CHAPTER 2

23 1 0
                                    

GAB's POV

Pagkatapos kong mamili ng mga kailangan namin ni Kaide sa bahay ay ipinalagay ko na iyon sa trunk ng kotse ko. Nandito pa ako sa loob ng mall, bumili pa kasi ako ng bagong skateboard. Naiwan ko kasi sa Japan yung akin.

Naglakad ako palabas nitong mall pagkatapos ay sinakyan ko na yung bagong skateboard ko. Nung nasa parking lot na ako ay may nakita akong mga lalaking nagkakagulo. Nang medyo malapit na ako sa lugar kung nasaan sila ay nakita ko yung isang lalaki na napapalibutan ng limang kalalakihan na may hawak ng baril habang nakatutok sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad ako. Madadaanan ko kasi sila papunta sa kotse ko. Napatingin ako dun sa lalaking tinututukan nila ng baril na ngayon ay nakaupo na sa sahig hawak yung kanang braso nya. Mukhang hindi nya na kaya lumaban sa mga to. Wala bang security dito sa parking lot na'to?

Huminto ako sa tapat nila at binitbit yung skateboard ko kaya naman napatingin sila sa'kin. Maya-maya pa ay tinutukan na din ako ng baril ng isa sa kanila.

"Are you going to saved him Miss?"  nakangising tanong nung lalaking tinutukan ako ng baril.

Napakunoot naman ang noo ko dahil sa tanong nito. "Siya?" tanong ko sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa sahig. "I didn't know him." I said in a matter of fact. Di ko naman talaga sya kilala. "But five versus one? Such a cowards." I said while shaking my head.

"What did you say?" he asked angrily

"What? Ah!" I said na para bang may napalanunan. "Coward? You guys are all cowards!"

"Aba't--" bago pa nya maiputok yung baril ay agad kong inihampas sa kanya yung hawak kong skateboard dahilan para tumilapon sa malayo yung baril nya. Pagkatapos ay tumalon ako sa ibabaw ng kotse na malapit sa amin habang bitbit pa rin yung skateboard ko. Tumingin ako dun sa apat na lalaki na ngayon ay sa akin na nakatutok yung baril nilang hawak. Tumalon ako dun sa isa sa mga lalaki at sinipa ito sa batok dahilan para matumba ito at mawalan ng malay. Hinuli ko naman yung kamay nung isa sa mga lalaki at pinilipit iyon. Nakita kong tinutukan kami nung isa pang lalaki kaya naman buong lakas kong hinila yung lalaking hawak ko at pabalibag na itinulak sa lalaking may nakatutok ng baril sa akin. Dali dali kong pinulot yung baril at agad na pinaputukan yung dalawang kamay nung isang lalaki.

"Agghh!" daing nito ng mabitawan yung baril. Tumakbo ako palapit dito at hinampas ito sa batok for him to fall asleep. Pagtingin ko dun sa dalawang lalaking bumagsak kanina ay nakikipaglaban na ito dun sa lalaking tinutulungan ko. Yung isang lalaki naman ay nakatutok abg baril dun sa kanila. Akala ko tumba na to? Hinawakan ko yung skateboard ko at walang alinlangang ibinalibag yun sa lalaking may hawak ng baril. Tumama iyon sa ulo nya at nagtuloy-tuloy yun sa kotseng nasa tapat nya kaya nabasag ang salamin nun.

Dinampot ko yung baril na nasa harap ko. "Yah!" tawag atensyon ko din sa lalaking tinutulungan ko. Ibinato ko yung baril sa kanya. Nasalo nya ito pagkatapos ay agad na pinaputukan yung dalawang lalaki sa braso. Lumapit ako dun sa dalawang lalaking tinamaan ng bala. Mukhang okay pa naman sila. Tiningnan ko yung lalaking tinulungan ko, may sugat ito sa labi at pisngi. Nakatitig lang ito sa akin. "What?" I asked ng mapansin kong titig na titig ito sa akin na para bang kinikilala ako.

"Who--" I didn't let him finished what he was going to say. Tumalikod na ako at naglakad papunta dun sa kotseng nabasagan.

"Tsk!"usal ko ng makitang pati yung pinto nito ay nalukot. Pinulot ko yung skateboard na nasa tapat nun at tiningnan. "Sayang." I said. Nasira na ito. Ibinagsak ko ito at sinipa. "Weak!" at tumumpit iyon sa kabilang kotse.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko. Makauwi nalang.

-----

This is our first day in school. Kaide were driving my car. Hindi pa daw kasi sya nakalabili ng kanya kaya makikiangkas daw muna sya sa kotse ko. Well, okay lang naman. Di naman ako madamot.

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon