jeromeatoyread’s note: I would like to dedicate this to Chiara Villasorda for her support and for taking time in reading this story. Sana suportahan mo ito till up to the very end. THANK YOU.
CHAPTER 16 #PeanutBitterRina
rina
Kahit ano ang mangyari kailangan kong ngumiti. Dapat positive vibes lang at dapat rin na hindi ako magpa-apekto sa mga problema o di kaya’y sa mga negatibong bagay. Pero aaminin ko sa sarili ko na hindi magiging madali ang pagtanggap ko sa naging kahinatnan sa pagitan naming dalawa ni Dylan. I was walking down the pavement when I felt a drop of water on my skin. Tumingala ako sa maitim na kalangitan at nagsimula nang umambon.
“Kainis naman o. Ngayon pa talaga umulan. Kapag minamalas nga naman.” Sabi ko sa sarili.
“Tutunganga ka nalang ba diyan at magpapabasa sa ulan?” A voice said which prompted me to turn around and when I saw who the owner of the voice, I just stopped and stared at him for a moment. Lumakad siya papalapit sa akin dala-dala ang payong and when he was walking toward me, natutulala ako sa kanya. Totoo ba ‘to? Siya ba talaga yan? O baka naman kamukha niya lang yan? Ah, imposible!
He then covered me with his black umbrella when he got in front of me. Wow. Ilang sandali rin akong nakakatitig sa kanya. Tinitigan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Mapupungay na mga mata na animo’y may nakatagong ilang libong lihim... mga matang sadyang nagungusap. Ang kanyang ilong na napakatangos. Ang maninipis at mapupula niyang labi tsaka napakakinis na mukha. Bakat din ang kanyang biceps sa suot niyang fitted long sleeves. Medyo matipunong pangangatawan tsaka matangkad. Sa katunayan nga ay nakatingala ako sa kanya ng bahagya. Tsaka idagdag pa riyan ang malakas niyang karisma. Ang gwapo talaga.
I was interrupted out from my reverie when he cleared his throat and only then did I realize that I was staring at him.Kung kaya’y agad kong binawi ang aking tingin at ibinaling sa nakasinding lamp post. I felt my cheeks burning. Ugh. Nakakahiya! I bit my lip at nag-isip agad ako ng mga salita upang mabawasan ang awkwardness. Pero nakakainis kasi parang namilipit ang dila ko at hindi ako makapagsalita!
“O, anong nangyari sa yo at natahimik ka?” He asked with his brows arching. Agad ko namang ibinaling ang tingin ko sa kanya. Mag-isip ka Rina! Paganahin mo ang utak mo! Ano ka ba! Tinitigan ko muna siya habang nag-iisip ng maaaring sagot. Ano ba yan! Para akong natetense sa kanya. “Uh, ano. May iniisip lang kasi ako. Masyadong malalim kaya pasensya.” Oo naman ‘no. Iniisip ko si Dylan at ang mga nangyari sa aming dalawa. Totoo yun pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na napatulala niya ako dahil sa angkin niyang kagwapohan. Nakakahiya kaya yun.
Hindi siya sumagot at sa halip ay nanatiling nakakatitig lamang sa akin na siyang dahilan upang ma-conscious ako. Ugh. Siguro ang panget-panget ko na! Ba’t pa ba kasi ako iyak ng iyak eh! Yan tuloy nakaka-conscious. Para na tuloy akong yelo nito na unti-unting natutunaw sa mga titig niya. Pero okay lang kasi mapupungay mga mata niya. Hmp landi!
“Uh, siyangapala Thomas, pa’no ka nga ba nakarating dito? Sinusundan mo ba ko?” Tanong ko sa kanya nang mabasag na ang katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi agad siya nakasagot sa tanong ko sa halip ay tumikhim muna siya tsaka nagmasid-masid sa paligid bago niya muling ibinaling ang atensyon niya sa akin. “No, I’m not following you. Nagkataon lang siguro.” Sabi niya at tumango nalang ako bilang tugon.
BINABASA MO ANG
THE PRETTIEST CHAKA
Teen FictionRina Alvares. Isang panget na babae na napapaligiran ng apat na lalake not to mention their beautiful faces to die for and their different personalities she needs to deal with. Will she be able to deal with them? Pero ang hindi niya alam na sa likod...