Nov 18, 2015
Dear Diary,
Alam mo ba nahigit ako na mainterview kanina. May mga Grade 10 kasi na dalawang babae at isang lalaki. Pumunta sila sa classroom namin mag-iinterview lang raw ng estudyante tungkol sa kahalagahan ng English subject. Dalawa lang raw na magaling sa English. Ako agad tinuro ng mga classmate ko.
Nakakaktuwa naman. Paano kasi ako ang Top 1 ng klase. Promise, no joke cross my heart totoo 'yan. Sa Math lang ako hindi magaling, pero binawi ko sa English at Science.
Doon kami ininterview sa may gilid ng pathway. Habang iniinterview 'yung Top 2 namin, nasa gilid muna ako nakatanaw sa classroom nila Lawrence. Never pa kasi ako nakalapit kahit sa building nila, dahil hindi naman ako napapadaan doon.
"Sige, ate ikaw naman po." napalingon ako kay Ate na fourth-year. Ako naman sunod na tatanungin.
Nagulat ako nang makitang dumaan si Lawrence sa harap ko, nakagray na t-shirt at may dala siyang coke mismo. Wala sa sariling sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa classroom nila. Ang pogi niya talaga sa malapitan. Napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan.
Happy,
Katrina ♡
--
maikee ~
don't forget to vote if you liked this chapter <3 thank u
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...