Dear Diary,
Hello diary. OMG.
Ang weird naman pala magsulat sa ganito. Akala ko cool.
Ok! pakilala muna ako ano! kasi ako ang may-ari nito.
Hellooo~ diary!!!
Ako ang amo mo, si Katrina. Katrina the diyosa.
Makinig kang mabuti sa mga kwento ko ha at 'wag mong sasabihin sa iba mga secrets ko kundi isasama kita sa pagsiga ng dahon. Joke lang
Highschool na ako. First year. Freshman. Grade 7. <3 <3
Binigay ka sa akin ni mommy noong first day of school kaso ngayon lang kita nakita, sorry ang busy pala kapag highschool na.
Pangarap ko dati maging highschool na noon kasi nakikita ko 'yung mga highschool na babae ang cool nila. May mga lipstick at make-up, may nakaipit na kulay sa buhok, 'yung iba malaking bilog ang hikaw.
Pero ang totoo niyan gusto ko na maging highschool kasi gusto ko maranasan magkaroon ng boyfriend.
Nakikita ko sila may mga kasamang boyfriend o girlfriend nila kapag uwian. Ang astig kaya.
Natutuwa ako kasi ang daming magaganda at gwapo dito ngayong highschool na ako. Kaya lang wala akong crush.
Paano ba magkaroon ng crush?
Pinagtatawanan ako ng mga kaklase kong babae kasi wala daw akong crush. Pangit naman kaya ng crush nila.
Nagkaroon kami ng Acquiantance Party noong June. Ang saya saya. Party party lang kaming lahat.. ang daming tao sa covered court puno talaga. Tapos nandoon lahat ng mga estudyante.
Sabi pa nga sa akin ni Sherry crush ko daw 'yung lalaking lumaban sa Mr. and Ms. Acquaintance ng Grade 10. Gwapo naman siya kaso hindi ko siya crush, baka siya ang may crush doon.
Siguro hindi ko pa lang nahahanap 'yung crush ko. Nasa room lang kasi ako palagi, nalabas lang ako kapag bibili sa canteen.
Basta!! First year pa lang ako mararanasan ko rin magkaroon ng crush!
Please please papa god,
Katrina ♡
P.s: nakakangalay pala magsulat sa diary
P.P.S: October 3, 2015 na ngayon
--
maikee ~
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...