GAB's PoV
"BITCH!"
I was about to speak up when someone screamed. Our attentions are all shifted to that noise.
There we saw, Sabrina with her companion, and a girl whose holding a tray.
"You stupid nerdy bitch!" sigaw ni Sabrina sabay sampal dun sa babaeng kaharap nito na sa tingin ko ay freshman pa lang.
"Oh my God! Gina!" gulat na sambit ni Kelly na nakaupo sa tabi ko. Akmang tatayo ito nang hawakan ko ang kamay nito.
"Sit down Kelly." I said. Tumingin ito sa akin bago ako alanganing sinunod.
"Stupid! Ang laki-laki ng daan, di mo ba ako nakita huh?! Gosh!" pahiyaw na sabi ulit nito. I look at her clothes, there's an orange stain on it. Sa tingin ko ay natapunan ng juice iyon.
"S-Sorry. S-Sorry." sabi nung babae at sunod-sunod na yumuko.
"Anong magagawa ng sorry mo? Matutuyo ba nyan to ha?!" at tinuro pa ni Sabrina yung damit nya.
"I-I'm s-sorry."
"Ahh! I have a great idea!" malakas na sabi ni Sabrina at lumingon sa mga kaibigan nya na nakatayo sa likuran nya. Muli itong humarap sa babaeng nakayuko at tsaka nagsalita. "Take off your clothes."
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria at maging si Jin at Kelly ay ganun din ang naging reaksiyon. Sino bang hindi? Pinaghuhubad ka sa harap ng maraming tao?
I looked at Kelly and she looks so worried. Does she knew that girl?
"H-Huh?" agad itong napaangat ng ulo ng marinig iyon.
"Tanga na, bingi pa! Sabi ko---HUBAD!!"
"P-Pero w-wala ak---"
"Ayaw mo?" lumapit ito sa babae. "Sige, ako ang gagawa para sayo!" dagdag nito at walang pasintabing hinila ang damit. Pilit hinuhubaran ang babae na ngayon ay nagpupumiglas.
"GINA!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kelly. Kasabay non ay ang agad nitong pagtakbo palapit sa gulong nagaganap.
"Kelly!" tatayo na sana ako para sumunod dito nang biglang magsalita si Kai.
"Gabrielle Takenori!" seryoso itong nakatingin sa akin na para bang nagbabanta.
"Kai---"
"Sit down." utos nito. I have no choice but to obey him. He called me by my whole name so it means, he's really serious.
"Stop it!" napalingon ulit ako sa sumigaw. It's Kelly. Nakalapit na ito sa kinaroroonan nila Sabrina. But it seems Sabrina doesn't hear her because she keep on riping the girl's clothes. "I said stop it!!" malakas na sigaw ni Kelly sabay tulak kay Sabrina.
Gustuhin ko mang pumunta roon para pigilan si Kelly ay hindi ko magawa dahil kay Kai.
Alanganin akong sumulyap dito, hindi ko inaasahang nakatitig pala ito sa akin.
I sighed. No choice.
Muli ay tumingin ako sa nagkakagulo at nakita kong nakangiti si Sabrina habang nakatingin kay Kelly. "Playing a hero huh?" saad nito sabay lapit kay. "How dare you to pushed me?!" akmang sasampalin nito si Kelly ng may sumalo ng kamay nito.
"What are you doing Sab?" tanong nito na para bang galit.
"Tinapunan nya ako ng juice Francis!"
BINABASA MO ANG
HIS ASSASSIN GIRL
Teen FictionSTATUS: It's Complicated The battle between LOVE and MISSION