THE PRETTIEST CHAKA 18

177 6 3
                                    

jeromeatoyread's note: I would like to dedicate thia chap to Jandyl Rubinos dahil sa kanyang mainit na suporta sa TPC. At sa sobrang init ng kanyang suporta ay nababasa niya pa rin ang TPC kahit wala siyang account dahil nagsesend lang ako sa kanya ng MS Word copy ng TPC. And oh, she's a classmate and a dear friend of mine. So no worries. HAHAHA. #ChoiJongHoon

CHAPTER 18 #BackToNormal

rina

Naglilinis ako sa kusina nang may kumatok kaya nilingon ko kung sino yun and it was Dylan. He was hovering at the doorway.

"H-hi. Am I disturbing you?" He furrowed his brows.

"Uh. Hindi naman masyado. May iuutos ka ba?" Sabi ko. Immuned na ako sa yo Dylan kaya di na ako madadala sa charm mo.

"W-wala naman." He said shrugging then inserted his hands in his pockets.

Nakipagtitigan ako sa kanya saglit tsaka binawi ko agad ang aking tingin sa kanya.

"Excuse me. May gagawin pa ko." Sabi ko tsaka dinaanan siya but he held my arm.

I was startled tsaka tumingala ako sa kanya. "A-ano bang problema mo Dylan? Kung may iuutos ka, sabihin mo nalang kaagad sa akin." Sabi ko.

"Iniiwasan mo ba ko?" He said then looked at me. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot. At kahit ilang linggo na ang nangyari sa pagitan namin ni Dylan ay naging casual nalang ako sa kanya at mukhang napansin niya ang pagbabago ng mga ikinikilos ko kapag nandiyan siya. Ha! Dapat lang 'no! Natuto na ko.

"Hindi ah. Busy lang kasi ako kaya wala na masyadong oras para sa ibang mga bagay." Sabi ko. "Tsaka maaari niyo na ba akong bitawan? Dahil marami pa po akong gagawin."

He sighed then loosened his hold from my arms. "I-I'm sorry." Sabi niya then ruffled his hair.

And with that I left the kitchen and breathed. Ang awkward talaga. Tinatarayan ko na ba si Dylan? Siguro deserve niya pagtataray ko? There should be no attachment.

"Bahala siya. Hindi ko nalang siya kakausapin. Dapat civil nalang." I said to myself.

*******

Dinidiligan ko ang mga halaman sa bakuran nang tinawag ako ni Raymart.

"Girl! May naghahanap sa yo dun sa labas ng gate." Sabi niya.

Napakunot ako sa noo dahil sa pagtataka. "Ha? Eh sino naman daw?" Tanong ko.

"Eh hindi ko rin kilala kung sino eh. Tinanong ko kung sino siya pero hindi sumagot. Eh sa ikaw yung hinahanap eh. Ikaw daw gustong makausap." Sabi ni Raymart.

"T-talaga? Sino naman kaya yun?" Pagtataka ko pa rin.

"Ewan. Lalaki yung naghahanap sa yo. Sige na. Puntahan mo na dun at ako na muna bahala dito." He smiled.

"O, s-sige. Salamat." Sabi ko tsaka pumunta sa gate. Sino kaya yan? Ngayon lang 'to ah. Baka naman kamag-anak ko?

Nang buksan ko ang gate ay nakita ko ang isang lalaki na naka-black leather jacket, naka-cap at naka-itim na pantalon. Sa tantiya ko ay kasing edad ko lang siya. Pero mas matangkad siya ng konti.

"Sino ho sila?" Kunot-noo kong tanong.

"Kayo ho ba si Rina Alvares?" Tanong niya while looking at me intently.

I nodded. "Oo. Ako nga. At anong kailangan nila?"

Ngumiti siya tsaka nagbuntong-hininga. Pero weird. Ugh. Sino ba siya?

THE PRETTIEST CHAKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon