GAB's
Another day of school. Mag-isa lang akong pumasok ngayon sa university. Kaide said he's going somewhere because my brother said so. I don't exactly know what's their business is, because Kaide didn't tell me.
I parked my car here in the carpark and went off on it. Maglalakad na sana ako paalis sa parking lot ng may marinig akong mga ingay. Parang nagsisigawan.
"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" that voice. It's familiar.
"Pinagtanggol ko lang naman si Gina."
Gina?
Parang narinig ko na yong pangalang iyon.
Gina. Gina. Gin---
Tama!
Sya yung babae kahapong inaaway ni Sabrina. Kung ganon---
Agad akong naglakad palapit sa pinagmulan ng mga boses. And there I saw Sabrina and her friends, at si Kelly.
Yung mga kaibigan ni Sabrina may mga hawak na baseball at lahat sila ay nakasuot ng jersey shirt at sports short.
"I don't care! Wala kang karapatang banggain ako! Don't you know me?"
"Of course I know you. Sabrina Clarkson. The university bitch!" noon pa man ay talagang matapang na si Kelly, kaya hindi na ako nagulat kung paano nito sagutin si Sabrina.
"What did you just called me?"
"Bitch?"
"YOU!!!" akmang sasampalin na nito si Kelly ng agad akong sumingit sa kanila at agad na sinalag yung kamay nito.
"Ate Gab!" I glanced at her. And then turned to Sabrina again.
"Dare to slap her, at sisiguraduhin kong pagsisisihan mong ginawa mo yun." I said while looking straight through her eyes.
"Get off my hand! Pakialamera!" sigaw nito ng nanggigigil. Hindi ko ito binitiwan, sa halip ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak nito. "O-Ouch." naluluhang bigkas nito. She's really hurting. Kaya naman binitiwan ko na iyon. Sapat na siguro iyon para matakot syang saktan si Kelly. And there! Nag-iwan ng marka yung kamay ko sa braso nya.
"Come on Kelly." I said and took her right hand. Nagsisimula pa lang kaming maglakad ng maramdaman kong may papalapit sa amin.
"Bitch!" Agad kong hinila si Kelly sa harapan ko at niyakap.
"Fvck!" I whispered. I checked on Kelly. "Are you okay?" Tanong ko dito at bahagyang inilayo sa akin.
"O-Okay lang ate---OhmyGod!!!" gulat itong napatakip pa sa bibig nya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. "A-Ate Gab, you're bleeding." Halos pabulong na wika nito at nagpabalik balik ang tingin sa mukha ko at balikat ko.
I looked at my shoulder, ang yeah she's right. It's fvcking bleeding. Lumingon ako sa likuran ko at hinanap kung sino ang humampas sa balikat ko.
Yung apat na kaibigan ni Sabrina ay medyo malayo sa akin at si Sabrina lang ang pinakamalapit. So I assumed na si Sabrina ang gumawa nun.
Napahawak ako sa balikat ko ng bigla akong makaramdam ng sakit doon. Damn! Yung sugat ko yung tinamaan.
I looked at Sabrina, she just smirked at me habang hawak pa din yung baseball bat.
"Oh? The transferee is bleeding." She said still smirking. I looked at her friends, they are all grinning to me.
"Go to your room Kelly." Malumanay kong sabi habang na'kay Sabrina pa rin ang tingin. Ayokong madamay sya dito, at ayoko din makita nya na nakikipag-away ako sa mga ito.
BINABASA MO ANG
HIS ASSASSIN GIRL
Teen FictionSTATUS: It's Complicated The battle between LOVE and MISSION