THE PRETTIEST CHAKA 22

40 5 1
                                    

*Image is just a representation. Credits to the owner*

----------
CHAPTER 22

Ang Panibagong Simula ng Kwento

*Matapos ang limang taon...*

"Change is the only constant thing in the world." ika nga. Dahil lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago. Ang mga tao ay nagbabago ng ugali. Ang mundong ating ginagalawan ay paliit ng paliit. Halos lahat ay posible na dahil sa mga makabagong teknolihiya. Hindi man natin gusto ay kailangan tayong makisabay sa agos ng buhay upang maka-survive.

Nagmamadali akong tumatakbo papunta sa bago kong pinapasukang coffee shop. Nakikipag-unahan ako sa daloy ng mga tao sa sidewalk upang hindi ako ma-late sa shift ko. I glanced at my wristwatch. 8:30am na at meron pa akong isang oras. Hinihingal ako habang tumatakbo patungo sa bus station. Parang isang gyera ang pagsakay ng bus kasi sa dami ba naman ng tao. Tingnan lang natin kung may maupuan pa ako nito.

8:37AM.

"Manong! Teka lang ho! Sasakay pa po ako!" sigaw ko kay manong dispatcher.

"O, sakay na!" sigaw ni manong dispatcher.

Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa bus. Jusme. Wala nang upuan. Puno na. Kaya nakatayo ako at kapit na kapit sa steel pole upang makabalanse. Siksikan kaming mga pasahero. Nagbuntong-hininga ako at dinukot ko mula sa aking sling bag ang aking cellphone... syempre... umasenso na ang ateng niyo. Touch screen at Samsung pa ang brand. Chos!

Ginawa kong salamin ang aking cellphone upang tignan kung ako na ba si Liza Soberano. Oo, ikaw nga si Liza...


Liza Hontiveros!!! Bwahahaha...

Grabeh sya! Di man lang madaan sa joke. E di wow. Ikaw na. Magaling ka di ba?

Syempre ang ateng niyo 5 years na ang nakalipas syempre kahit papa'no ay nawala na ang mga pimples ko sa mukha. Dasal lang talaga. Dasal lang at isang libong ligo ginawa ko.

Hindi na rin frizzy at dry hair ko. Syempre marunong na akong mag-ayos-ayos. Yung inaalagaan ko na sarili ko. Nagsearch ako sa internet at nagbasa ng mga beauty blogs upang mabawasan pimples ko. Bumili ako ng mga anti-acne facial cleansers at mga sabon upang finally ay iwanan na ako ng mga clingy kong pimples.

Sa kanila lang kasi may forever. Pashnea! Ang brilyante!

*Flashback*

Kailangan pagdating ng panahon... Bagong Rina Alvares na bubungad sa inyo. RINA ALVARES version 2.0!

Sabi ko sa sarili sa harap ng salamin. Naka-face pack ako. Syempre nagbasa-basa ako ng mga beauty blogs about Korean beauty regimen lalo pa't kakaiba sila kung mag-alaga ng kutis nila. so why not give a try right?

"Kailangan kuminis mukha ko!" sabi ko with very great determination. Parang desperada lang gumanda? Ah, basta! Go lang ng go!

Minsan...

Kailangan matanggal ang blackheads sa ilong ko! Nakaharap na naman ako sa salamin! And after 10 minutes tinanggal ko na ang nose pore strip na nabili ko sa Watsons aaaandddddd... boom! effective.

"Jusko. Kadiri. Ang dumi ng blackheads at ang dami nila. Nakakadiri kayooooo. Yuuuuccckkkkk." OA kong sabi habang tinitingnan ang nose pore strip sabay tapon sa basurahan habang nakangiwi.

"Ew, Rina. Ew. Super ewwwww..."

Wow ha. Nandiri pa talaga siya sa mga blackheads niya.

Isang araw...

Bumili din ako ng shampoo at conditioner upang mabawasan na 'tong dry at frizzy hair.

"Dapat gandang di nila malilimutan! Dapat maganda, smooth at shiny ang hair ko!" sabi ko sa sarili habang nasa loob ng banyo. Kinuskos ko ng kinuskos buhok ko upang goodbye bad hair day ang ateng niyo.


Sa salon...

"Tiwala ako sa iyo ate na maibabalik niyo sa dati buhok ko. Muling buhayin ang pataaaay!!!" sabi ko sa staff ng salon.

At sinimulan na nila ang mga hair treatment para sa akin and after a few hours...

"Wowwwww." nakanganga kong sabi sa harap ng salamin. Nakakamangha ang bago kong hitsura.

"Rina. Ikaw ba yan?" sabi ko.

"Tagumpay po tayong marevive ang buhok niyo. Congratulations!" sabi ni Jielyn, ang staff na umasikaso sa kin.

Namamangha ako. Wow. Ako ba talaga 'to?


Sa mall...

Bumili din ako ng mga bago at sabay sa uso na mga damit. Syempre yung casual at disente lang. Ayoko sa mga sexy at revealing clothes kasi... wholesome eke eh! Enebe!

Lumabas ako ng mall na nakasuot ng kulay blue floral dress habang nakalugay ang straight at shiny at mabango kong buhok.

Proud na proud ako sa sarili ko. O, di ba? Nag-improve na ang ateng niyo! Tulo laway niyo ngayon! Who u kayong lahat sa kin.

Nang makalabas na ako ng mall ay dinukot ko ang cellphone ko at nagselfie.

Syempre naka smartphone ako... Samsung pa!

In-upload ko sa Facebook na dati ay 100 lang ang friends ko at kalahati pa nun mga Arabo.

Jusme!!! Nakakaloka!!!

"THIS IS ME. RINA ALVARES 2.0"

Di naglaon ay dumami na friend requests ko at marami na ang naglike sa Facebook post ko na iyon. First time in forever na nagpost ako ng selfie. Dati kasi di ko magawa iyon.

Ang chaka ko kaya nun.




At present...

Inayos ko ang aking buhok at akma ko na sanang ilalagay pabalik ang aking cellphone sa aking bag nang biglang nag-preno ang bus at nahulog ang cellphone ko sa sahig.

"O, babaan na! Nandito na tayo sa Escario Bus Stop." dinig kong sabi ni manong dispatcher. At nagsisimula nang nagbabaan ang ilang mga pasahero.

Habang ako'y hinahagilap ang cellphone ko. Nasa gitna ako ng bus at nang makita ko na ang cellphone ko at akma ko na sanang kukunin ay nasipa naman ito nang isang pasahero.

"Gaaaah!" sabi ko dahil sa inis. "Bababa na sana e! Kuya, teka! Yung cellphone ko! Wag munang aalis!" sigaw ko.

Napunta iyon sa may paanan ng isang lalaki... sa harap ng isang pares ng grey rubber shoes.

Nakita ko ang kamay ng lalaki at binigay niya sa akin yun ngunit di ko napansin ang mukha niya.

"Huli ka!" hawak ko sa cellphone ko. Tumayo ako at nagmamadaling bumaba.

"Bababa na!" Nang makababa na ako ng bus ay takbo na naman ako.

9:23AM

7 minutes... Tatakbuhin ko ito!

"Kung bakit ba kasi 'di tumunog yung alarm ko eh!"

----------

Itutuloy....

A/N: Hi, after so looooongggg... nakapag-update na. I can't remember when the last time I updated this story and Happy 119th Independence Day, Philippines!

Walang pasok kasi holiday. Di ako busy sa work kaya nakapag-update. Hahahahaha. Sarreh.

#TPCMustReadScene

"Manong, bababa ho ako." sabi ni Thomas na nasa loob din ng bus. Sa katunayan rubber shoes na kulay gray ang suot niya.

Nang makababa ay tiningnan niya si Rina na tumatakbo papalayo sa kanya.

He heaved a sigh. "Ang babaeng 'to, di pa rin nagbabago. Shunga pa rin." sabi niya habang hawak-hawak ang wallet ni Rina na nahulog habang hinahanap ang cellphone. Nakausli kasi ito at di nakasarado ang zipper ng bag kung kaya'y nahulog ito.

THE PRETTIEST CHAKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon