CHAPTER 4

12 0 0
                                    

GAB's POV


"Huy Gab, sige na kasi oh." bulong ni Jin na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa yan nangungulit, at sa totoo lang nabubwisit na ko!

Nandito kami sa loob ng classroom ngayon. Konti pa lang kami dito sa room dahil maaga pa naman para sa first subject namin. And about yesterday? Well I got three brand new signature shoes for free, courtesy of Jin of course, while Kaide paid his.

"Huy Gab, please naman oh." pangungulit nito sabay sundot sa braso ko na nakapatong sa ibabaw ng desk. I just gave him a sharp stare. Tumigil ito sandali pero maya-maya... "Susumbong kita kay Ken pag di ka pumayag, sige ka." pananakot nito sa akin.

Humarap ako dito at "Go on. Tell him." sabi ko at itinuon ulit sa harapan ang atensyon. Parang si Kai din pala 'tong isang to. Parang bata!

"Dude, tigilan mo na yang si Gab. Hindi makikipagdate sayo yan, ang pangit mo kasi. Pagkamukha mo na ako makikipagdate na sayo yan." I heard Kai talking to Jin.

Masasabi kong magandang lalaki din naman itong si Jin. Matangos ang ilong, maganda ang mga singkit mata, matangkad. But actually not my type.

"Edi mas pangit." Jin murmured. I just sighed. Mga isip bata.

Lumingon ako sa pinto at saktong pumasok naman ang blue haired headed guy and his company. Nauunang maglakad yung lalaking may asul na buhok, ito siguro ang tumatayong lider ng grupo na to. Nagsimula nang magsiupuan yung mga kasama nya sa harapan ng upuan na kinauupuan namin. Nasa pinakadulong upuan kasi kami nakaupo. Naglakad papunta sa direksyon namin yung lalakung may asul na buhok at naupo sa tabi ko. Hell yeah. I'm one of the boys.

As he sit his ass on the chair beside me, the professor entered the room. "Good morning..." narinig kong bati nitong katabi ko. Hindi ako lumingon dahil hindi alam kung sino ba ang binabati nya pero malamang yung prof ang binabati nito. Magalang masyado. "...Gab."  dugtong nito kaya napatingin ako dito. Nakatingin ito sa akin. So, ako pala ang binabati nito. Tumango ako dito at ibinaling ulit sa harapan ang tingin. "I'm Francis. Francis Cruz." he said at inilahad ang kamay sa harap ko.

Tiningnan ko saglit iyon at marahan na tinapik. Ngumiti naman ito pagkatapos nun. Hidi na ako nagpakilala sa kanya dahil kilala naman na nya ako.

"...basketball." narinig ko pang sabi nung prof  bago marahas na bumukas yung pinto at pumasok yung limang lalaki. I know them. They're the guys I've encountered yesterday in the hallway. Yung tatlo sa lalaking nakaaway ko at yung lalaking may pulang buhok at yung laaking may blonde na buhok. "Cross and the company. Late na naman kayo!" bulyaw nung professor sa harap pero hindi man lang iyon pinansin ng mga bagong dating. Nagdire-diretso lang sila sa kabilang side ng room at naupo sa pinakadulong upuan. Pero bago yun ay binigyan ako ng matalim na tingin nung tatlo sa mga lalaking iyon.

"Jerks." I whispered

"Yeah. They are jerks." napalingon ako kay Francis dahil sa sinabi nito.  "Black Callous." dagdag pa nito. Hindi ko sya maintindihan kaya hindi ko nalang sya pinansin. Black Callous? Ano ba yon?

"Class pumunta na kayo sa gym."

---

Nang makarating kami sa gym ay nandoon na yung prof namin. Nagpalit pa kami ng P.E. uniform kaya natural lang na maunahan nya kami. We group ourselves into 6 groups. Limang member sa isang group. Ken, Kaide, the guy named Aris and Jay were my groupmates. All in all ay may 6 groups kaya naman mayroong tatlong game sa buong klase namin. Kami ang unang team na maglalaro at ang kalaban? Yung team ng mga nakaaway ko kahapon except dun sa lalaking may pulang buhok na hindi sumali.

Nagpunta kami sa gitna ng court at nag-umpisang magstretching, maliban kay Ken na kinukulit si Kai habang nagj-jumping jacks.

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang game at ang nagbabantay sa akin ay yung lalaking sinipa ko sa mukha kahapon. Nakakabwisit, dahil idinidikit nyang masyado yung katawan nya sa'kin. Si Kaide at Ken ang gumagawa ng puntos para sa team namin. Para silang professional dalawa kung maglaro dahil talaga namang bawat tira nila ay pumapasok. Yung kabilang team ay magaling din maglaro. 21-18 na yung score nang ipasa sa'kin ni Jay yung bola. 18 yung sa amin dahil naka 3 points itong binabantayan ko.

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon