CHAPTER 17

10 0 0
                                    

Jin's POV

"Ano ba talagang nangyari, Gab?"

Nandito kami ngayon sa hospital. Outside Kelly's room to be exact. Kasama ako sa nagdala dito kay Kelly sa hospital.


Kararating ko lang kanina sa school parking lot ng may makita akong babaeng nag-aattemp buhatin yung babaeng nasa sahig. At nang lapitan ko iyon, I was really surprised to see Gab and Kelly. Gab's shoulder was bleeding, so Kelly's head. Tapos sa di kalayuan ay si Sabrina na duguan din ang ulo.


Ayaw pa nga kaming paalisin nang ibang estudyante doon sa school eh. Pero nung nagsalita si Gab at sinabing...


"If you didn't get the fvck off my way... I swear, I will fvcking hunt you down! All of you!"


...agad nahawi yung mga estudyante at binigyan kami ng daan. Sino ba kasing hindi matatakot kung masabihan ka ng ganoon.


I don't know what really happened, nung tinanong ko kasi si Gab nung nasa kotse na kami papunta dito sa hospital ay hindi nya ako sinasagot. Nakatitig lang sya kay Kelly.


Ngayon, tinatanong ko ulit sya. Pero wala, tulala pa rin sya habang nakatitig sa pinto ng room ni Kelly. Tinawagan ko na din pala si Kaide, sinabi kong nandito kami sa hospital at hindi makausap si Gab.


Ginamot na kanina yung sugat nya sa kanang balikat. Ang sabi ng doktor ay magpahinga daw muna sya dahil baka bumuka ulit yung tahi pero parang walang narinig itong si Gab at kaagad nalang lumabas ng room nya na walang kibo at dumiretso dito sa tapat ng room ni Kelly.



Si Kelly, tapos na din syang asikasuhin ng mga doktor. Wala pa ring malay hanggang ngayon. Pwede na syang puntahan sa loob kaya lang ay nung tinawag ko si Gab, at sinabing pumasok na kami ay hindi nya ako pinapansin. Hindi ko naman sya maiwan dito, nag-aalala ako.


"Gab." I called her. Lumingon ito sa akin at halos mapaatras ako sa kinauupuan ko nang masalubong ko ang mga mata nito. I can see pain, hatred, hurt, anger. Is it really possible to seen those emotions on the eyes? One at a time?


"GAB!!!" Our attention was caught by that voice.


"Kaide, I can't---"


"Are you okay? What happened? How's your shoulder?" ang bastos! Hindi na ako pinatapos sa pagsasalita, hindi pa ako pinansin.


"Kaide yung---"


"Hey Gab! Talk to me."


"Kai---"


"ANO?!!"


Anak ng! Sabi ko nga hindi na ako magsasalita eh. Pucha! Pinansin nga ako, eh mukha namang gusto na akong gilitan!


Makapasok na nga lang sa room ni Kelly.


Kaide's POV


"Okay I'll be there in a minute." I said and hanged-up.


That was Jin. Tumawag sya at ibinalitang nasa hospital daw sila nila Gab at Kelly. He also told me that Kelly's head was bleeding and also Gab's shoulder. Hindi ko na tinanong ang nangyari dahil mas mainam kung makarating na ako kaagad doon. Mamaya ko nalang siguro aalamin kung bakit sila nagkaganon.


I didn't go to school today because Ken gave me an order to pay a visit on one of his bestfriend in hell. At sa kasamaang palad, hindi ko sya naabutan sa lungga nya kaya yung mga tauha nya nalang ang binisita ko. At dahil talagang malaki ang galit ni Ken sa gagong yun ay inutusan nya na din akong pasabugin yung bahay. And by now, I'm sure na nakarating na sakanya iyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon