CHAPTER 3

19 0 0
                                    

GAB's POV

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nakakainis si Kaide! Bakit ako pinagsasabihan nya? Ako ba nauna? Di naman ah! Aish jinja? Sa sobrang frustration ko ay ginulo-gulo ko na yung buhok ko gamit ang kanang kamay ko.

"HEY YOU!!"

Nakakainis! Aish!

"Ikaw! Babaeng may pulang buhok!"

Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong nakatingin sa akin yung mga estudyanteng nagkalat dito sa hallway. Don't tell me na ako tinatawag non?

Pinihit ko ang kayawan ko paharap dun sa lalaking tumatawag. Galing yun sa grupo ng nabangga kong lalaki.

"Aren't you goin' to apologize?" tanong nito. Kumunot ang noo ko. Kainino naman kaya?

"Kainino?" I asked back

Tinuro nito yung lalaking may katulad na kulay ng buhok ko. It's dark red. "Apologize." may diing sabi nung lalaking matangkas, maputi at matangos ang ilong. Lahat naman sila ay matangkad.

"Bakit?" tanong ko. Nagugutom na ko! Aish!

"You just bumped him." galit na sabi nito. Okay yun palang lalaki na iyon yung nabangga ko. Pero di ko naman kasalanan yun, hindi din naman sya lumihis diba? Pero ayaw ko din naman tumagal pa to.

"Sorry." walang ganang usal ko sabay talikod at lakad palayo sa kanila. Humingi na ako ng tawad, ayoko na kasing magtagal dito at isa pa nagugutom na talaga ako. I haven't eaten a breakfast!

Naramdaman kong may papalapit sa akin pero di ko na iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may humawak sa braso ko at sapilitan akong hinila paharap dito dahilan para mahulog yung blazer na hinubad ko kanina na nakasampay sa balikad ko.

"What?" mahinang tanong ko sa lalaking nakahawak sa braso ko. Binigyan naman ako nito ng matalim na tingin.

Lumingon ako sa paligid at lahat ng tao na nandito sa hallway ay nakatingin na sa amin. Ganun din yung mga kasama ng lalaking ito.

Hindi ito sumagot sa halip ay hinila ako palapit sa mga kasama nya. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako nang maisipan kong pabigatin ang mga binti at paa ko kaya naman napahinto ito sa paghila sa'kin. Hihilahin na sana ako ulit nito pero dahil sa pagpapabigat ko ay hindi nito nagawa. Muli ay sinubukan nito, pero gaya ng una ay hindi nito nagawa.

Ang kanang braso, mga paa, binti at hita ko ang masasabi kong parte ng katawan ko na malakas. Hindi ko alam kung bakit hindi magkasinglakas ang mga braso ko. Kahit anong pagsasanay ang gawin ko sa kaliwang braso ko ay walang nangyayari.

"What do you need?" may diing tanong ko. Medyo masakit na din ang kaliwang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

Galit ang mukha nitong tumitig sa akin. "Humingi ka ng tawad!" bulyaw nito.

"Are you deaf? I already say sorry!" naiinis na ko! Yun lang pala, kailangan pa ko hilahin!

"In a rude way? Oh come on! Di mo ba kami kilala?" naiinis dun na tugon nito. Kung naiinis sya, aba! Mas naiinis ako!

"Kailangan ba kilala ko kayo?" I asked. Sino ba sila? Naramdaman ko namang kumakalam na naman yung sikmura ko kaya naman mas lalo akong naiinis.

"Bastos ka ah!" sasampalin na sana ako nito nang maunahan ko syang sipain yung mukha nya. Napaupo ito sa sahig habang sapo ang mukha nya. Nakita ko namang dumudugo ang ilong nito. Napalakas ata.

Tumingin ako sa mga kasama nito, halatang mga nagulat ito sa ginawa ko. Umatras ako ng limang hakbang dahil parang alam ko na ang susunod na mangyayari.

HIS ASSASSIN GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon