THE PRETTIEST CHAKA 1

746 26 9
                                    

jeromeatoyread's note: First and foremost, I would like to thank Aselfunie Duran for taking me to wattpad, for introducing me to the beautiful world of writing and reading. If it weren't her hindi ko madidiskubre ang napakagandang mundo ng wattpad.com.

Asel, I really owe you... a lot and THANK YOU SO MUCH!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER ONE  #SkyFlakes

rina

"Rina, bilisan mo na diyan at magsisimula na ang meeting!" sigaw sa akin ng kasamahan ko bilang waitress dito sa Coffe House- -isang coffee shop.

"Oo, susunod na!" tugon ko naman sa kanya mula sa loob ng cubicle.

Nagbibihis kasi ako ng damit dahil papauwi na kami pero ang kaso meron pang meeting.  Well, these past few days, naging rumor na diumano'y magtatanggal ng empleyado ang Coffee House at kinakabahan ako at baka mapasama ako sa matatanggal.

Wish me luck, Goldilocks! Agad akong nagmadali at nagtungo agad sa office ng aming manager na si Sir JB Madrigal. Medyo may kalakihan ang office ni Sir JB kaya kasya kaming dalawampung empleyado. Humanap agad ako ng pwesto at umupo dun. Napansin kong kumpleto na pala kami pero wala pa si Sir JB.

Pumasok ako bilang waitress sa Coffee House at nagpart-time job kasi kailangan kong makaipon ng pera para sa darating na pasukan. Nasa kolehiyo na kasi ako at third year student na sa kursong AB Psychology. Ako nalang kasi ang bumubuhay sa sarili ko cuz my adoptive parents died in a vehicular tragedy when I was thirteen. Meron akong mga relatives pero nasa probinsya. Si Auntie Doris ang nagpa-aral sa akin since my adoptive parents died pero ewan ko ba kung bakit ang malas-malas ko kasi after highschool graduation, Auntie Doris died of heart attack.

Haaaaay. Kaya eto ako ngayon mag-isa sa life. Panget na nga, wala pang karamay.  Ang saklap. Duuuh. Ang drama ko talaga. Tapos maya-maya pa ay pumasok na si Sir JB na may dalang bondpaper. Tumayo siya sa harap at nagsimula ng magsalita.

 “Okay, guys. I have a very important announcement. Now, you’ve heard rumors about Coffee House terminating employees. And sad to say that that rumor is true. Magtatanggal ng empleyado ang Coffee House dahil malapit na itong mabankrupt.”

Walang patumpik-tumpik na anunsyo ni Sir JB sa aming lahat. At lahat kami pati ako, syempre ay nagulat. Lalo na ako. Naghahalo na ang nararamdaman ko. Kaba, gulat at pag-aalala. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawalan ako ng trabaho. Lecheng buhay naman 'to o!

"Ano? May pamilya pa po kami."

"Naku naman! Hindi pwede yan!"

"Pa'no na tuition ko nito?"

"Hayyy... ako pa naman bread winner ng family ko."

"Kainis naman yan! Bad news na bad news!"

          

Iba-iba man kami ng reaksyon but we all have one sentiment-- ang HINDI MATANGGAL.

“Alright guys, I understand your sentiments pero nalulugi na ang kompanya at ‘di na nito kayang pasweldohan pa ang libu-libong empleyado nito. This was the decision of the board in order to save the Coffee House,” sir JB added.

Nakuuuuu naman. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan kailangan ko ng pera at trabaho. Bakit ngayon pa sila magtatanggal? Kainis naman o! Ugh. Ano pa ng aba magagawa ko? Wala naman. Sana naman mapasama ako sa ‘di matanggal.  

THE PRETTIEST CHAKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon