CHAPTER 14 #TheRevelations
rina
Nanatili kaming nakatayo sa harapan ng saradong supermarket ni Dylan at hindi ko pa rin mawari kung bakit niya ako dinala rito pero isa lang ang nasisigurado ko na ang supermarket na ito ay nagbigay sa akin ng isang mapait na karanasan noong bata palang ako.
Mga ilang sandali ring walang umiimik sa aming dalawa ni Dylan kung kaya'y tinitigan ko siya sa gilid ko at napansin ko ang seryoso niyang mukha lalo na ang ekspresyon nitong may malalim na inaalala o iniisip.
Hay! Ang hirap basahin ni Dylan! Grabeh! Nakakakaba! Pagkatapos niyang titigan ang supermarket na nasa harap lang namin ay nagbitaw siya ng malalim na buntong-hininga at napahilamos ng mukha.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kung kaya'y naglakas-loob akong tanungin siya,"Uh, Dylan, okay ka lang ba? May problema ba? Meron bang gumugulo sa isip mo? M-may nabuntis ka ba? Naku! Wag naman sana! Magpapabuntis pa ako sa 'yo! Dapat ako muna! Ah este! Mali!--" he piped in then grabbed my hand, pulling me closer to him, his both hands wrapping my body.
Sobrang nagulat ako sa ginawa ni Dylan. I blinked several times before realizing what really happened pero huli na nang mapansin kung niyayakap na niya pala ako ng mahigpit.
Ikinulonng niya ako sa kanyang mga bisig at braso at dama ko ang init ng kanyang katawan. Huli na rin nang mapansin ko ang mabilis na tibok ng puso ko na ang tanging si Dylan lang ang nakakagawa ng ganitong uri ng epekto.
This guy's really driving me nuts making my heart throb like crazy.
Kahit nagulat man, niyakap ko rin siya pabalik nang mahigpit sabay amoy. Ang bango talaga ng hubby baby Dylan ko! Pero sa kabilang banda, nandoon pa din ang pagtataka ko on the sudden shift on his mood. Baka may problema.
"If only we could stay like this forever. If only this night wouldn't end. If only there is only you and I. If only," sabi ni Dylan habang kami'y magkayakap.
"Dylan, ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?" sabi ko at hindi pa rin niya ako binibitiwan ngunit bago paman niya ako sagutin ay nagbuntong-hininga si Dylan tsaka kumalas sa pagkakayakap sa 'kin.
"I'm sorry,"he said straight in my eyes then held my shoulders,"Maybe you're clueless and I know that there are a lot of things running in your head right now... na naguguluhan ka kung bakit kita dinala dito sa supermarket... dahil dito nagsimula ang lahat," sabi niya sa kin emphasizing his last four words.
"A-anong dito nagsimula ang lahat?" kinakabahan kong tanong sa kanya at sa tanong kong iyon ay mas humigpit ang kapit ni Dylan sa mga balikat ko.
"Dahil dito tayo unang nagkita. Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong niya sa kin.
Umiling ako bilang sagot kay Dylan,"A-anong dito tayo unang nagkita? A-anong h-hindi na kita naaalala? Hindi kita maintindihan," I said searching for Dylan's face dahil sa totoo lang sinusubukan kong alalahanin ang mukha niya pero wala akong maalala kung saan, kailan at paano.
"That was eight years ago at ako ang batang lalaking nagligtas sa yo mula sa nasusunog na supermarket at ako rin ang batang nagbigay sa yo ng silver bracelet na suot-suot mo ngayon," he said softly.
I left my mouth ajar sa mga sunod-sunod na rebelasyong binitawan ni Dylan sa kin,"T-teka, nanghihina ang tuhod ko," sabi ko and Dylan held me to keep my balance,"I-ikaw? Ikaw ang nagligtas sa kin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Tumango siya,"Oo. It was me," he said, his face leaning in, our noses almost touching.
*******
BINABASA MO ANG
THE PRETTIEST CHAKA
Teen FictionRina Alvares. Isang panget na babae na napapaligiran ng apat na lalake not to mention their beautiful faces to die for and their different personalities she needs to deal with. Will she be able to deal with them? Pero ang hindi niya alam na sa likod...