Nov 13, 2015
Dear Diary,
Oh my gosh diary it's friday the 13th! Sabi nila Angge malas daw ang friday the 13th. I can say tama sila.
Bago ba naman magstart ang klase, pinagpunas ako nung adviser namin ng Snake Plant na nasa paso, sa may labas ng room, sa gilid, maalikabok na raw kasi. Pinunasan ko na gamit 'yung basang basahan kaso pagtayo ko nauntog ako sa bintana.
ANG SAKIT!!!!
May cinompose kaming kanta para sa Filipino, tungkol sa kalikasan. Kaso absent 'yung kakanta na pair sa harapan. May ginawa silang tono na hindi namin alam. Kaya naman kami tuloy ni Lyn ang kumanta sa unahan ang tono ay 'That's what makes you beautiful' ng One Direction. Ginawan lang namin ng paraan na maipasok sa tono. Mukhang hindi humanga 'yung teacher namin, paano ba naman kasi biglaan. Samantalang 'yung ibang group, prepared, tapos lahat talaga sila kumanta with matching Mountain Dew bottle as instrument.
Tapos sinilip namin 'yung tanim naming munggo sa plastic cup, patay na kasi nalunod. Nakakainis! Sino kayang pumatay no'n gaganti ako!
Hindi papaapi,
Katrina ♡
--
maikee ~
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Novela JuvenilEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...