jeromaetoyread's note: I dedicate this chap to my twitter friend, lil_ayek for the support. I'm so happy that you are really taking an interest in this story for the trust you've given to me. Aye aye!
CHAPTER TEN
Two days before everything happened.
Pumasok sa loob ng building na pag-mamay-ari ng mga Middleton si Dylan dahil mayroong importanteng sasabihin ang mga magulang nito.
Masaya siyang naglalakad sa lobby ng building habang nakapamulsa at ang sinumang madadaanan niyang empleyado ng kompanya ay talagang binabati siya at sinusuklian niya naman ito ng ngiti. Sumakay siya sa elevator patungong twenty-first floor at habang nasa elevator ay maraming tumatakbo sa utak ni Dylan.
Hindi siya makapaniwalang pinagsuot pa siya ng coat-and-tie suit ng kanyang ama at kung anuman ang rason ay malalaman niya din iyon.
Bumukas ang elevator pagtuntong sa twenty-first floor at agad siyang lumabas para magtungo sa opisina ng kanyang ama.
Kumatok muna si Dylan sa pintuan ng CEO's office-- ang opisina ng kanyang ama bago tuluyang pumasok at naabutan niya doon ang kanyang ama at ina kasama ang mag-asawang Mr. at Mrs. Delgado at ang kanilang babaeng anak na si Elise na kasing edad lang din ni Dylan.
"Nandiyan na pala si Dylan,"sabi ng kanyang ina.
Tumayo silang lahat mula sa pagkaka-upo sa sofa to acknowledge Dylan's presence. Lumapit si Dylan sa kanila at nakipag-beso-beso sa kanyang ina at ama at sa kanyang future in-laws kabilang na si Elise, ang kanyang fiancee.
Oo, engaged na sila noong eighteen years old pa lamang. Parehong mayayaman na mga pamilya kung kaya'y ang merging ng dalawang malaking kompanya ay makakatulong sa paglago ng kanilang yaman at negosyo.
"Good that you're here, hijo. We'll be having a family dinner with the Delgado's. Shall we go?"sabi ni Mr. Middleton at lahat sila tumango at sumunod sa mag-asawang Middleton na nauna nang maglakad papalabas ng opisina kasama ang mga magulang ni Elise na masayang nag-uusap.
Bukod sa parehong mayayaman at may-ari ng ng malalaking kompanya ang dalawang pamilya, family friends na kung maituturi ng mga Middleton ang mga Delgado at ganun na din ang mga Delgado sa mga Middleton kung kaya'y niluto agad nila ang isang engagement party para kina Dylan at Elise na siyang magmamana at magpapatakbo ng dalawang higanteng kompanya pagdating ng tamang panahon.
Itinakda na din ng kanilang mga magulang ang kasal at 'yun ay mangyayari sa pagtuntong nila sa edad na dalawampu't apat. Ang kanina'y gumugulo sa na mga tanong sa utak ni Dylan ay nasagot na din.
Hindi siya makapaniwala na nagbalik na ang kanyang fiancee mula London. Isang taon kasing nawala si Elise sa Pilipinas upang mag-aral doon at ngayo'y nagbalik na siya. Hindi naman maarte at masunget si Elise, sa katunayan ay mabait ito tsaka napakatalino at napakaganda pa.
"How are you?" pagsisimula ni Dylan while they were heading out the door of the office.
"I'm just fine. Nakakapagod ang biyahe. Na-miss ko ang Pilipinas," she said but she trailed off,"and I miss London, too kahit kakarating ko lang kahapon," she sighed.
Dylan breathed then said,"Welcome back. Hmmm, na-miss mo ang London or dahil may naiwan ka dun?"
Elise looked at him pero hindi ito galit dahil noon paman ay napag-usapan na nilang dalawa ni Dylan ang isang sikreto at kasunduan sa pagitan lamang nilang dalawa.
Malinaw sa kanilang dalawa na hindi nila gusto ang arranged marriage kung kaya'y napagkasunduan nila na enjoyin ang kani-kanilang buhay hangga't hindi pa sila kasal tutal bata pa naman sila.
BINABASA MO ANG
THE PRETTIEST CHAKA
Teen FictionRina Alvares. Isang panget na babae na napapaligiran ng apat na lalake not to mention their beautiful faces to die for and their different personalities she needs to deal with. Will she be able to deal with them? Pero ang hindi niya alam na sa likod...