PROLOGUE

75 3 0
                                    

PROLOGUE

"Gab! Gab! Wake up." nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa mukha ko. Unti-unti kong minulat yung mga mata ko.

"N-nasaan tayo?" tanong ko habang inililibot ang paningin ko.

"Hindi ko din alam." sagot nito sa akin. Isang kwarto. Walang binta, walang kahit anong gamit. Isang puting ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kwarto at isang pintong bakal, yun lang ang mayroon.

"N-natatakot ako." usal ko. Naramdaman kong may mga luhang tumutulo sa mukha ko.

Kanina ay namamasyal lang naman kami sa park hanggang sa may mga lalaking lumapit sa amin at may itinakip sa ilong namin para mawalan kami ng malay. Ngayon ay nandito na kami sa lugar na hindi pamilyar sa akin.

"Sshhh. Don't cry. I'm here." pag-aalo nito sa akin. Lumapit ito at niyakap ako habang nakaupo kami sa sahig.

Nasa ganoong posisyon kami ng biglang marahas na bumukas ang pinto. "Aw. Ang sweet naman." agad kaming napakalas sa yakap. "Mabuti at gising na kayo." muling wika ng isa sa mga lalaking pumasok. Hindi ko sila kilala.

"Who are you?" tanong ng lalaking katabi ko na ngayon ay nakahawak na sa kamay ko.

"Hulaan mo!" tila nang-aasar na  saad ng lalaki at tsaka tumawa.

Pito. Pito silang lahat na pumasok dito. Ang anim dito ay may hawak na mga baril. Nakakatakot.

"Bakit nyo ba kami dinala dito? Anong kailangan nyo sa'min?" lakas loob na tanong ko. Alam kong nanginginig na ako sa sobrang kaba at takot. Naramdaman ko nalang na humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Bakit?" tanong nung lalaking nasa gitna. "Bakit?-- DAHIL SA INA MO!" sigaw nito. Hindi ko maintindihan. Si mom? Patay na si mom kaya paanong sya ang dahilan. "Kunin nyo yung lalaki." utos nito dun sa mga kasama nya. Lumapit yung limang lalaki sa kasama ko. Anong gagawin nila?

"Anong ga--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng makita kong biglang sinuntok ng isang lalaki yung kasama ko. Sa gulat ko ay bigla akong tumakbo palapit sa kanila. Pero hinawi lang ako ng isa sa mga lalaki kaya naman napasubsob ako sa sahig.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak habang pinanonood syang binubugbog. Bakit? Anong kasalanan namin? Tatakbo pa sana ulit ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Bitiwan mo ko!" pumapalag na sigaw ko dito habang umiiyak.

"Panoorin mo nalang. Diba ang ganda ng tanawin?" patungkol nito sa kaguluhang nangyayari.

Putok ang bibig. Puno ng dugo ang mukha. May bahid na din ng dugo ang damit nito. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang panoorin lang sila.

Kinagat ko yung kamay nung lalaking may hawak sa akin kaya naman nabitiwan nya ako. Tumakbo ako palapit sa kanila pero hindi pa man din ako nakakalapit ay may naramdaman akong parang may kung anong bumaon sa kaliwang binti ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang isang kutsilyo na nakabaon dito. Napaluhod ako dahil sa sakit na dulot non.

"GAB!" sigaw nya. Napalingon ako sa kanya, kahit hirap na hirap na sya ay ako pa rin. Ako pa rin ang inaalala nya.

Binunot ko yung kutsilyo na nakabaon dito. "AHH!" daing ko ng mabunot yun. Masagang dumaloy ang dugo ko mula doon. Muli akong tumayo at lalapit na sana ulit ako ng maramdaman kong may masakit sa kanang binti ko. May kutsilyo na nakabaon doon. Masakit. Lumingon ako sa kung sino ang gumawa non at nakita kong may hawak na kutsilyo yung lalaking kausap ko kanina na sinasabing dahil sa nanay ko kaya kami nandito.

Muli ay lumingon ako sa lalaking binubugbog nila. Nakahiga na ito sa sahig. Halata sa mukha nitong sobrang nahihirapan na sya. Nakapikit ito pero alam kong buhay pa sya dahil rinig ko ang bawat daing niya sa tuwing sisipain sya ng mga walang pusong nilalang na nakapalibot sa kanya. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

***

Hops na muna. Mehehe.

PLEASE CONTINUE READING...

Kamsahamnida :)

Date Started: May 19, 2015

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon