--------
Chapter 26"Alam ko na po ang kinaroroonan niya. Nakatira po siya sa isang apartment complex ngunit boss... pasensya na pero hindi ko po siya nabundol ng motorsiklo. May lalaking umepal kasi." sabi nang lalaki sa kanyang kausap.
Nasa loob sila ng isang mamahalin at kulay itim na kotse. Nakaupo ang tinatawag niyang 'Boss' sa back seat ng kotse habang ang lalaki naman ay nasa driver's seat at nakatingin siya sa kanyang amo sa pamamagitan ng rearview mirror.
Bakas sa kinikilos nito ang pagkabalisa dahil di niya nagawa ng malinis ang pinapatrabaho nito. Nag-uusap sila sa isang abandonadong lote na malapit sa bangin overlooking the night city view.
"Ikalawang beses mo na 'tong pumalpak. Hindi mo na nagagawa ng maayos ang trabaho mo." Hindi maaninag ang mukha ng tinuturi niyang 'boss' pero sa mga pananalita nito ay dismayado ang tinig ng boses nito. He clenched his jaw at nagkuyom ang kanyang palad na parang nagtitimpi ng kanyang galit.
"Hindi pa ito ang takdang panahon ngunit pagbabayaran niya ang kasalanang di naman niya ginawa. She is just a collateral damage." He smirked.
"Basta't siguraduhin mo lang na sa susunod ay hindi ka na papalpak. Gawin mong malinis ang trabaho mo. Nang malaman nila kung sino ang kinakalaban nila." Pagtitimpi ngunit seryoso ang mensahe nito na dapat burahin sa mundo si Rina.
Tumango ang lalaki at inilabas ang litrato ni Rina at tinitigan ito.
------------
Thomas was maneuvering his car in the parking lot kung saan nakatira si Rina at nang ma-ipark na niya ito ng maayos ay pinatay niya ang makina ng kotse. Silence filled the air inside the car. Nasa front seat nakaupo ang dalaga and she was fidgeting.
"S-salamat." yun lang ang tanging nasabi ni Rina at napakagat siya sa kanyang labi. Tinitigan niya si Thomas na diretso lang ang tingin. He was staring beyond the windshield.
"K-kung hindi dahil sa yo baka nasa ospital na ko ngayon. Mabuti naman at dumating ka." sabi ng dalaga.
"Pero, bakit ka ba napunta sa lugar na to?" pagtatakang tanong ni Rina.
Agad nagbuntong-hininga ang binata at lumingon kay Rina. "Bumaba ka na." He then removed his seatbelt at lumabas ng kotse.
Rina huffed. "Ba't ba ang sunget-sunget niya. May buwanang dalaw lang? Grabeeeeh ka!" Padabog na inalis ng dalaga ang seatbelt nito at hinampas ng malakas ang pintuan ng kotse.
Hindi maipinta ang pagkagulat sa mukha ng binata. "Pasensya na ha. Medyo napalakas ng konti." sabi ni Rina with a sarcastic smile.
Napapikit nalang si Thomas at nagtimpi at piniling di nalang patulan ang dalaga. He then folded his arms and said. "May dinaanan lang ako. At nakita kita kaya yun. Happy ka na?" matapos nun ay lumakad ang binata at dinedma si Rina.
Agad namang hinabol ni Rina ang binata. "Uy, sorry na. Huh? Pasensya na talaga." Ngunit dinedma siya ng binata at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hoooooyyyy. Thomas. Teka nga." mabilis na naglakad si Rina at nang maabutan niya ang binata ay hinila niya ang braso nito dahilan para huminto ang binata.
Tinitigan niya ang dalaga tsaka dumako ang mga mata nito sa kamay nitong nakadantay sa braso nito. Rina then pursed her lips at binawi ang kanyang kamay. "Napaka-sensitive." sabi nito.
"Sa'n ka ba pupunta? Wag mong sabihing nakatira ka rin dito?" sabi niya nang naka-pamewang.
"Ihahatid lang kita. E, kung ayaw mo..." di na tinapos ni Dylan ang sasabihin niya at mabilis na naglakad kung saan naka-park ang kotse nito.
BINABASA MO ANG
THE PRETTIEST CHAKA
Teen FictionRina Alvares. Isang panget na babae na napapaligiran ng apat na lalake not to mention their beautiful faces to die for and their different personalities she needs to deal with. Will she be able to deal with them? Pero ang hindi niya alam na sa likod...