CHAPTER 6

7 0 0
                                    

GAB's POV


Ang aga-aga namin pumasok ni Kai dahil sa ayaw naming malate pero nung dumating kami sa room ay ibinalita sa amin ng kaklase naming lalaki na wala daw klase dahil hindi pumasok yung prof.

Kaya ngayon naglalakad ako dito sa corridor. Si Kai? Hinila ni Jin kanina, I don't know where they'd go. Ang sabi ni Jin ay may kailangan daw sya kay Kai kaya hinayaan ko nalang. Hindi ko na naintindihan yung iba pa nyang sinasabi dahil okupado na ang utak ko ng trabaho ko mamayang gabi.

Henry Yamato. Nakita ko na yung mukha nya sa picture kaya hindi na ako mahihirapang irecognized sya mamaya. Ang sabi ni Kai ay alam din nya kung nasaan ngayon si Yamato nakatira.

Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng pinto. Para saan naman kaya tong pinto na to? Naglakad ako palapit dito at dahan dahan iyong binuksan. Rooftop. Dito ako dinala ng mga paa ko. Maganda siguro mag-isip-isip dito dahil tahimik.

Lumakad ako papasok pero napahinto ako ng may marinig akong boses.

"Damn it!" dali-dali kong ikinubli yung sarili ko sa likod ng pader dito sa rooftop. "What the fvck?!" Bakit puro mura? Nagpatuloy lang ako sa pakikinig. Hindi ko alam pero parang may kung anong humahatak sa akin para makinig.

"Then kill him!" matigas na sabi ng may-ari ng boses. Walang sumasagot. Siguro ay sa cellphone ito nakikipag-usap. "Henry Yamato?" What?

Mas lalo akong nagkainteres na pakinggan kung ano ba yung pinag-uusapan. " Yeah, I know him." he knew who Henry Yamato? Sino ba to? "Okay, I'll kill him." nagulat ako sa sinabi nito kaya natabig ko yung tubo na nasa tabi ko. Damn! Napapikit ako ng mariin ng bumagsak iyon sa sahig at gumawa ng ingay. Holy shit! Bakit ngayon pa to bumagsak?

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sana ay di nya iyon mapansin, pero sinong tanga naman ang di makakapansin non e ang lakas ng naging tunog. At ganun nalang ang gulat ko ng tumambad sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki, matangos ang ilong, singkit ang mapupungay na mata. Tangna! Ngayon ko pa talaga idiniscribe ang mukha nya!

Calvin James Cross

Bakit ba parati nalang sya ang nakikita ko?

Matalim itong nakatingin sa akin. Na para bang any minute by now ay sasapakin ako!

"What the fvck are you doing here?" he asked in monotone.

"I d-dont k-know." Damn! Why am I stuttering? Kahit ako hindi ko din alam kung ano ang ginagawa ko dito pero---"H-Henry Yamato. You know him?" I asked. Binanggit nya yung pangalan na iyon kanina. Hindi ba?

"What do you care?" he asked not leaving my gaze.

"Anong gagawin mo  sa kanya?" I asked. I need an additional information about Yamato and I think Calvin can give me that.

"Why the hell would I tell you?" matigas na sabi nito.

Naiinis na ako! Bakit ba ayaw nyang sumagot sa mga tanong ko? Nagtatanong ako tapos sasagutin din nya ako ng tanong! "Answer me!" I demanded.

Nanatili lang itong nakatitig sa akin at hindi na sinagot ang tanong ko. Tss. Mukhang wala akong mapapala sa isang to.

Akmang lalakad na ako palayo ng bigla akong hinawakan nito sa magkabilang balikat at marahas na isinandal ulit sa pader. "Ahh-WHAT THE HELL?!" I asked angrily.

"What else did you heard?" hindi ako sumagot. Aalis na sana ako nang idiin nito ang balikat ko sa pader.

"Get the fvck off me!"

"Fvcking keep your damn mouth shut or else..." binitin nito sa ere ang sasabihin nya. Napalunok ako. Nakakatakot salubungin ang mga tingin nito. "I'll take your useless life."

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon