita mo sa hospital niyo." aniya bago kumain.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Pasensya na. Mabilis talaga akong makalimot lalo na kapag nasa trabaho." tugon ko.
"It's fine. Don't worry." he said while smiling.
He's dark handsome man. Mataas rin siya. Kung tititigan mo ang kanyang mga mata, nakakapanghina ng mga tuhod. Pero dahil hindi naman ako mabilis mahulog sa mga lalaki kaya parang wala lang sa akin ito.
"May boyfriend ka ba ngayon?" tanong niya.
Napatingin ako sa kanya. Ang bilis naman niyang magtanong.
"Wa-"
"Usog nga, uupo ako." isang malamig na boses ang nagputol sa sasabihin ko.
Pareho kaming napatingin sa likod namin, hindi na ako nagulat ng makita si Amadeus na nakatayo, seryoso ang mukha.
"Major, wala na pong space dito." sagot ni Aljo.
Tinuro niya ang natitirang space sa gilid ni Aljo. Tumingin doon si Aljo at napahinga ng malalim. Umusog siya kaya umupo si Amadeus sa gitna namin. Napailing-iling ako at umusog pa kasi magkatabi talaga kami.
Kumain ako ng tahimik at hindi na nagsalita dahil ayoko siyang kausapin.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya kay Aljo.
Napakamot ng ulo si Aljo at nahihirapang sagutin si Amadeus. Bakit kailangan niya pang magtanong sa pinag-uusapan namin?
"T-tungkol lang sa iba't-ibang bagay, Major." sagot ni Aljo.
"Bakit? Ano ba ang tungkol sa iba't-ibang bagay?" sunod na tanong ni Amadeus.
Shit! Bakit kailangan niya pang magtanong ng magtanong? Ano bang pakialam niya? Tsaka hindi naman siya kasali sa pinag-uusapan namin ni Aljo! Pakialamero talaga ang lalaking ito!
"M-major..." nahihirapang sabi ni Aljo.
"Ano, sagot?" seryosong tanong ni Amadeus.
"Huwag ka ng magtanong, Amadeus. Hindi mo na dapat 'yon tinatanong pa." sagot ko kay Amadeus.
Napatingin siya sa akin at seryoso ang mukha. Bumuntonghininga siya at umiling-iling.
"Nagtatanong lang naman." mahina niyang sabi.
"Hindi mo kailangan na malaman pa 'yon." malamig kong sagot.
He sighed. Umiwas siya ng tingin sa akin at kumain nalang. Kumain na rin ako at wala ng may nagsalita pa. Nagmadali akong kumain kasi ayokong makatabi at makausap siya. Tsaka ang bastos na rin niya ngayon. Porket Major siya at nasa mababang posisyon pa itong si Aljo ay umaasta talaga siyang nakatataas.
Hindi ko alam na ganoon pala ang ugali niya. Akala ko mabait kasi iyon naman ang pinapakita niya sa akin noon. Pero ngayon lumabas ang tunay niyang ugali. Tsaka bakit naman siya umalis sa tabi ng doctor na kausap niya kanina? Bakit siya lumipat dito sa amin?
"The night you came to my penthouse-"
"I wouldn't believe you." putol ko sa kanya.
He sighed heavily. Tinapos ko ang pagkain at tumayo kasi alam kong magsisimula na naman siyang bumalik sa nakaraan. Matagal ko na 'yong binaon sa limot kaya bakit binabalik-balikan niya?
"Aljo right?" pagkuha ko sa atensyon ng sundalo.
He turned to me.
"Yup. Bakit?" he smiled.
"Thanks sa upuan." sabi ko na kinatango niya.
Pagkatapos no'n, tumalikod na ako upang umalis sa kainan. Ramdam ko ang mabibigat na hakbang ni Amadeus sa likod ko ngunit hinayaan ko lang siya. Dumaan kami sa madilim na parte ng headquarters at mabilis kong naramdaman ang kanyang kamay na humawak sa palapulsuhan ko.
"Mag-usap tayo please? Kahit marinig mo na lang ang explanation ko, Rish. Please?" he beg.
I pulled my wrist.
"Hindi ka pa rin ba naka move on sa akin, Amadeus?" mariin kong tanong.
Kahit madilim, nakikita ko ang kanyang mukha dahil sa liwanag ng buwan.
"Hindi pa." marahan niyang sabi.
I shook my head. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
"I still love you, Rish. I love you so much. Please, listen to me." he beg while hugging me.
I tried to push him. Masyadong mahigpit ang kanyang yakap kaya nahihirapan akong makawala. Naiinis na ako at sa oras na makawala ako, talagang masasampal ko siya.
"Ano ba! Bitawan mo ako!" I said angrily.
Mas lalo niyang binaon ang mukha sa aking leeg habang mas lalong humigpit ang kanyang yakap.
"I miss you and I love you. Makinig ka naman sa akin... please?" nanghihina ang kanyang boses.
Tumigil ako sa pagpupumiglas ng maramdaman ang mainit na pumatak sa balat ko. It was his tears.
"P-please, pakinggan mo naman ako." he beg.
---
Copyright © 2023 Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAmadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish Merro. He wasn't expect that he'd fall in love to the girl. One day, he felt something in his heart t...